24. Birthday

5K 142 11
                                    

24. Birthday

Kanina pa ako nakatingin sa likuran ni Pierre hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Nakatayo parin ako sa oval di iniinda yung init.

Napahawak ako sa dibdib ko. He's... Inlove with me? Hindi ko maipasok sa sistema ko yung problemang sinasabi niya. He's freaking inlove with me and he wants me to dump my boyfriend for him.

Hindi ko nagugustuhan yung mga thoughts na pumapasok at lumalabas sa isip ko. Damn, gusto kong sabunutan ang sarili ko! Paanong inlove siya sa akin?!

I was pulled out of my crazy thought when phone rang.

Pierre:
I'm gonna pursue now. You made me say it. It's your problem now, not mine.

Isang text lang yon pero pakiramdam ko ay isang nobela yon at di ko maipasok lahat ng detalye sa isip ko.

I'm taken! Bakit niya ako i-ppursue?!

Maghapon ay yon lang ang laman ng isip ko. Dammit! Pierre is capable of making the demons inside of me.. Rejoice. Dammit!

"Laureen.." Bahagya akong nayugyog kaya nawala ang isip ko sa pagiisip at nilingon si James na kanina pa yata ako kinakausap. "You alright? You're idling."

Lumunok ako at umiling, damn. Hindi mawala sa isip ko si Pierre at yung text niya! "Uh.. Uhmm.. Masakit ulo ko."

"You alright? Nakatulog ka ba ng maayos? You didn't text me last night.."

I bit my lip in frustration.. Ano an sasabihin kong reason?! "Kasi.. nagluluksa sila. I cant take my phone and chat." Napakagat ulit ako ng ibabang labi ng marealize kong medyo mean pala ang pagkakasabi.

"Oh. Okay. Sorry. Don't snap at me." Aniya at humalukipkip saka sumandal sa upuan.

"Sorry.. I'm really tired. Can we go?" Yes, my mind is tired. Emotionally and Psychologically tired.

"Alright." Aniya at tinalikuran ako. I am damn tired to even ask him kung na-offend ko ba siya sa sinabi ko. I just wanna go home and cuddle with my pillows. Free cut namin kanina kaya maaga pa ngayon.

Tahimik kaming dalawa sa kotse nakatulog pa nga ata ako kasi pagkagising ko nakahinto lang kami sa harap ng bahay namin.

"Kanina pa tayo?" Nilingon ko si James, nakahalukipkip lang siya at nakatingin sa harap.

"15 minutes ago."

"Dapat ginising mo nalang ako.." Sabi ko at umayos ng upo. Hindi siya nagsalita.

"Baby, I'm really tired. 3am na ata ako nakatulog at 7am ang pasok ko.. Cut me some slack here." Mahinahon kong paliwanag sa kanya pero nilingon niya ako na may halong iritasyon.

"Graveyard shift ako kanina pero dinalan kita ng pagkain sa room mo." Aniya. So, sinusumbat niya sa akin yon? I didn't ask for it!

"Don't give me that excuse.. I didn't ask you to buy me breakfast." Nawala lalo alo sa mood kaya hindi pa man siya sumasagot ay lumabas na ako ng kotse at nagmartsa papasok ng gate namin.

"Baby.." Aniya, niyakap ako mula sa likod ng nasa may gate na ako. "I'm sorry. I'll let you sleep." Aniya at hinalikan ako sa pisngi mula sa likod at humiwalay din. Nang lumingon ako ay nakaharap na sa akin ang likod niya.

Now, I feel guilty... Naibunton ko sa kanya yung frustrations ko kay Pierre! Damn that guy for messing with my thoughts!

Pumasok ako sa bahay.. Tahimik. Yes, it's only 5:30, more or less ay 7pm umuuwi sina mommy dito sa bahay kaya hindi na ako nagtaka na tahimik sa bahay.

Pero ang pinagtakahan ko ay bakita bukas ang aircon ko sa kwarto! Nakatimer tong aircon ko at sa gabi lang binubuksan. Bakit bukas???

Dahandahan kong pinihit ang door knob para makitang.. Maraming petals ng pinaghalong white at dyed-blue rose petals sa kama kong kulay baby blue.

Napatingin ako sa gawi ng CR ng room ko ng narinig long sumara yon. At nakita kong galing sa loob si Pierre.. He's freaking ere inside ng room!

"What are doing here?" Mukhang diniya ako napansin kasi nagangat siya ng tingin sa akin.

"I'm courting you." Kaswal biyang sabi. What??? Seryoso ba talaga siya don?!

Hindi parin ako nakakahanap ng tamang salita na ibabato sa kanya. Damn it! Lumapit siya sa akin at sumandal sa pader..

"Pierre.. I have a--" Hindi nya ako pinagapis kasi tinakpan niya yung bibig ko gamit yung pointer finger niya.

"You don't have a boyfriend.. In my eyes.. You're damn single." Aniya at nakuha pa akong ngitian.

"Hindi uuwi sina Tita ngayon. So, basically it's you and me.. tonight." Napanganga ako kasi kumindat pa siya sa akong habang nakangiti na para bang may hidden agenda kaming gagawin tonight! Dammit! Bakit hindi naman sinasabi sakin ni mommy na hindi sila uuwi?!

Paglabas ko sa cellphone ko ay may dalawan text doon..

Mommy:
Laureen, wag mo ilock ang pinto pag-uwi mo. Pierre will sleep there tonight. Hindi kami makakauwi, Ysable needs me, your dad's in Cebu.

Great! Nagtext nga si mommy sa akin! At kanina pa itong 5:20, I was asleep I didn't know!

Sinundan ko si Pierre sa labas at inabutan na nanunuod ng TV sa living room. "I am kicking you out!" Nakapameywang na sabi ko sa kanya. No, he can't sleep here!

"Hindi ka matutulog dito! Get out!" Tiningnan niya lang ako at hindi pinansin. Nakuha niya pa talaga akong tawanan! Sinapak ko nga!

"The fuck? Your problem is?" Aniya habang tumatawa na nagddodge sa mga sapak ko. "You didn't invite me here, you dont have te rights to kick me out." Balutot niya pang pagrarason at bigla akong hinila sa kamay. Iniupo niya ako sa sofa at niyakap. What?!

"Pierreeeeee!" Pinagkukurot ko siya pero hindi niya parin ako tinawanan bagkus ay hinigpitan niya pa lalo yung yakap sa akin. Damn it!

Mas lalo siyang tumawa nan hindi niya ako binitawan ay inuntog ko siya. There's something about his laugh.. Yung tunog ng tawa niya sa tenga parang music. Kakaiba, parang totoong masaya siya talaga.

"Pierre! Bitiwan mo nga ako!"

Tumawa siya ulit at ipinatong ang baba niya sa balikat ko. "Since when did you become so conservative? I've kissed you five times already!"

"Five?! Thrice lang!"

Humagalpak nanaman siya ng tawa. "Secret yung dalawa." Hinampa ko nga! Bwisit e! Secret yong dalawa?! Ibig sabihin ninakawan niya ako ng halik?! Dammit, Salvador!

"Napaka! Napaka mo talaga! Naiinis ako sayo!"

"Don't care." Aniya at niyakap ulit ako. Naiilang talaga ako sa ginagawa niya. Nasa pagitan ako ng mga hita niya at hawak niya yung dalawang kamay ko haban nakayakap siya sa akin. Dammit! Bakit ba ang intimate niya?! Kahit kailan ay di kami napunta ni James sa ganitong posisyon. He's a gentleman! Hanggang akbay lang siya sa akin. Pero iton si Pierre ay masyadong intimate.

Hindi ko namalayan na naging komportable na rin ako sa pwesto ko kasi nakasandig ako sa leeg ni Pierre.

"Damn!" Bulaslas niya ng hindi ma-shoot ang isang potential 3-pt shot sana.

Tahimik lang ako na nanunuod di kasi ako fan nung team na naglalaban.

Niyapos ulit ako ni Pierre at ipinatong ang baba niya sa balikat ko. "It's your birthday."

"What?"

"January 11. My jersey number.. It's your birthday."

Until We Get ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon