Chapter Thirteen: New Girl

96.7K 2.4K 169
                                    


Chapter Thirteen: New Girl

Eila

"Third rule, you'll be staying beside me twenty four seven. Hindi ka pwede umalis nang hindi nagpapaalam sa akin. Lahat ng gagawin mo dadaan muna sa akin. You need my consent before doing anything or going somewhere."

"Fourth, you will always follow my rules. Wala kang karapatang tumanggi sa lahat ng ipapagawa ko sa'yo especially when it comes to bed."

"Fifth, as compensation of being my woman, you can ask me anything as long as it won't break the other rules. Mansion, money, car, expensive things, anything. I'll give those things to you without question."

Sobrang pinagsisihan ko na ang tumapak ako sa puder ng lalaking iyon at lumapit ako sa kanya para hingin ang tulong niya.

Kung alam ko lang na magiging ganito ka-miserable ang sitwasyon ko, hindi na sana ako nagpatulong pa kay Ethan na pumasok sa kompanya para lang makahanap ng trabaho.

Sana pala nag-janitress na lang ako. Mas gugustuhin ko pang magtrabaho na malayo sa kursong tinapos ko kaysa naman sa magtrabaho kasama ang lalaking iyon.

Muling pumasok sa utak ko ang pinaka huling rule na nakalagay doon sa kontrata niya.

"Sixth and the most important rule you need to follow, you will stop seeing Ethan. I don't fcking care if your best friends or not. You won't see him anymore. Stay away from Ethan. Am I understood, Miss Delos Santos?"

Nasisiraan na siya ng bait!

Ano pa bang gusto niya sa akin maliban sa sex? Nakuha na niya sa akin 'yung kaisa-isang bagay na iniingatan ko ng sobra. Muntik na din niya ako napapayag sa pagiging babae niya kung hindi lang dahil doon sa kontrata niya at pangba-blackmail niya sa akin nung sex video naming dalawa.

Tapos ngayon gusto na niyang layuan ko si Ethan?

Alam ko sa sarili ko na hindi ko na gustong makipagkita kay Ethan...sa ngayon. Pero ni hindi pumasok sa utak ko na hindi na ako makikipagkita sa kanya kahit kailan.

"I'm insanely possessive. Ayokong may ibang lalaki na aaligid sa'yo o di kaya hahawak sa kahit anong parte ng katawan mo. I want you whole. Mind, body, attention, everything. I want you all for myself. Remember that."

Mariin akong napailing sa alaalang bigla na lang pumasok sa utak ko.

I already know that he's insane.

Pero anong karapatan niyang angkinin na lang ako ng ganoon-ganoon na lang?

"You should know by now. This is how mad I am attracted to you, Eila Delos Santos. So bare with it."

He's a monster. A wild beast. The most dangerous man walking on earth.

At sobrang pinagsisishan ko na talaga kung bakit ko pa siya nakilala.

I was fooled by his smile nung una ko siyang nakita. I was fooled by his appearance.

He's making a fool out of me nung simula pa lang.

"Napakawalang-hiya talaga ng lalaki na iyon!" Madiing sabi ko sa sarili ko sabay napakuyom sa kamao ko.

"Oo. Walang-hiya talaga ang lahat ng lalaki sa mundo."

Nagulat ako nang may bigla na lang nagsalita sa tabi ko. At sa paglingon ko, may nakita ako na isang babae na nakasuot ng itim mula pantaas hanggang talampakan.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon