13. Not A Bad Thing

5.8K 117 5
                                    

13. Not A Bad Thing

Halos di ako nakatulog nung gabing yon. Ayaw akong tantanan nung mga pinagsasasabi ni Pierre! Kainis yon! Bakit bigla bigla syang gumaganon sa akin? Parang kailan lang sila ni Tarah ang may something tapos dito naman na siya nanggugulo sa akin?

Kinabukasan ay para akong bangag, dalawang oras lang ang tulog ko kaya naman medyo makapal talaga ang concealer ko kasi ang itim ng ilalim ng mata ko!

Pagkapasok ko sa room ay dumukdok ako sa table. I want to freaking sleep! I am so damn sleepy and tried!

Makakatulog na sana ako nung may tumapik sa balikat ko nagangat ako ng tingin at si Pierre ang tumamba sa paningin ko. Nakaupo siya sa katabin stool ng inuupuan ko at umiinom ng coffee galing Starbucks. Inabot nya sa akin yung isang hawak nya.

Kinuha ko na kasi.. kanina pa hinahanap ng katawan ko yung coffee. Si Tarah ay di kinaya. Nanduon sa cafeteria at kumakain.

Umiinom lang siya ng coffee sa tabi ko, di siya nagsasalita. Basta nakaupo lang siya. Mabuti dumating na si Ma'am kaya lumipat na siya ng upuan. Tinext ko nalang si Tarah na andito na si Ma'am baka kasi mag-take two pa yong babaeng yon.

Discuss lang ng disuss si Ma'am pero inaatok talaga ako gosh. Hindi ko maidilat ng mabuti yung mata ko.

Napikit na ako ng tuluyan kaso may kumatok sa room namin. Napatingin ako sa pinto at isang parang delivery guy yung kumatok.

"Laureen Torres?" Aniya. Nagtinginan sa akin lahat ang mga kaklase ko. Ha? Bakit may flowers? Valentine's na ba?

Tumayo ako at lumapit, nay dala siyang boquet ng white roses. "Pirma nalang po kayo, ma'am."

"Uhm.. okay." Pumirma ako at nagpasalamat. Nagthank you lang din yong delivery guy bago lumabas.

"Ayieeee." Salubong sa akin nung mga kaklase ko pagkapasok ko sa room habang hawak yung flowers.

"Aba, Miss Torres, naaga yata ang Valentines's?" Ngumiti lang ako kay Ma'am at umupo sa upuan ko. Naghanap ako ng card, at montik ko ng di makita.

'I'll be your Sun and your Moon tonight
I can be whatever you like
I was alone but I'm ready to feel
I wanna show you my feelings are real, yeah'

Yun lang yung nakalagay walang kahit anong pangalan.. Lyrics yon sa kanta ng Maroon 5. Ayokong isipin na si Pierre 'yon kasi alam kong hindi nya naman alam magpakilig ng babae. Ang alam nya lang ay manggamit ng babae.

Nang mag-lunch break ay isa isa g naglabasan ang mga kaklase ko. Medyo nahuli ako kasi kinopya ko pa yung huling notes ni maam.

Pagpunta ko sa pinto may nakadikit na dalawang sticky note.. Ang isa ay pangalan ko ang nakasulat..

'Laureen' Kinuha ko yon at binasa ang kasunod. 'Said all I want from you is to see you tomorrow. And every tomorrow, maybe you'll let me borrow your heart'

Lumingon ako at nakitang mag-isa nalang ako sa room. Hala? Ano ba 'to? Lumabas ako sa room at sa pot na nakapatod do ay may sticky note nanaman.. Lumingon ako at merong nakadikit na sticky notes pababa bg hagdan..

'And is it too much to ask for every Sunday. And while we're at it, throw in every other day to start.'

Teka.. Lyrics 'to ng kanta a? Kinakabahan naman ako sino bang may gawa nito? Baka paasa 'to ah..

'I know people make promises all the time
Then they turn right around and break them'

Lumakad ako at sumod sunod yung mga notes.. Mula 3rd floor..

Until We Get ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon