29. Doubt

4.6K 106 2
                                    

29. Doubt

Ilang araw na akong di pinapansin ni Pierre. Tingin ko ay dahil doon sa sagutan naming dalawa. I want to do the right thing but I don't freaking know how..

"Malala na 'to." Nagangat ako ng tingin ng marinig ko ang nanunuyang boses ni Aya sa gilid ko.

"What's your problem, girl?" Tanong ni Tara at inakbayan pa ako.

"I'm just.. tired." Of thinking. Hindi ko kaai talaga alam ang gagawin ko. Sa totoo lang ay hindi ko rin talaga alam kung bakit ako naguguluhan.. Si James ay gusto ko na talaga first year palang ako.. Pero bakit dumating lang si Pierre ay nagulo na ang buo kong sistema. I hate that he's making me doubt myself.. the decisions the that I made.

He's making me doubt everything.

"Oh, don't give me that crap, Laureen! Niyaya ka namin manuod ng sine kahapon pero hindi ka sumipot." Nagtatampo na sabat ni Aya sa akin. "Laureen, kung may problema ka we can always lend you an ear.. Wag mong sarilinin ang lahat ng bagay. We are not here so you can laugh with us. We're here so you can cry to us."

Bigla ay naiyak ako dahil sa pinagsasabi ni Aya. Nataranta ata silang tatlo dahil di sila magkamayaw sa pagcconsole sa akin. "Hala, Laureen? Bakit ka umiiyak!"

Hindi ako makasagot kasi humihikbi na talaga ako. I'm so damn frustrated that I can't even talk. I hate myself for being like this. May boyfriend ako kaya dapat ay di ako naguguluhan ng ganito.

"Laureen, why are you crying?" Sandali akong napahinto ng marinig ko ang nagaalalang boses ni James. Nang mag-angat ako ng tingin ay si Pierre naman ang nakita ng mata ko. Nakatayo siya sa likuran ni James malapit sa pinto at nakatingin sa amin. Nang makita niya ang tingin ko ay umirap siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Baby.." Nilingon ko si James ay umiling. "I don't believe you. Let's talk about it." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako ng marahan palabas ng pinto.

Nagpunta kami doon sa isang room na vacant at inupo ako ni James sa isang stool. Pinunasan nya ang mukha ko gamit ang panyo niya at saka umupo sa harap ko.

"Laureen.. Tell me what is it.." Umiling ako at patuloy na nagpunas ng mata. Wala kasing tigil yung luha ko e. It won't stop.

"Baby.. Why won't you tell me? Don't you trust me?" Hinila ko siya sa ID at niyakap.

"I just miss you.. is all."

Naramadaman ko ang kamay niyang tumapik sa likod ko. "I'm sorry.. Busy kasi ako masyado sa duty at training. I'm so sorry, baby." Aniya at hinalikan ako sa noo. "My bad.."

"I know.. I'm sorry for being childish. Dapat ay di ako nagdadamdam sa ganon."

"It's alright, baby. I'll take you to your room.. Baka nandoon na ang prof niyo." Tumango ako at nginitian siya ng pilit.

At totoo ngang pagpunta namin ay naroon na ang prof naminsa Psychology. Pasimple akong pumasok at umupo sa tabi ni Aya. "Okay ka na? Sorry. May nasaba ba kaming masama?"

Ngumiti ako at umuling. "Namiss ko lang si.. James." She smiled apologetically at nagfocus na sa pakilinig kay sir.

"Block2, may task ako para sa inyo." Agaw atensyon na sabi ni sir sa amin. "I want you to catch 100 airplanes."

"Sir, malaki yon!" Nagtawanan yung mga kaklase ko dahil sa joke ni Franz sarkastiko namang tumawa si Sir dahil don.

"Ayon nga.. As I was saying bago umepal itong si Franz ay gusto kong mag-capture kayo ng 100 airplanes usin your hands like this." Aniya at ni-form ng dalawang letter L ang magkabilang kamay saka pinagpatong kaya nag-form yon ng parang triangle.

Until We Get ThereWhere stories live. Discover now