31. Established

5K 91 3
                                    

31. Established

Buong umaga ay nakaupo lang ako don sa lounge. Nag-trek kasi sila sa bundok parang warm up na rin daw nila. Hindi ako pinasama ni James kahit na ready naman ang suot ko. Naka-jogging pants at sweatshirt naman ako pero he insist. Hindi niya raw kasi ako mababantayan dahil busy siya.

Kaya naman eto ako at nanunuod ng TV. Nilingo ko ang tahimik na hallway kung saan nakaassign ang bawat pares ng roommates. Automatic na si Amber na ang kasama ko dahil dalawa lang naman kaming babae dito.

Ibinalik ko ang tingin ko sa TV pero bigla akong kInabahan ng makarinig ako ng footsteps doon sa hallway at ng nilingon ko ay nagulat akong naglalakad si Pierre papunta sa akin.

"Umalis na sila." Kunwari ay deadma kong sabi. Hindi siya nagsalita at tumabi pa sa akin sa couch! Sinilip ko siya sa gilid ng mata ko at nakitang bagong ligo pala siya. Kaya naman pala mabango!

"Alam ko." Aniya at naki-hingi pa talaga don sa kinakain ko.

"E bakit ka nandito?"

"Kasi alam kong maiiwan ka." Simpleng sagot niya at sinilip ako sa gilid ng mata. Umismid ako at do siya pinansin. Pero hindi ko maalis sa sarili ko yung bahagyang pagkatuwa dahil sa sinabi niya. He's here because he knows I'm gonna be alone here.

Tahimik kaming nanuod na dalawa. Isang English movie ang pinapanuod namin. Si Adam Levine at si Kera Knightley ang bida.

Hindi ko mapigilang hindi silipin si Pierre ng pasimple niyang pinagsiklop yung kamay namin. Seryoso ang mukha niya na para bang wala siyang ginagawang kalokohan. Hinila ko yung kamayko pero pumalatak siya at inipit yung kamay ko sa pagitan ng taghiliran at nung braso niya.

"Pierre!" Reklamo ko pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa panunuod. Sinimangutan ko siya pero dineadma niya ako. Pinilit ko ulit hilahin ang kamay ko pero hinigpitan niya pa lalo ang hawak ko.

Bumuntong hininga nalang ako at hinayaan siya. Dammit, Pierre. Bakit ba ang hilig hilig mo akong gantuhin?

Maya maya ay binitawan niya ang kamay ko.. Kala ko nakaligtas na ako pero inakbayan niya ako at hinila palapit sa kanya. Isinandal niya yung ulo ko sa balikat ko at ipinatong ang baba niya doon.

He's really intimate and I find it sweet. Bawat paghinga niya ay ramdam ko dahil masydao kaming magkalapit.

Nang makarinig kami ng tawanansa labas ay agad akong tumayo para makawala kay Pierre. Umayos naman siya ng upo at nagpatuloy sa pagkain.

"Salvador!"
"Pierre!" Magkasabay na tawag ni Coach at Amber kay Pierre. Tamad naman silang nilingon ni Pierre.

"Kaya naman pala wala ka kanina ay nanginginain ka pala dito!" Asik ni Coach atsaka kinutusan si Pierre.

"Aray ko naman, Coach! May LBM ako kaya dito nalang ako kasi!"

"Sampal sampalin kaya kita? Mga palusot mong laos na!" Ani Coach at tumalikod. "Ball member ka! Ikaw ang maglilipit ng lahat bola plus 15 laps sa court mamaya! Hit the shower, Titans!" Utos ni Coach bago siya dumiretso sa sariling kwarto.

"Pierre, are you okay? Kailangan mo ba ng meds?" Pangungulit naman nong Amber.

"At naniwala ka naman talagang may LBM ako?" Inirapan niya si Amber saka at saka ulit umupo sa tabi ko. Di gaya kanina at di kami masyadong malaput sa isa't isa.

"Uhm.. Laureen, can you move a little?" Pero imbis na ako ang umasog ay hinila ako ni Pierre palapit sa kanya kaya ang space ay nandon sa kabilang gilid.

Until We Get ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon