Chapter One [REVISED]

211K 4.3K 327
                                    

Chapter One

Eila

MABIGAT AKONG napa-buntong hininga sabay nangalumbaba matapos kong maka-labas doon sa isang kompanya rito sa may Makati kung saan kakatapos lang din ng initial screening at exam ko sa ina-apply-an kong office position. Marami na rin akong nagastos sa pag-a-apply mula sa pagpapa-print ng resume, pagpapa-picture, pagkuha ng mga government papers at iba pang kinakailangan para sa paghahanap ng trabaho.

Kaka-resign ko lang doon sa dating kompanya na pinapasukan ko dahil bigla iyong nag-bankrupt. Dagdag pang hindi na rin gano'n ka-competitive ang kompanya at marami na ring naglabasan na mas bago at mas commercialized na negosyo na nasa pareho naming field kaya hindi na rin kataka-taka nang mag-announced ng bankruptcy ang kompanya namin.

Ang malas pa sa nangyari, biglaan ang naging announcement sa amin no'ng lagay ng kompanya. Hindi na rin namin nakuha nang buo iyong last naming sahod at kahit pa ilang beses kaming umapila, talagang nasaid na ang kinita ng kompanya at wala na silang naibigay sa amin. Pasalamat na nga lang ako na kahit papaano, nakuha ko iyong incentives ko noong nakaraang buwan kaya may nalabas pa rin akong pera no'ng umalis ako sa lugar na iyon.

Pero sa ngayon, hindi ko na alam kung kakasiya pa ba ang limang libo na natitira sa bank account ko. Malapit na rin ang bayaran doon sa inuupahan kong apartment kasama na ang kuryente, tubig at maging iyong internet. Hindi kakasya ang natitirang pera ko para mabayaran ang lahat ng iyon.

Kaya heto. Padala na lang ako nang padala ng resume sa mga hiring company na nakita ko online. Pero higit isang linggo na akong nag-a-apply at hanggang ngayon ay wala pa ring tumatawag sa akin o kahit man lang tinatawagan ako para sa final interview.

Saan pa kaya ako p'wedeng mag-apply? Sa isip ko. Subukan ko na kayang mag-apply sa provincial area? Baka doon na ako palarin.

Nasa gano'n akong sitwasyon—nag-iisip, naka-dungaw sa labas ng salamin na pader nitong paborito kong coffee shop kung saan ako kasalukuyang naka-tambay at nagpapanggap na kunwari'y customer pero nagpapalamig lang talaga ako dahil ayoko namang magsayang pa ng pera para lang sa mamahaling kape nila rito—nang bigla na lang dumilim ang paningin ko sabay biglang inalis iyong kamay na tumakip sa mga mata ko at nilingon ang nagmamay-ari no'n.

"Ethan!" Gulat na sabi ko sabay hampas sa kamay nito na kinatawa naman nito. "Ginulat mo ako! Akala ko kung sino. Huwag ka ngang ganyan! Ninenerbyos ako sa'yo!"

"Kanina pa kaya ako nagpapapansin sa'yo doon pa lang sa labas ng bintana nitong shop!" Sagot niya saka hinila ang bakanteng upuan na nasa harapan ko at naupo doon. "Ang lalim naman yata ng iniisip mo? Lalaki ba iyan? Magkaka-boyfriend ka na ba? Sino? Matinong lalaki ba iyan? Kaya ka bang buhayin 'yan? May insurance na ba 'yan? May kaso? Ex-convict? Batugan? May asawa na?"

Hindi ko napigilang matawa doon sa sunod-sunod na tanong niya na akala mo ay bigla akong nasalang sa isang ambush interview o hindi kaya under interrogation ako no'ng tatay ko dahil doon sa hindi pa nitong nakikilala na boyfriend ko.

"Sira! Kailan ba ako nagka-boyfriend?" Natatawa pa ring sabi ko. "Takot lang nila sa'yo!"

"Aba! Dapat talaga silang matakot sa akin! Dahil oras na pina-iyak ka ng kung sino mang magtatangka no'n sa'yo, makikita na lang nila katawan nila na lumulutang-lutang sa Ilog Pasig sa susunod na araw. Wala yatang p'wedeng manakit sa best friend ko!"

Best friend. Best friend lang. Hanggang best friend na lang talaga. Iyan lang ang role ko sa buhay ni Ethan.

Nasa iisang university lang kami nag-aaral ni Ethan no'ng College pa lang kami. Hindi rin kami magka-klase sa lahat ng subject dahil irregular student ako gawa na rin na may part-time akong pinapasukan noon para ma-suportahan ang pag-aaral ko.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon