Chapter Forty Three: Jealousy

67.2K 1.4K 54
                                    

Chapter Forty Three: Jealousy

Eila

"YOU DIDN'T told me that you buy my past investors shares, Elisha," panimula ni Trojan habang nakaharap siya doon sa "kaibigan" niyang nagmula pa sa ibang bansa at habang ako naman ay nagsasalin ng kape sa mga tasa nila na nasa ibabaw ng mesa ng opisina ni Trojan.

Dalawang araw matapos ang party ay hindi pa rin nawawala 'yung ngitngit na nararamdaman ko sa kaloob-looban ko dahil sa ginawa nila Trojan at Elisha sa harapan ko—lalong-lalo na sa ginawa ni Trojan Mondragon.

Noon sobrang galit na galit siya nang mahuli niya akong nakikipaghalikan kay Ethan dito sa opisina niya pero no'ng sila na ni Elisha naman ang naghalikan sa harapan ko ay parang bale-wala na lang sa kanya na nandoon ako at kung ano bang mararamdaman ko sa ginawa nilang iyon.

At matapos din ng gabi na iyon ay hindi na siya tumatabi sa kama namin. Madalas na siyang nagkukulong sa library at doon na nakakatulog ayon kay Carlos o 'di kaya nasa may sala at kausap ang Elisha na ito at masayang nakikipagkumustahan dito kahit na ang dinadahilan pa niya sa akin ay business matters lang daw talaga ang pinag-uusapan nila at wala nang iba.

"Do I need to report everything to you, Mister Ex-CEO?"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matapunan nang matatalim na tingin ang babae na ito lalo na sa tono ng pananalita nito tuwing magkausap sila ni Trojan na para bang inaakit niya ito.

At hindi na ako magdadalawang-isip pa kung totoo ba ang hinala ko na inaakit nga niya si Trojan dahil sa bihis at pananamit pa lang nito, siguradong-sigurado na ako sa mga hinala ko sa kanya.

Sinasadya niya talagang akitin si Trojan sa mismong harapan ko.

"No. You don't need to. But you surprised me for what you have done."

"Well, I can give you more surprises if you want."

Pinanuood ko ang pagbibigay nang malagkit na tingin ng babae na iyon kay Trojan maging ang pagbasa nito sa ibabang labi nito sabay kagat doon habang si Trojan naman ay napapangiti na lang sabay iling.

"I told you, Elisha that I came to offer you business. Not the other way around."

Not the other way around? sigaw ko sa aking isipan.

Ibig sabihin, talagang may nangyayari sa kanila nang hindi ko nalalaman?!

"But business is still the best with some pleasure right?" panunukso pa ni Elisha. "C'mon, Trojan! It's been a while."

"Miss Elisha, kung hindi mo po mamasamain, mahigpit na pinagbabawal sa kompanya na ito ang batas ni Mister Mondragon na no fucking on the employees. At bilang future investors ng kompanya, wala kang karapatang akitin, landiin o 'di kaya ang makipag-sex kay Mister Mondragon habang nasa loob ka ng kompanya na ito!"

Halata ang gulat at pagtataka sa mukha ni Elisha sa ginawa kong biglang pagsigaw sa harapan niya pero wala akong nakitang reaksyon kay Trojan. Seryoso lang itong nakatingin sa akin at napapailing na para bang nadismaya ko siya sa inasal ko sa harapan ng kliyente niya.

"And who are you, Coffee Girl?" taas-kilay na tanong sa akin ni Elisha nang makabawi na siya sa pagkagulat niya. "I didn't remember asking for any of your opinion."

"Hindi ako Coffee Girl dahil para sa kaalaman mo—"

"You can go now, Miss Delos Santos."

Hindi makapaniwalang napalingon ako kay Trojan na ngayon ay derecho na lang na nakatingin sa kanyang harapan.

"Pero, Trojan—"

"I said go," sabi niya sabay tingin sa akin at binigyan ako nang nagbabantang tingin. "Now."

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon