41. Old Colors

5K 111 1
                                    

41. Old Colors

Ilang araw nalang at Christmas na. Masyado kaming naging busy ng mga nakaraang araw. Kapag daw Holiday season ay maraming nadedepress, kaya maraming nag-s-suicide o kaya naman naaksidente.

Kaya naman busy ang buon ospital nang mga nakaraang linggo. Di na nga namin namalayan na apat na araw nalang pala ay Pasko na.

"May isusuot na ba kayo?" Bungad ni Hailey ng mag-abot kaming tatlo nina Lian sa Nurses' Station.

"White Christmas diba? Edi malamang naman hija, tayo ay mag-puti." Tumawa kami ni Lian dahil sa hirit niya kay Hailey. Baliw talaga tong mga to.

Sa 24 ang Christmas party namin. Dito lang sa ospital.. Doon sa rooftop ng ospital namin napagdesisyunang mag-party. May mga interns at nurses kasing duty ng araw nayon kaya dito nalang daw para makapag-participate din sila.

"Pero wala pa akong nabibiling regalo.." Reklamo ko. Hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko kay Luigi. Rich kid kasi yon e! Kaya mahirap regaluhan.

"Bilhan mo nalang ng G-Shock. Universal gft yon ngayon.." Nag-liwanag ang bumbilya ko ng marinig ko yon. Oo nga, ano? Napansin medyo luma na yung relo niya.

"Yun na nga lang siguro." Naghihiwalay na kami at nagpunta sa kanya kanyang trabaho na nakaassign.

Ang task ko today ay magdala ng mga i-b-biopsy sa lab. Kaya umakyat ako sa 4th floor.

"Good morning." Bati ko ng makapasok ako sa loob. Akala ko ay walang tao doon, pero may swivel chair na bigla sumulpot at parang kakilala ko ata ito a..

"Uy, Laureen!"

"Franz!" Sabi ko na nga ba kakilala ko 'to! "Kamusta? Dito ka pala nagttrabaho!"

"Oo, 2 years na yata. Ikaw din? Bakit ngayon lang kita nakita?"

"Nong June lang.. Internship ko."

"Aba, future doctor. Si Pierre resident na ah, nagkita na kayo?"

"Uhm.. Oo."

"Okay na ba kayo?"

Nag-shrug ako at inilapag yung sadya ko dun. "For Biopsy. Rosetta Anchetta 1054."

"Sige. Idadala ko nalang don sa inyo." Kumindat siya sa akin at ngumiti. Mas lalo siyang gumyapo ngayon. Medyo muscled na siya di gaya dati, medyo payat.

"Sige, una na ako." Nginitian ko rin siya at lumabas na ng lab.

"Merry Christmas, ateng!" Pagpasok ko palan ng ospital ay hyper na boses na kaagad ni Lian ang sumalubong sa akin. Duty siya ngayon kaya naka-scrubs siya. Ako ay off ko, bukas ang duty ko.

"Merry Christmas, friend!" Nagyakapan kaming dalawa at nagtawanan.

"Merry Christmas!" Narinig namin ang boses ni Hailey at saka nakisali sa yakapan namin.

"Ooh, Merry Christmas!" Tatlong baritonong boses ang narinig namin mula sa likod at nakisali yung tatlong itlog sa amin. Natawa kaming lima maliban kay Lian. Inis parin talaga siya kay Dylan.

Ewan ko kung may history sila, o ewan. They don't like acch other's guts. "Merry Christmas!"

Nang naghuwalay kami sa group hug ay inakbayan akoni Luigi. "Magandang buhay, Laureen!" Ang ikinagulat ko ay ng halikan niya ako sa pisngi.

"Hoy, gago! Paraparaan!" Tumawa si Dylan at Travis saka tinapik sa likod si Luigi. Natulala ako kasi nagulat ako. Bakit niya ako hinalikan sa pisngi.

"Uyy. Potential love life!" Pangiinis nung dalawa habang tinutusok tusok pa ako sa side.

Tinawanan ko lang sila. Nagkabit kabit kami ng nga braso at tumalikod para umakyat sa hagdan. Nang lumingon ako ay nakita ko sa kabilang hagdan si Pierre na nakatingin sa gawi namin. Naka-labgown aiya kaya siguro ay duty pa siya hanggang ngayon. Nang magtama ang mata naming dalawa ay nakipagtitigan siya.

Until We Get ThereWhere stories live. Discover now