5. Flowers and Basketball

6.6K 162 9
                                    

5. Flowers and Basketball

"You like me, don't you?"

Bigla akong natawa dahil sa sinabi nya. "Nahihibang ka na ba?" Sabi ko at inirapan siya bago dumiretso sa entrance ng library para kuhanin ang bag ko.

Ako? Magugustuhan siya? Is the sky red then?

Natatawa parin ako habang pababa ng stairs. Hindi nya ba alam na mukha siyang tanga sa mga pinagsasasabi nya?

Nilabas ko yung phone ko.. At nakita kong may text doon si Tarah. I snorted.

Tarah Ong:
Thank you for not saying anything.

Ha! And she's thanking me for keeping my mouth shut but she didn't even apologize for not telling me a word about her conquests?

Balak ko sana siyang replyan pero nagbago ang isip ko kaya itinago ko nalang sa bag ko and phone ko kaso may bigla akong nabunggo, And because I was caught off guard ay natumba ako. Napapikit ako dahil sa impact.

"Ouch.."

"Crap. Sorry, ayos ka lang ba?" May nag-offer sa akin ng kamay at nagitla ako ng makita ko kung sino yun.

It was.. James Tiangco.

"Are you okay?" Tanong nya ulit.

"U-uhm yeah." inabot ko yung kamay nya at tumayo na.

"Wait, are you sure?" Aniya at hinigit ng marahan ang braso ko. "You don't want to go to the clinic?"

"Uhm.. No, I'm.. fine." I shrugged his hands off. Ngumiti lang siya sa akin at itinaas ang kamay. Tipid akong ngumiti at tumalikod na.

Pagpasok ko sa CR ay agad na sumilay ang ngiti na may kilig sa aking labi. "Omg!" Sabi ko at napapadyak ng dahil sa kilig.

"You like him?" Napapitlag ako ng marinig ko ang tikhim sa gilid ko.

"Jesus! Why are you here?!" Sinamaan ko ng tingin si Pierre. "What are you doing here?? CR 'to for girls!"

"So, you like him? You like basketball players?" Aniya habang nakahalukipkip.

"None of your business. Tabi nga jan!" Hinawi ko siya pero di siya umusog. Ano ba ang problema nya??

Sinamaan ko siya ng tingin. Pumalatak siya bago tumabi sa daan. "Typical." Rinig kong sabi nya. Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nya at lumabas na ng CR.

"Bae, why are you smiling like crazy?"

"Wala.." Nakangiti ko paring sabi. Kumakain kami ng lunch sa foodcourt at naaalala ko parin yung kanina. He's such a gentleman!

I heard someone snorted. Nagangat ako ng tingin at nakitang nakahalukipkip na nakatingin sa akin si Pierre sa katapat naming table. Tinaasan ko lang siya kilay at di pinansin. Siya nalang palagi ang sumisira ng araw ko at wala akong paki ngayon.

Inilabas ko ang phone ko dahil narinig kong tumunog iyon..

At nahampas ko tuloy ng di oras si Aya at pinakita sa kanya ang cellphone ko.

James Oliver Tiangco added you as a friend

Nagtitili kami ni Aya at tumawa. "Hmm. Something fishy! Anong nangyari?!"

Binulong ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga kaya naman nagtawanan kaming dalawa. Wala dito si Lena kasi kasama nya yung kapatid nya nag-lunch today. And yes, sinasadya kong i-OP si Tarah. Edi dun na sya kay Pierre para di siya ma-OP!

That day was really really productive. Ako na ang gumawa ng groupworks namin dahil masyado akong na-inspire kay James. He's such a nice guy di tulad ni Pierre na jerk.

Napailing nalang ako at humiga na sa kama para ipahinga ang kawawa kong likod. "Ahh. My bed feels great--all the time."

Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungatan lang ako ng may kumatok sa pinto. "Laureen, dinner."

Nilingon ko ang bedside table ko at nakitang quarter to 8pm na. Matagal din pala akong nakatulog. Nagpalit lang ako ng damit kasi naka-sando lang ako.

I snatched my phone bago lumabas ng kwarto. Pero nagulat ako ng inabutan ko sa dining area namin si Pierre. Naka-jersey sya at napagtanto ko na sa kanya pala yung gym bag na nasa gilid ng stairs namin.

"Why are you here.. again?"

"I'm here to eat dinner. What else?"

"Bakit dito?"

"My parents are not here, remember? Tinawagan ako ni Tita na dito na ako mag-dinner."

"And why are you wearing a basketball jersey? I thought soccer's your game?"

Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nya. "And you know a lot of things about me." I rolled my eyes at him at hindi nalang siya pinansin.

"Change of environment, I guess." I rolled my eyes at him.

"Stop. It's not like I care."

"Will you two stop bickering!" Tumatawang sabi ni Mommy habang naglalakad sila papasok ni Daddy ng dining hall.

Hindi nalang ako nagsalita at kumain nalang.

"So, Pierre. How's school?"

"Okay naman po tita." Nakangiti pang sagot nya kay mommy. Wow, he's a saint now, huh?

"Hmm. How bout you, Laureen?" Baling sa akin ni Mommy. "Pierre, may nakikita kabang umaaligid dito kay Laureen?" Salida naman ni Daddy.

"Dad.."

"Actually, tito.." Simula ni Pierre.

"Of course, there's no guy circling Laureen!" Sabi ni Mommy. Napatingin kaming tatlo nina Daddy kay mommy. "She's with Pierre all the time! Of course they'll think they're together and I will very much like that.." Tumatawang sabi ni mommy.

Nalaglag yung tusok tusok kong chicken leg sa fork na hawak ko. "Mom!" Reklamo ko.

"Pierre is a very nice guy, Laureen! And he's a family!" Depensa ni mommy. God! Why is she talking non-sense??

"Isn't that right, Pierre?" Tanong ni mommy.

"I will very much like that, tita." Jerk! Tiningnan ko siya ng masama pero nginisihan lang nya ako. What a big fat liar!

Tumikhim si daddy at pinagsiklop ang mga daliri nya. "Pierre, hijo. If you're thinking of courting my daughter don't you dare do it outside of this damned house, are we clear?"

"Crystal." Nakangisi nyang sabi. WHAT! Bakit siya pumapayag???? Nababaliw na ba sya? Sinipa ko siya sa ilalim ng table dahil naiinis na ako! Naiinis nanaman ako!

Hanggang matapos kaming kumain ay kwento lang ng kwento si mommy sa mga nangyari sakin the past few years. And damn! I am very much embarassed right now!!!!! Pati yung dinalan ako ng flowers dito ni Jonathan Kevin Wy ay naikwento ni mommy!

Tumawa si Pierre. Tumawa siya ng tumawa. He's got a nice laugh, IF AND ONLY IF THIS IS A DIFFERENT TIME! "Seriously? Binigyan ka ng flowers ni Jonathan?"

"At least walang worms yong binigay nya and he's sincere!" I can't help but to bring that back. I'm still upset about it!

"Mga bata pa kayo noon, Laureen. Get over it." Sabi ni daddy sa akin.

I don't know why, I just cant.

Until We Get ThereWhere stories live. Discover now