42. Still

5.4K 129 4
                                    

42. Still

Pagpasok ko kinabukasan sa ospital ay puro nga mahihinang Christmas carols ang umalingawngaw sa loob. Pinasigla ko ang akong sarili at saka dumiretso sa locker room.

Si Luigi lang ang inabutan ko don. "Uy, duty ka na kagabi diba?"

Nagangat ng tingin si Luigi sa akin at tumayo. "Paalis na rin ako.. Hinintay lang kita." Lumapit siya sa akin at may ibinigay na maliit na velvet box. "Merry Christmas."

Na-weird-uhan ako kay Luigi. Meron ba siyang gusto sakin? Maingat kong binuksan yung kahon at nakita ko doon ang isang white gold na kwintas.

Nitong mga nakaraang linggo ay naging close kami ni Luigi. Kaya hinahayaan ko siyang akbayan ako o kaya naman minsan ay hinawakan niya rin ang kamay ko. Akala ko ay wala lang yon sa kanya.. Na friendship lang yon. Pero mukhang may malisya yata kay Luigi.

'I❤️u' Yan ang nakalagay sa kwintas.

"I--I can't accept this, Luigi."

Parang naguluhan naman naman ang expression ni Luigi. Kunot ang noo niya hinawakan ang box na ibinalik ko.

"Why? I thought you like me.. You let me hold your hand.."

"I'm sorry, Luigi. Pero.. Di ko alam na may malisya yon sayo.." Napapailing si Luigi at malakas na isinara ang box.

"You're unbelievable, Laureen.. You.." Pumikit siya at napailing. "You led me on."

I kind of feel bad because of that. Pinaasa ko ba talaga siya? Ni hindi naman siya nagtanong kung pwede ba siyang manligaw. He assumed.. Na may gusto na ako sa kanya. He's a dochebag, but I feel bad for him. It's Christmas, pero hindi ko naman dapat pagsangayunan yung gusto niya dahil Pasko.

Umalis na si Luigi at naiwan akong mag-isa. Nakagat ko ang ibabang labi ko ng marealize na.. Duty nga pala silang lahat kahapon! Ako lang ba ang duty sa team namin? Shit.

Nag-bihis na ako, habang nagsusuot ako ng sapatos ay bumukas ang pinto.. At dumating na ang kinatatakutan ko. Ang mapag-isa kami ni Pierre.

"I want my rounds done in 30 minutes. It's just you and me today, Miss Torres." Hindi niya na ako hinintay at isinara niya na ang pinto.

Naiinis nanaman ako. Baliw ba siya?! Alam naman pala niyang kaming dalawa lang ngayon tapos ay 30 minutes niya lang ipaparounds yung walon pasyente niya?!

Isinabit ko yung stethoscope sa leeg ko at nagsuot ng labgown. Pero paglabas ko ay nandoon si Pierre sa labas at nakasandal sa dingding.

"Good." Aniya at itinulak ang sarili palayo sa pader. "Let's go." Nauna siyang naglakad kaya naman sumunod ako. Nakakainis! Bakit si Dylan or si Travis ay hindi duty! Ang daya!

Pero naantala ang rounds namin ng mag-arrest yung isang pasyente ni Pierre kaya agad kaming nag-hila ng defib-cart. "Doc, dalawang unit na po ng Epi ang nai-inject namin."

"Gaano katagal na siyang nirerevive?" Tumingin yung nurse sa relo niya. "1 minute and 15 seconds po, doc."

"Push another dose of Epi. Get that defib charging." Lumapit naman ako don at hinila ang pads. Nilagyan naman nung nurse na katabi ko ng lubricant yung pads.

"Charge to 300." Nang idikit ni Pierre sa dibdib ng pasyente yung pads ay vfib parin ang heart sinus kaya wala paring heart beat.

"Again!" Pinindot ko yung button at tumunog yun machine. Nakakita kami ng maliit rhythm sa cardiac monitor. The heart's beating again. Nanlaki ang mata ko at medyo napaatras.

Bumalik an mg memorya ko from 7 years ago.. Nung si Pierre ang nirerevive noon sa ER. Nanigas ako doon. Buti nalang na-revive na ang pasyente kundi ay baka di ko napress yung machine.

Until We Get ThereWo Geschichten leben. Entdecke jetzt