43. Boyfriend

5.9K 134 7
                                    

Happy New Year, Baes! 😍☺️🎊
---
43. Boyfriend

"Hi." Ngiting bati sa akin ni Luigi ng makarating ako sa restaurant na sinasabi niya.


Ngumiti rin ako at binati siya. "Hi. Kanina ka pa?"

"Nope. Kadadating ko lang din." Aniya at nakangiting nakatingin sa akin. "Ang ganda mo."

Nginitian ko siya. "Thanks."

"Gusto mo nabang mag-order?"

"Okay lang. Medyo ginugutom narin kasi ako." Tumawag siya ng waiter. Binigyan kami ng tig-isang menu at nalaman kong Italian food pala ang makakain dito.

Nang maibigay namin ang order ay nagsalin ng wine yung waiter para sa amin. "Red, or white, ma'am?"

"White, please."

Nagkwentuhan kami tungkol sa mga pasyente sa ospital at kung ano ano pa. Hanggang sa nag-open up na siya. "I am really really sorry about that, Laureen. Nagkainuman kasi kami at medyo masakit ang ulo ko non." Tumatawa niyang sabi.

"Seriously, Luigi. Okay lang. I understand."

Pumalatak siya at humalakhak. "Bawas pogi points tuloy." Natawa tuloy kaming dalawa dahil don.

"How bout I ask you formally.. Would you mind if I court you?" Nabigla ako sa sinabi niya. Akala ko ay joke lang pero seryoso siya.

Biglang pumasok si Pierre sa isipan ko. He wouldn't like this.. Pero wala naman kami g commitment.. So, I guess.. Okay lang naman.

"I don't. It's okay." Lumaki ang ngiti niya at kasabay non ay ang pagdating ng pagkain namin. Nag-kwentuhan kami like about oursleves.

Nalaman ko na solong anak pala siya. He's got a Father, who'sa doctor malaking influence daw ang daddy niya kung bakit siya nag-medicine.

"How bout you? Bakit ka nag-medicine?"

"Ako?" Biglang nag-flashback sa akin yung dahilan kung bakit ako nag-medicine.

"Daddy!" Hinawakan ng batang si Laureen ang kamay ng kanyang daddy at hinila palapit doon sa asong nahagip ng sasakyan.

Nabali ang isang paa ng aso at medyo dumudugo. Hindi natakot ang batang si Laureen sa dugo na nanggagaling sa aso, kinuha niya ang ka yang pink na panyo at maingat na nilagyan ng bandage ang aso.

"Yay. Now you're okay." Aniya at pinat pa ang ulo ng aso. Pero laking gulat ng batang si Laureen ng bigla nalang mamatay ang aso.

Umiyak si Laureen dahil doon. Sumama ang loob niya kasi akala niya ay nagamot na niya yung aso pero bigla itong namatay. Hindi napatigil ng mommy at daddy niya sa pag-iyak ang batang si Laureen. Kaya naman naisip na nilang tawagin si Pierre.

"Laureen, stop crying!" Naiiyak na sabi narin ng batang si Pierre. Anim na taong gulang pa lamang ang dalawang bata kaya medyo nahahawa na si Pierre sa pag-iyak ni Laureen.

"I-I killed the dog!" at saka umiyak ulit.

"No, you didn't! Nasagasaan yung dog kaya mamamatay na talaga yon."

"But I didn't get to save him!" Nagyakapan ang dalawang bata kasi parehas na ailang umiiyak.

"S-stop crying, Laureen.. Let's be doctors someday and save lives someday."

"Promise?" Umiiyak paring sabi ng batang si Laureen.

"Pinky promise."


Tumawa si Luigi dahil doon. "Bakit hindi nalang vetmed?" Tanong niya.

"Hindi ko rin alam.. Basta naging goal-driven na ako pagkatapos naming mag-promise.."

Until We Get ThereWhere stories live. Discover now