UPDATE A

1.1K 52 11
                                    

Hello, guys! It's been a while since I made you guys crave for more. LOL! I can't really update everyday, as you can see, I'm (still!) a super busy college student! (For christ's sake! T_T), I am kinda busy with some stuffs, such as school works and other important matter than this. But still, I am finding a way and time to write this crap.

Oh, well. I'm still thinking of how will the story flow on the second part, I want it to be interesting, so bear with me. I need to regain my composure. 😁

Anyway, I'm going to update every week, so please- stay tuned. 😘

love lots,

stylistnoona/oneechan

P.S.: Thanks for reading. Mwa! 😘😚😗😙

🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶

UPDATE (A)

"Aragon."

Tinaas ko ang kanang kamay ko, "Present!" Awtomatiko kong sambit nang marinig ko ang apelyido ko sa roll call ng professor ko sa NCM104.

Yumuko ako sa desk ng armchair ko at mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Ugh!

Hindi ko pa rin makalimutan 'yung panaginip ko at 'yung nangyari n'ung biyernes ng gabi, nakakahiya d'un sa katabi ko sa jeep.

Para kasing totoo 'yung bawat pangyayari d'un sa panaginip ko.

Naramdaman kong may sumiko sa akin kaya napaangat ako nang ulo at tinitigan ang katabi ko, si Venice- best friend ko.

Kumunot ang noo ko at matiim ko siyang tinitigan, ngunit tinitigan niya lang din ako kaya ako na ang nagreact, "Ano?" Medyo naiirita kong bulong, nasa kalagitnaan kasi kami ng discussion kaya binabaan ko lang ang boses ko.

Kumunot din ang noo niya at bahagyang ngumuso, "N'ung lunes ka pa bad mood, may nangyari ba?" Nag-aalalang tanong niya sa'ken.

Umiling ako at itinuon ang tingin ko sa discussion, "Wala, 'wag kang paranoid." Masungit na sambit ko, ayaw ko kasing ikwento sa kaniya 'yung mga nangyari. Nakakahiya.

Nakakahiya kasi kasali din siya sa panaginip ko! At, baka mabatukan niya ako dahil sobrang landi niya sa panaginip ko. Haha.

Hindi niya naman na ako kinulit at tinuon na rin niya ang pansin sa makapal na libro ng Fundamentals of Nursing para magreview dahil may pop-up quiz kami mamaya, panigurado.

Lumipas ang tatlong oras na discussion at nagdismiss na ang Professor namin. Last subject na rin namin 'to para sa araw na 'to kaya inayos ko na ang gamit ko para makauwi na.

Bago pa man ako makalabas ng room ay hinila na ako ni Venice, "Saan ka pupunta?" Nakataas kilay na sabi niya.

Inirapan ko siya, "Uuwi na, malamang."

Inismiran niya ako, "Uuwi nga ba? Bakit naghihintay sa labas ng room 'yang si Elvis?" Sabay turo niya kay Elvis na nakasandal sa malamig na dingding nang Nursing Bldg. at busyng-busy sa pagsa-soundtrip.

Nanlaki ang mata ko, "Ano ginagawa niya diyan?" Gulat na sabi ko at mahigpit na hinawakan ang strap ng bag ko.

Nagkibit balikat si Venice at tinulak ako palabas ng room.

Napaangat ng tingin si Elvis at nginitian ako, "Hi!" Sabi niya sabay kuha ng librong hawak-hawak ko.

Hindi agad ako nakapag-react kaya hindi ko agad siyang napigilan, "N'ung friday ka pa 'di nagtetext sa'ken. Galit ka ba?" Seryosong tanong niya sa'ken.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon