10. Date You

5.9K 159 7
                                    

10. Date You

'You made me leave. I was lost because of that'

Humiga ako sa kama at natulala sa kisame. For goodness' sake, I was a freaking 12-year-old idiot when I said that! He--of all people should have known that! Napa-face palm nalang ako dahil don. It's not my fault! Really, at bakit nya ba kasi ako bibigyan ng flowers na may worms ngayon alam nya naman na takot at nandidiri ako sa mga gumagalaw galaw na insekto? Abnormal talaga yon!

Nagbukas ako ng facebook at status kaagad ni Pierre sa newfeeds ko ang nakita ko

Pierre Tristan Salvador: Please, see me. Reaching out to someone I can't see.

Alam kong Lyrics yon ng Lost Stars pero bakit? Ano bang pinaglalaban nya?

Maaming nag-like sa 5 minutes na pagka-like ng status nya na itinagal ko rin dito sa kwarto.

Franz Jeremy Francisco: Iiyak mo na yan dude!
Pierre Tristan Salvador: Bugok!
Troy Guillen Ramirez: He's gonna cry a river soon!
Warren Kyle Nieto: Hahahahaha
Aaron Carl Villacorta: Wala ka talagang kwenta, Warren!
Pierre Tristan Salvador: Mga gago!

At nagpatuloy pa yung non-sense nilang usapan. Nakakatuwa kasi feeling ko sobrang close na nilang lima. Imagine? Si Franz at Pierre lang naman ang totoong nakatira dito at yung tatlo sa city talaga pero pinili nilang mag-transfer dito dahil lang umalis si Pierre? They're really cute. Their friendship will be their greatest weapon someday.

Nagpunta ako sa CR para mag-shower na at ng makatulog na ako. Medyo nagtagal ako sa loob kasi dala ko yung phone ko at nagpapatugtog ako sa loob.

Naaliw nanaman ako, buti at nagwarning ng 4% nalang ang charge kaya naman lumabas na ako.

Buti at nagbihis na ako sa loob kasi laking gulat ko naka-upo si Pierre sa couch opposite ng pinto ng CR sa loob ng kwarto ko! Bakit nandito nanaman siya????

"Why are you here??? Paano kung lumabas ako ng nakahubad! Ghad, Pierre! This is a girl's bedroom, where are you manners?" Dakdak ko sa kanya pero hindi siya nag-react at sinundan lang ako ng tingin hanggang umupo ako sa harap ng dresser para mag-suklay at mag-blow dry ng buhok.

"Laureen.."

"Huh?" Sagot ko at sinilip siya sa reflection bg salamin.

"I really miss you.." Mahina nyang sabi pero bakit rinig na rinig ko.. I pursed my lips..

"What?" Sabi ko sabay patay ng hair dryer, kahit na ang totoo ay narinig ko naman gusto ko lang na ulitin nya. I want to memorize the sound of his voice.

Tumayo siya at umupo ng kama ko. Katabi lang ng kama ko ang dresser ko kaya naman halos madikit na ang tuhod nya sa hita ko. That gae me this uneay feeling. Feeling ko ay napaka-intimate naming dalawa.

"I said I miss you, Laureen." Gosh! Akala ko ay babarahin nya ako at di nya na uulitin!!!! Teka bakit ba ganito ang nararamdaman ko????

Nagsimula nang maging awkward yung katahimikan namin isama mo pa yung nakatingin lang siya sa akin na para bang kahit anong oras e bigla nalang akong mawawala!

Kamuntikan na ako napa-Hallelujah ng mag-ring yung phone ko. Saved by bell! Halos takbuhin ko na ang balcony ng dahil don.

"Hello?"
(Hi.) Warmth. Pakiramdam ko ay nag-balik ang blood supply sa buo kong katawan ng marinig ko playful na boses ni James.
"How are you?"
(I'm good, thanks. You? Kumain ka na?)
"Yep, galing ka pang practice? And kamusta anong nangyari don?"
Humalakhak siya ng mahina. (Binigyan ako ng 10 laps ni coach dahil first time ko naman daw ma-late.)
"Really? Omg, Sorry! Na-late ka tuloy dahil sakin."
(It's okay, Laureen.) Nakarinig ako ng pagsata.
"Kakauwi mo lang?"
(Di pa ako nakakaalis ng school.)
"Ha? Bakit?"
(I wanted to check on you.) Teka, gusto kong mag-happy damce dito! Hindi ko mapigilan ang pagngiti.
"Sira."
(I'm hungry.)
"Mag-dinner ka na muna."
Tumawa siya. (Okay. By the way, I like your Pacer's shirt kahit fan ako ng Heat.)
"Wha--"

Napanganga ako ng may bumusinang kotse sa harap mismo ng kwarto ko! Sneaky jerk! Natawa ako dahil doon. Siraulong yon! School daw?

Papasok na ako sa loob ng abutan ko si Pierre na nakahalukipkip at nakatingin sa akin. Malalim ang tingin nya at di siya kumibo. Suminghap ako saka siya nilagpasan para mahiga.

"Are you two dating?"

Nakatalikod na ako sa kanya at mas lalong humigpit ang pagkakakapit ko sa kumot. What asnwer will I give him? We're dating... I just don't know if we're exclusively dating.

"No." Kahit alam ko na ang sagot ay di ko alam kung bakit ito ang isinagot ko.

"Can I date you instead?"

Until We Get ThereWhere stories live. Discover now