UPDATE Z (2/2)

864 43 42
                                    

UPDATE (Z) Part 2 of 2

Huminga ako ng malalim nang matapos ang sunod sunod na pagduwal ko. Ito na 'ata ang epekto n'ong kinain kong kamote kanina, sinabi na kasi ni mama na matagal na 'yun eh pero kinain ko pa rin dahil natakam ako.

Bumalik ako sa kama at dinampot ang phone ko, akala ko ay pinatay na ni Chase ang tawag pero hindi kaya itinapat ko sa aking tainga 'yon.

"When will she leave?" Halos maibato ko ang phone ko nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.

Agad na pinatay ko ang tawag at inilagay iyon sa loob ng drawer nang side table ko, he was there all along.

Napasandal ako sa kama at napapikit ng mariin, I have to move on. At ang tanging paraan lang para maka move on ako ay ang lumayo. Naiinis na ako sa sarili ko dahil puro move on ang nasa utak ko.

"Jade!" Narinig ko ang tawag ni mama mula sa baba kaya kahit na nawalan ako ng gana ngayong araw ay tumayo pa rin ako para bumaba.

"Bakit, ma?" Sigaw ko pabalik nang pababa na ako mula sa taas.

Hindi naman siya sumagot kaya dumiretso ako sa kusina, naghahain siya sa tray ng cookies at juice na siyang pinagtaka ko. "Bakit, ma?" Ulit ko nang makalapit sa kanya.

Nag angat siya nang tingin at inirapan ako, "Ang sabi mo sa akin, naghiwalay na kayo n'ong boyfriend mo? N'ung kailan lang 'yon, ah? Bakit may bago ka na namang boyfriend?" Nakasimangot niyang sabi habang hinahalo ang juice.

Kumunot ang noo ko, anong pinagsasabi ni mama? Wala naman akong boyfriend ngayon. "Wala akong boyfriend!" Agad na tanggi ko at umupo, kukuha sana ako ng cookies kaso hinawi niya ang kamay ko.

Inangat niya 'yung tray na may cookies at juice, "Eh, sino 'yung nasa sala? Alam kong nakita ko na siya noon- teka? 'Wag mong sabihin kaya kayo naghiwalay nang boyfriend mong inglesero kasi nangangaliwa ka?" Nanggagalaiti niyang sabi, muntik pa niya akong batukan kaso umilag ako.

Hindi ko kasi sinabi kay mama kung bakit kami naghiwalay ni Darius, baka magalit lang lalo iyon. Sino bang may gustong apak apakan lang ang pagkatao ng anak niya? Or even worst, sermonan niya ako kasi alam ko naman ang katayuan namin sa buhay ni Darius pero pinilit ko pa rin ang relasyon namin. Ayoko rin naman masaktan ang mama ko kaya mas pinili ko na lang na h'wag ipaalam sa kanya ang tunay na nangyari.

"What?" Napaawang ang labi ko, saan naman kaya nakuha ni mama 'yun? Tss.

Binatukan niya ako kaya napangiwi ako, "Huwag mo akong what what-in dyan! Puntahan mo na d'un bisita mo!" Sermon niya sa akin at nilagpasan na ako.

Padabog akong tumayo at agad na ring tumungo sa living room kung saan dumiretso ang nanay ko, inambaan niya pa ako kotongan nang lagpasan ako. Umirap na lang ako sa kawalan, mas mabuti nang ganyan kaysa malaman niya ang tunay na nangyari.

"Jade!"

Agad akong napatingin kay Tom na kumakain nang cookies, napansin ko din na may dala itong tsokolate. Kaya siguro inisip ni mama na boyfriend ko ang hoodlum na ito. "Ano?" Angil ko sa kanya pero lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

Ngumuso siya, "Sungit nito! Pero, ang sarap nang cookies niyo, sino may gawa? Si tita?" Sabi niya habang ngumunguya.

Piningot ko ang tainga niya, "Baliw, binili lang namin 'yan! 'Yung tig-do dos sa tindahan!" Hindi ko maiwasang mapangiti sa kainosentehan nang lalaking 'to. Who would've thought? Ang gwapong lalaking 'to, kayang umakto nang ganiyan.

Ngumisi siya at sinubo ang isa pang buo nang cookies, "Ay, ganun? Masarap naman, eh."

Umayos ako nang upo at sumandal sa couch na kinauupuan namin, "Bakit ka nga pala nandito? This is very rare of you na pumunta dito, last time I remember- pumunta ka lang dito dahil may kailangan ka..." Napatingin ako sa kanya na may halong pagdududa, "Wait, don't tell me..."

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now