Chapter Thirty: Ethan's Birthday

74.4K 1.6K 103
                                    

Chapter Thirty: Ethan's Birthday

Eila

"KAILANGAN ba talaga na ganito ang isusuot ko?" tanong ko kay Kesha habang tinitingnan ko ang sarili ko sa oversized na salamin sa kwarto niya.

"Eila, the dress looks good on you. Magkaroon ka naman ng confidence sa katawan mo," sagot niya habang abalang-abala sa paglalagay ng make up sa mukha niya.

"Pero..."

It's not about my confidence. Gaya nga ng sabi ng mga kaibigan ko noon—and Trojan's commentaries—maganda raw ang hubog ng katawan ko. Bagay lang sa height ko. Not too sexy and not too skiny.

Ang hindi ko lang maintindihan ay 'yung pagpupumilit ni Kesha na gamitan ng push up bra ang damit ko para ma-emphasize ang dibdib ko at nang mas lalo 'yung lumuwa sa too revealing na damit na pinahiram niya para sa party.

Ilang beses ko nang hinila pataas 'yung damit sa katawan ko para naman maging komportable ako pero mas lalo lang akong nagiging hindi komportable sa sobrang hapit na itim na mini dress na suot ko.

"Here's your clutch," sabi ni Kesha nang matapos na siya sa pag-aayos sa sarili niya sabay lagay sa kamay ko ng isang silver clutch. "And pretty jewelries for your ear and neck."

Hinayaan ko na lang si Kesha sa tainga ko 'yung punong-puno ng dyamante na hikaw niya sabay sabit naman sa leeg ko ng pares na diamond necklace.

"'Ayan! You're good to go!"

Hinarap ako ni Kesha sa salamin and my mouth almost drop nang makita ang ayos ko.

Kesha emphasized my facial strong features by applying smoking make up na hindi masyadong makapal at red sultry lipstick that complements the rest of my make up.

"You like it?" nakangiting tanong sa akin ni Kesha sa salamin.

"Oo naman!" hindi ko mapigilang mapataas ang boses ko sa tuwa sabay harap at yakap sa kanya. "Thank you, Kesha!"

"You're always welcome, Eila. Hindi ka na rin iba sa amin. And I bet sooner or later magiging isa ka na rin sa amin."

"Huh?"

"Just kidding!" sabi niya sabay tawa. "Tara na?"

Napatango na lang ako sabay natawa nang mahina nang bigla niyang kunin ang isang kamay ko at ilagay iyon sa braso niya.

Kesha becomes a friend sa ilang araw kong pananatili sa Alta Puebo. She made me feel at home with her bubbly and positive attitude.

Akala ko talaga no'ng una hindi kami magkakasundo dahil sa kakaibang naramdaman ko sa kanya nang una kaming magkita. I really thought she's Trojan's girlfriend or something. And yes, I felt jealous when I saw her.

Hindi dahil sa may espesyal na akong nararamdaman kay Trojan kundi dahil nakaka-insecure ang ganda niya. Ng mga Mondragon in general.

Pero dahil sa nangyari kagabi sa pagitan namin ni Trojan, may naramdaman akong kakaiba sa loob ko.

Like I am slowly falling in love with Trojan Mondragon regardless of his possessiveness and over-bearing roughness towards sex.

"Eila? Okay ka lang?"

Nagulat ako nang bigla kaming huminto ni Kesha sabay nagtataka siyang nakatingin sa mukha ko.

"You look preoccupied at namumula ka. Sobrang sikip ba talaga ng damit ko sa'yo? Kailangan mo bang mag-last minute change?"

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon