35. Truth

5.1K 112 1
                                    

35. Truth

Nang sumunod na linggo ay halos di ko makita si James. Busy siya sa ICG at sa pagdduty. Masyado niyan sineryoso ang season na 'to kasi naman three consecutive years na siyang MVP ng Intercollegiate Games. Marami raw import ang iban universities kaya naman dalawang silang puspusan ni Pierre sa pagttraining.

Di ko mapigilang mag-isip.. Yes, we're all busy pero di ko mapigilan mag-isip na nakakaya parin akong bisitahin ni Pierre. But, heck we're neighbors.

Tulad ngayon, nag-text siya sa akin na turuan ko daw siya sa Stoichiometry kasi ay may quiz kami bukas. Di siya nakapasok noong discussion dahil sa training nila kaya naman pupunta siya ngayon dito sa bahay.

"Laureen?" Narinig kong kumatok si manang kaya tumayo ako at binuksan ang pinto. "Hinihintay ka ni Pierre sa sala.. Ang sabi niya ay mag-aaral kayo."

I felt relieved. Kanina pang 6:30 ng gabi siya nag-text na magrereview kami at 9pm na. Patulog na nga dapat ako kasi akala ko di na siya matutuloy.

"Uhm.. Bababa na po ako." Nagsuklay lang ako ng mabilis at bumaba na para puntahan si Pierre. Madilim na hallway kasi patulog na nga kami sana.

Inabutan kong nagccoffee si Pierre doon sa couch na nakapikit. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan siya sa mukha.

I felt his hands on my shoulders. Hinila niya ako palapit sa kanya bago siya ngumiti at sinilip ako.

He looked really really tired. Naka-white shirt siya at kita kong jersey shorts parin ang suot niya. "Kumain ka na?" Hindi siya sumagot, niyakap lang niya ako. I somehow got used to it. Him, hugging me like it's the primary reason he's born.

Tumango siya. "C'mon let's study." Aniya at tumayo saka ako hinawakan sa magkabilang kamay.

"Magpahinga ka muna.."

Hindi na ako nakaatras pa nang yumuko siya at hinalikan ako ng mabilis. "I'm good." Ngumisi siya at hinila uli ako sa kamay. Umakyat kami sa kwarto at doon nag-aral.

Habang tinuturuan ko siya ay kita ko kung gaano niya nilalabanan ang antok. 10pm na, 8am naman ang pasok namin bukas. Bukas ko na to ituturo.

Sinara ko yung notebook kasi napipikit na talaga si Pierre. Niyakap ko siya kaya medyo naalimpungatan din siya at yumakap rin sa akin. "Damn, I'm really sorry." Aniya at sumiksik sa buhok ko.

"You sleep." Sabi ko at tinapik siya sa likod.

"Alright." He chuckled bago isinandal ng maayos sa balikat ko siya mukha niya.

"Stupid. Doon ka sa kama matulog. You should rest. Bukas ko nalang sayo to ituturo." Di narin siya nakipag-away at pabagsak na humiga sa kama.

Dumapa ako sa kama at humarap kay Pierre. "Stop staring, I can't sleep." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya bago ipinatong ang braso sa likod ko saka ako hinila palapit sa kanya.

Simple things that makes you happy is precious. Priceless and precious.

Tiningnan ko lang ang natutulog niyang mukha. He sleeps really peaceful. Hindi mo aakalain na bubugok bugok ang isang to kapag gising at talaga namang masasabunutan siya kapag hihirit ng jokes. But he sleeps like a kid.

Hanggang sa hinila na ako ng antok ay nakangisi parin ako.

Nagising ako sa alarm ng phone ko. 6am yon kaya bumangon na ako. Sinilip ko at nakitang nakatalukbong parin ng kumot si Pierre. He's still asleep kaya dumiretso ako sa CR at naligo.

Nang makatapos akong gumayak ay wala na sa kama ko si Pierre. Baka umuwi sa bahay nila. Nag-bihis ako at kinuha ang phone ko saka bumaba para kumain ng breakfast.

Until We Get ThereWhere stories live. Discover now