50. Until We Get There

9.2K 191 8
                                    

50. Until We Get There

It's been 8 years since that pretend birthday/wedding fiasco. Ganon parin naman. We fight at the most petty things. That's where we started. Yong pagaaway na nauwi sa kasalan.

"Laureen?" Nilingon ko ang natatarantang si Pierre na hindi parin marunog magtali ng tie niya. "Can you please.." Defeated siyang tumingin sa akin bago binitawan ang tie niya at medyo tumingala.

Naka-off ako ngayon kaya nandidito ako sa bahay. It's Pierre's big day today. Interview niya sa board ngayon para sa pwestong.. Interim Chief of Surgery.

Nagkaroon kasi ng heart attack si Chief at isa siya sa mga napili ng board na mag-interim chief.

"Done." Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi bago lumapit sa kay Luke. He's our boy. He's seven years old and still very much asleep.

"Go. Baka malate ka sa interview mo." He chuckled bago tumabi sakin at umakbay. "Actually, Mrs. Salvador.." Mahinang sabi niya sa akin sabay halik sa gilid ng mukha ko. "I can ditch that interview and just be your trophy guy here."

Sinapak ko siya kaya mas lalo siyang natawa. "Tumigil ka nga. Alis na." Tinawanan lang niya ako habang tumatayo at tinitingnan ako ng malagkit.

"Hoy, tumigil ka nga sa mga tingin tingin nayan ha! Isa pa, bubuntalin na kita!" Pumula ang pisngi ko sabay bumunghalit naman siya ng tawa. Bwisit talagang lalaki yon! Napakahalay kahit kelan!

"Alright, alright. Aalis na ako." Natatawa parin niyang sabi bago tuluyang lumabas ng bahay.

Baliw talaga ang isang yon. Kinuha ko ang cellphone ko para sana itext siya ng 'Ingat' pero notifs sa Instagram ang bumungad sa akin.

Nang i-open ko yon ay picture namin iyong dalawa sa O.R2 5 years ago at ang caption ay 'Happy 100th monthsary, baby.'

Natawa ako ng makita ko yon. Yes, he's still counting. Hindi yung anniversary namin ang binibilang niya kundi yong mga monthsary namin. Birthday niya daw kasi yung wedding namin kaya monthsary ang gusto niyang bilangin.

Inexit ko yong Instagram atsaka nagtext sa kanya. Binati ko rin siya at sinabi wag magtext habang nagddrive.

Maya maya ay ginising ko na rin si Luke dahil may pasok siya ng 10am. "Baby.." Mahina kong sabi sabay kiss sa ilong niya. Nagigising kasi siya pagkaganon dahil nahahaching daw siya.

"Mommy.. Stop." Aniya at nagtakip ng mukha. Natawa ako kaya kiniliti ko siya, kaya ayong bumangon nadin kahit medyo nakapikit pa isang mata.

"Gising na, baby ko!" Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Ang cute cute talaga ng anak ko!

"My, where's daddy?"

"Daddy's got an interview, so he left early in the morning. Why?"

"Wala po. Di ko po kasi siya nakita kagabi." Umupo siya sa high chair at nagsimula na kumain ng cereals.

"Daddy will be home early." Sabi ko at sinabayan siyang kumain naman ng yogurt at pancakes.

"Mom, will you stay with me until my class ends later?"

"Sure. Off ko naman today, bakit?"

"Kasi po.. It's Parents day today.. My teacher said to bring our parents on Monday. E you're going to teach us your work, mommy.."

"Yon lang ba? Sure, baby."

"Gusto ko po sana kayong dalawa ni dad."

"I'll text daddy, okay?" Ngumiti siya sabay tumango tango. "Okay." Ngiti niyang sagot.

Kaya naman gumayak nadin ako at nagsuot ng scrubs para sa Parents day nina Luke. It's only his 2nd week. Kakapasok lang nila noong last monday.

Pagdating namin doon ay nagulat ako ng makitang ang daming tao. Wow, nakakatuwa naman makita na supportive parents ang mga nandito.

Pumasok kami sa loob at nagulat ako ng makitang naroon din si Franz. "Uy, Franz!" Ngayon lang ulit kami nagkita. Huling kita ko yata sa kanya ay yong binyag ni Luke. Sa U.S kasi siya nakabase ngayon.

"Laureen!" Ngumiti siya at sinalubong ako ng yakap. "Kamusta! Ito naba yung inaanak ko?"

"Luke, bless ka kay Ninong Franz." Ngumiti si Luke at kumaway pero di nagmano. "Hello po, ninong."

"Laki mo na a?" Napatingin ako sa kasama niyang batang babae na tingi ko ay nasa 5 or 6 years old.

"Baby girl mo?" Sinilip ni Franz yong bata at tumango. "Oo, bunso ko. Dito din kasi si Mikey."

Nagkwentuhan pa kami sandali bago may dumating at sinabing pumasok kami sa loob. Marami rami rin ang parents na nandoon.

Nang malapit na ang turn ko ay nagtext si Pierre sa akin nagppark na siya sa labas. Natuwa naman si Luke dahil don.

Nang turn ko na ay pinakita ko kung paano pa ako nag-o-opera ng Cardio-Thoracic. Tuwang tuwa naman si Luke dahil nandon din ang daddy niya na ang ginawa ay isang brain surgery.

Tuwang tuwa si Luke hanggang sa makauwi kami sa bahay. "Daddy, you're so cool!" Nagtatatalon na sabi ni Luke natuwa din si Pierre kaya binuhat niya yung bata

Hinaplos ko ang itim na buhok ni Luke bago nagtungo sa kitchen para magluto ng mmeryendahin namin.

We'll be watching Grey's Anatomy later. Yon ang bonding naming tatlo. Gumawa ako ng clubhouse para sa aming tatlo. Bumili ako ng banana cake the other day at gumawa rin ng nachos dahil favorite yon ni Luke.

Busy kami parehas ni Pierre kadalasana. Tingin ko ay blessing in disguise itong Grey's Anatomy kasi nakakapag-bond kaming tatlo.

Nasa part palang kami na na-admit si Ellis Grey sa SGH kasi lucid siya. Meron kasi siynag Alzheimer's disease at nasa Home for the Aged na siya.

Sinilip ko si Luke na nakatulog pala. Hinaplos ko ang mukha niya. Para siyang maliit na version ni Pierre. Naalala ko pa ning mga bata kami ay ganitong ganito ang istura ni Pierre. Brown eyes lang itong si Luke at itim naman ang mata ni Pierre.

"Baby.." Nilingon ko si Pierre ng marahan niya akong hinapit palapit sa kanya. "What if I got Alzheimer's one day?"

Nilingon ko siya at nginitian. "I will remind you of who I am.. Everyday." Bulong ko sa kanya sabay hinalikan siya sa labi.

"How bout me, what if I got Alzheimer's one day.."

"I will love you everyday.. Every second of life. You'll know it when we get there.."

Ngumiti ako at iniyakap ang braso niya sa akin. "Until we get there.. And after and after and after..I will always love you, Laureen. Always and forever."

I will never get tired of his sugar-coated words. Don niya talaga ako nakuha e. I will love this guy until we get there-to that forever.

Until we get there, Pierre.

Until We Get ThereWo Geschichten leben. Entdecke jetzt