6. Spokesperson

6.4K 159 1
                                    

6. Spokesperson

Ever since that day ay hindi na ako nilubayan ng parents ko! They're always--ALWAYS asking if we're dating already! Seriously???

"Mom, hindi magiging kami, okay? There's never gonna be an us." Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mata ko. Hindi kasi nila alam na jerk yung inirereto nila sa akin! Kahit ba bestfriends ang mga mommy namin that doesn't mean dapat ay maging connected na ang mga buhay namin! We're two different individuals!

Tumayo ako mula sa couch at nagpunta sa kwarto. Naramdaman kong sumunod sa akon si mommy, at tama nga ang hinala ko.. "Why don't you give it a try, Laureen? If hindi mag-work, I'll let you go."

"Mom? You're seriously asking me to date Pierre?" Gusto ko bg isumbat yung mga sexual conquests ni Pierre but I know I'm not one to pry.

"Fine." She smiled apologetically.

"Good night, mommy."

"Good night, dear." Aniya at hinalikan ako sa pisngi.

It's Sunday today kaya naman nag-reready na ako para mag-simba. Kahit gaano ka-busy ang parents ko sinisigurado nilang kapag Sunday ay nandito sila parehas para makapag-simba kami.

Pakanta kanta pa ako habang nagkukulot ng buhok, nang pumasok si mommy sa kwarto. "Laureen, make it fast. Baka wala tayong maupuan."

"Almost done, mom." Sabi ko at itinuro ang huling batch ng buho na kasalukuyan kon kinukulot.

Nag-retouch ako ulit at tumingin sa salamin bago lumabas ng kwarto. Pero hindi na ako nagtaka nang makita ko si Pierre na nakaupo sa sofa na opposite ng hagdan. Pagkatapos ng mga pinagsasabi sa akin ni Mommy kagabi ay hindi na ako nagtaka na kasama namin si Pierre magsimba. I grimaced at nilagpasab siya para magpunta na sa kotse.

"Hey, wait for me." Narinig ko ang nga yabag ng paa niya sa likuran ko. I rolled my eyes, nakakainis naman e!

Sumakay na ako sa loob, at talaga naman dito rin siya uupo sa passenger seat. He has a car, bat na siya sasabay sa amin?

Nagtatanong si mommy sa kanya habang siya naman ay patuloy sa paglalaro sa phone nya.

"Baka naman you have a girlfriend already, Pierre." Napahito siya sa pagpindot sa cellphone nya at nagangat ng tingin kay mommy.

"Yes, I do.." Tumingin siya sa akin. "Kung papayag si Laureen." Namula ako ng dahil don! Nakakainis! Whatever he's up to, it's not funny! Naiirita ako! Tumawa si mommy at daddy dahil sa sinabi nya. Wala namang nakakatawa don, pero bakit sila tumatawa?!

Medyo na-late kami ng dating sa church. Medyo marami ng tao at mukhang wala kaming mauupuan. Ghad. Naka-wedge pa naman ako!

Nahiwalay kami ng upuan kala mommy kasi naupo sila kaagad. "You jerk, kung ano man ang binabalak mo ay wag akong dinadamay. Puro ka kalokohan!" Sabi ko agad kay Pierre nang makalayo na sina mommy at hindi na earshot.

"What?" Tumatawa nyang sabi. "I'm not planning anything."

"Doon ka nalang kay Tarah. Wag mo akong dinadamay sa mga kalokohan ko." Sabi ko at Inirapan siya. May natanaw akong vacant seat at lumakad palapit doon.

Hindi ko na pinansin ng tumabi sa aki si Pierre. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Pinaalala ko sa sarili ko na nasa loob ako ng simbahan at wag nalang pansinin si Pierre.

Pero naiirita ako kasi every ten seconds ay gagalaw sya! Hindi ako mapakali sa pagkislot nya! "Will you stay still?" Irap ko sa kanya.

Naramdaman ko yung kamay nya sa likod ko. "Ah, this is nice. Nakapwesto rin." Inis na inalis ko yung braso nyang nakapatong sa balikat ko. "Stop." I said in annoyance. Hindi ba talaga siya lulubay? Naiirita na kasi ako e.

