UPDATE C

1K 45 7
                                    

UPDATE (C)

"It will take a forty-five minute drive from here, but looking at your car, probably it will take twenty to thirty minutes," saad ni Venice habang hinihintay na matapos 'yung gasoline boy sa paglilinis ng wind shield ng kotse niya.

Tumango naman si D.O, hindi pa rin ako makatingin sa kaniya, ine-expect kong makikilala niya ako pero mukhang hindi at nagpapasalamat ako d'un dahil kung naaalala niya ako ay paniguradong malulunod na ako sa nag-aapaw na kahihiyan, pero may isang parte ng sarili ko na umaasang sana ay nakikilala niya ako. Yeah, how stupid of me, nang dahil lang sa mahaba kong panaginip ay nag-expect ako na may something.

Hindi din nagtagal ay natapos na ang paglilinis sa windshield, saglit pang nag-usap si Venice at D.O, hindi ko na sila hinintay na matapos mag-usap, isinara ko na ang nakabukas na bintana n'ung kotse pero hindi ko inialis ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Seryoso pa rin ang itsura ni D.O samantalang si Venice ay nakangisi habang pinaglalaruan ang keychain ng susi ng kotse niya, isinandal ko ang ulo ko at huminga ng malalim, naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. If this is not destiny, ano na ba ang itatawag ko dito?

"Oh, ba't nakasimangot ka?" Rinig ko ang pagpasok ni Venice sa kotse, ini-start niya na ang ignition ng kotse.

Bahagya kong hinilot ang sentido ng ulo ko, "Wala, stressed lang." Wala sa mood na sagot ko sa kanya at napatingin sa may windshield ng kotse, nasa likod namin ang kulay puting McLaren ni D.O na sa tingin ko ay sinusundan kami, "Nakakainis ka talaga, Elizalde." Medyo naiiritang sambit ko, hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa windshield- pinagmamasdan ko pa rin ang kulay puting McLaren.

"Hala, bakit?" Pa-inosente pa niyang sagot, binalingan ko sya ng tingin at inirapan.

Tumikhim ako, "Hindi ka man lang kumukunsulta sa akin kung gusto ko bang magsayang ng oras na samahan 'yung lalaking iyon sa Brgy. Maligaya," nababanas ako dahil pinapangunahan niya ang mga bagay-bagay na dapat ako ang nagdedesisyon sa sarili ko. Okay lang naman 'yun kaso nga lang, si D.O ang pinag-uusapan dito. Eh pa'no na lang kung naalala niya ako? Na isa akong creepy stalker niya. 😫

Ngumuso si Venice pero nasa daan pa rin ang kanyang atensyon, "Nagmamagandang loob lang naman d'un sa tao," may kasamang hinanakit pa ang tono ng kanyang boses.

Napasabunot ako sa buhok ko, "Agh! Nars tayo Venice, hindi tayo volunteer worker!" Angil ko sa kaniya at ibinalik ang tingin ko sa may windshield para tignan muli kung and'un pa ang kulay puting McLaren sa likuran namin.

"Hindi daw volunteer worker pero panay ang sulyap sa likuran," panunukso niya sa akin sabay halakhak pa niya, kaya napaiwas kaagad ako ng tingin.

"Uuwi muna ako sa bahay, magpapalit ako ng damit." Walang ganang sabi ko, alam ko namang 'di ako makakapalag dahil sa bruhang katabi ko.

Narinig ko ang mahihina niyang hagikgik, sinamaan ko agad siya ng tingin kaya itinikom niya agad ang kanyang bibig, "Yes, ma'am. Alam niya na 'yon." Siguro ay tinutukoy niya si D.O kaya naman ay muli akong napatingin sa windshield.

Gusto ko sanang magtanong kay Venice kung ano pa ang mga pinag-usapan nila ni D.O kanina sa gas station ngunit ayoko sanang malaman niyang may interes ako kay D.O baka pa mabuking ako sa mga nakakahiya kong pinaggagawa n'ung nakaraang biyernes ng gabi.

Pinilit ko na lang tanggalin sa aking kaisipan ang kuriyosidad na bumabalot sa utak ko, at nag-isip ng ibang pwedeng pampalipas ng oras.

Makalipas ang ilang minuto na pagmumuni ko ay napansin kong nasa bukana na kami ng Village namin, kaya agad ko namang inayos ang aking mga gamit. Dahil malapit lang naman sa may entrance gate ang aming bahay.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now