UPDATE F

938 49 11
                                    

UPDATE (F)

"Jade?"

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway nang makita ko si D.O na nasa harapan ko na para bang gulat na gulat na makita ako. Well, ako rin naman ay gulat na makita siya. I didn't know he's friends with these kind of people, at napatuon ang tingin ko sa mga babaeng wild kung sumayaw. Hindi ba sila napapagod?

Narinig ko ang buntong hininga niya kaya napatingin ako sa kaniya, nakatitig siya sa akin na para bang naghihintay sa kung ano man ang maaari kong sabihin. Hindi ko mabuka ang bibig ko, speechless it is.

Narinig ko ang bahagyang pagtikhim n'ung birthday boy, the reason why D.O and I broke our eye contact. "You know her, D.O?" Naghalong pagtataka at gulat na tanong nito sa kaniya.

Ako naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa, gusto ko na lang magpakain sa lupa para mawala na ako sa paningin nila. Hindi ko pa rin kasi mawaglit mula sa isipan ko ang pagkakahuli ni D.O sa akin n'ung sumasayaw ako nang naka-undies lang. Napapikit ako nang mariin, gah, naalala ko na naman ang nakakahiyang pangyayaring iyon.

Napakagat nang labi si D.O at bahagyang napaisip bago niya sinagot ang tanong nito, "Sort of? Actually, I... really don't know."

Kumunot ang noo n'ung birthday boy, he doesn't look amused. "Then, you are the one who invited her here?" The birthday boy scoffed, kinuha niya ang wine glass niya mula sa mesa at agad na ininom iyon. Napalunok ako, oo nga pala, may isa pa akong problema- 'di ko alam kung ano ang isasagot ko kung paano ako napunta rito sa party na ito. Alangan naman kasi na sabihin ko 'yung sinabi ni Venice sa akin kanina? Na proxy lang kami nang pinsan niyang kaibigan nang may birthday? Tapos kapag tinanong pa kung sino ang 'kaibigan' niya na iyon, eh ano ang isasagot ko? Hindi ko naman alam ang pangalan ng pinsan ni Venice. God damn it! Who would buy that?

Kumunot ang noo ni D.O at napatingin sa akin, "What? No!" Agad na tanggi niya. Well, technically, hindi naman talaga siya ang nag-invite sa akin dito kasi hindi naman talaga ako invited eh. Nakikisawsaw lang ako dito sa party, ni hindi ko nga kilala kung sino ang may birthday. Lol.

Napatingin din sa akin 'yung birthday boy, just by looking at him, malalaman mo nang hinuhusgahan niya na ako. Gah! "Then, who invited you?" Hindi pa rin naaalis ang pangungunot nang noo nito.

I akwardly smiled, "A-About that," hindi ko napigilan ang pagkamot sa ulo ko, probably my habit kapag nate-tense ako. Jusko po! Nasaan na ba ang best friend kong inutil?

Hinawi ni D.O ang buhok niyang tumabon sa mukha niya, ang birthday boy naman na nasa kasulukuyang nasa harapan ko ay masama pa rin ang titig sa akin.

"Kaaaaai!"

Hindi pa ako nakakahanap nang mga salitang sasabihin ay nakita ko na ang papasok na si Venice at 'yung lumapit sa amin kanina, "Kai, Happy birthday!" Ulit na sambit n'ung kasabay ni Venice pumasok sa event hall habang inaayos nito ang kanyang bow tie. Si Venice naman ay agad akong nilapitan.

"Ba't mo naman ako iniwan d'un kasama si Chase?" Angil niya sa akin at inagaw ang mojito na hawak hawak ko at binottoms up iyon.

Kumunot ang noo ko, "Chase?"

Napairap si Venice at ibinaba ang hawak niyang baso, "Iyong pinakilala ko kanina sa'yo." Nakanguso pa siya nang sinabi niya iyon. Napa-'ah' na lang ako, Chase nga pala ang pangalan niya.

Napahawak ako sa noo ko, feeling ko kasi ay umiikot ang paningin ko. Parang nakilala ko na kasi ang mga taong nandito pero hindi ko maalala kung kailan at saan. The birthday boy, which is Kai- seemed really familiar as well as the guy called Chase. Huminga ako nang malalim, ang bigat sa pakiramdam 'yung ganitong feeling.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now