"Chill." Mahina siyang tumawa. "Peace be with you, Laureen." Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. I was dumb-founded. Did he just.. Siniko ko siya kasi bakit nya ba ako binibigyan ng forehead-kisses na yan? We're not even friends!

Tinawanan nya lang ako at lumingon na siya sa harap. Nag-focus ako dun sa santo na tinitingnan ko.

"Laureen.." Aniya at hinawakan yung kamay ko. Hinila ko kaagad kasi baka pinagtitripan nya nanaman ako. "Laureen.."

"What?" I hissed at him.

"Ayaw mo umupo?" Nang marinig ko yun ay napatingin ako sa paligid at napansin kong ako nalang pala ang nakatayo! Gosh! Umupo ako at hinampas si Pierre! Nakakainis! Bakit ba hindi nya kaagad sinasabi sa akin?????

Tumawa siya. "Kinilig ka no?" Ano???? Anong kinilig?! Nagtimpi ako at hindi nalang siya pinansin makakatikim sa akin 'to ng sapak paglabas ng simbahan!

Mabilis akong naglakad palabas ng simbahan, alam kong kasunod ko siya.. Pagkalabas ay hinarap ko siya at hinampas sa braso.

"What?" Harang nya sa kamay ko at tumawa. "You're an ass!" Singhal ko sa kanya.

"Laureen, chill. I 'Peace Be With You-ed' you, calm down. Wait until I show you how I can make you feel loved." Sinapak ko na! Ambisyoso e! Kung ano ang pinagsasabi!

Napakamakasalanan ng taong to! We just got out of the church, tapos ay nagsisimungaling na siya? He doesn't know what love is, kaya wag nyang masabi sabi sa akin yon!

"Laureen, why are you hitting Pierre?" Napahinto ako ng marinig ko si mommy. Bigla naman akong hinila ni Pierre at inakbayan. I triedto shrug his arms. Pero hinila nya lang ako lalo.

"It's nothing, Tita." Tiningnan lang kami ni Mommy at daddy na para bang nawweirduhan sila sa amin.

Kinurot ko siya kaya nya ako nabitawan! "Tigilan mo nga ako Pierre!"

Sumunod ako kala Mommy papuntang parking lot. Gaya n lagi nyang ginagawa ay tinawanan nya lang ang reaksyon ko. Kainis!

Umuwi na rin kami sa bahay dahil busy si Mommy at Daddy sa trabaho. Sa bahay nalang daw kami maglunch. "You're joining us, Pierre. Okay?"

"I'm afraid I can't, tita." Aniya at isinara ang pinto ng kotse. "May lakad po ako."

"Ganoon ba? Then eat breakfast with us, atleast." Ani mommy. Hindi nya ba talaga kami titigilan????? Mommy talaga!

Sa lanai kami kumain ng breakfast dahil doon nakahain pagdating namin. Tahimik lang akong kumain habang si Pierre ay kausap yata si Tita Brenda sa phone.

"Yes, mom. Nandito po ako sa bahay nina Laureen. Yes, yes. Uh-huh. Yup. Yeah, take care sa inyo ni dad." Aniya at ibinulsa na ang phone.

"Uuwi daw po ang parents ko next week parasa birthday ni dad." Aniya at sumubo ng fried rice. Nag-coffee lang naman sina mommy at daddy kaya natapos din kaagad sila. If I know plano nila itong dalawa!

"Laureen.." Tiningnan ko lang siya ng 'I-Am-Eating-Can't-You-See' look. "Don't cut Tarah out of your life, please."

Uminom ako ng juice kasi feeling ko nabilaukan ako dahil don sa sinabi nya. "Wow. You're her spoke's person now, huh?"

"She's nice and she misses her friend alot." Bakit nya alam? So, nagkakausap parin sila ni Tarah pero hindi nya manlang nagawang mag-apologize sa akin? Is that some kind of joke? it's not funny.

"I hate liars." Yun lang ang sinabi ko at uminom ng juice bago tumayo.

Until We Get ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon