UPDATE 13

3.6K 95 14
                                    

UPDATE (13)

Jade Carla's Point of View:

"Hi there, D.O!" Nakangiting bati ni Elvis kay Darius, si Darius naman ay tinitigan lang siya at makaraan ang ilang segundo ay lumabas nang apartment ko.

Ako naman ay in-shock pa rin, pero mas pinili ko na sundan si Darius sa labas, mahirap na baka maligaw pa 'yun.

Patakbo ko siyang sinundan, "Darius, wait!" Sigaw ko dahil ang bilis niya maglakad, samantalang ako eh tumatakbo na ay hindi pa rin siya maabutan.

Hindi naman siya huminto at nagpatuloy lang. Galit ba siya o ano? Nakakainis lang, hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari ngayon.

Huminto na siya sa may kanto kaya binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya, buti naman at naabutan ko nga siya.

"A-Ano b-ba naman 'yan?!" Habol hininga na sabi ko.

Hindi siya nagsalita at nakatungo lang, hindi ko alam kung sino o ano ang nag-udyok sa akin para hawakan ko ang kamay niya... pero hinawakan ko talaga ang malalambot niyang kamay. "Ano ba 'yun, ha?" Sabi ko sa kanya na may halong pagkainis, "Sasama-sama ka sa apartment ko tapos aalis ka din bigla!" Singhal ko sa kanya, naiinis kasi talaga ako eh.

Pabalang na hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko, may kinuha siya sa bulsa nang pantalon niyaㅡ kulay itim na panyo. Ipinunas niya ito sa mukha niya at inangat ang mukha niya, nakikita ko na ang ekspresyon nang mukha niya ngayonㅡ mugto ang mata. U-umiyak ba siya? O.O!!! Pero bakit naman siya iiyak, 'di ba?

Hahaplusin ko sana ang mukha niya kaso agad na iniwas niya ito, "Umiyak ka ba?" Nag-aaalalang tanong ko, may pagka-curious din... bakit nga naman siya iiyak?

Tinitigan niya lang ako nang mataman, "Don't act like you really care. So what? So what if I cried? Will it change a thing Jade? Will something between us will change if you know everything? Will you love me if I will say that I cried because..." Nangangatal na sabi niya, namumuo na ang luha sa mga mata niya, nanginginig ang mga labi, halatang nagpipigil umiyak at nang emosyon, "Damn it!" He cussed, he shoved away the tears that fell right through his rosy cheeks, "God knows how jealous I am!" Sabi niya sabay suntok sa may poste.

Nakaramdam ako ng takot, nakaramdam ako ng saya, nakaramdam ako ng kaba at nakaramdam ako ng lungkot.

"Oh my god, Darius!" Nagpapanic na sabi ko, nakita ko kasing umaagos ang dugo niya mula sa kamao niya.

Lalapitan ko sana siya kaso pinipilit niyang ilayo ang sarili niya sa akin, he sarcastically laughed. "Haaaa! Why do I even feel this way? It's not that you will care, if you have known everything about me. I don't want your pity, Jade." Sabi niya sabay mariing kagat sa labi niya dahil nagpipigil na naman siguro nang luha.

Bakit... Bakit ba siya nagkakaganito? Hindi ko talaga maintindihan ni isa sa mga sinasabi niya. Para bang may kung ano akong nararamdaman, takot o kaba? Hindi ko talaga alam.

'Drama lang 'yan!' Other part of me shouted right through my mind.

Ipinilig ko ang ulo ko, if this is only one of his schemes... he really gone this far... this far that I am believing him.

"H-Hindi kita maintindihan, Darius." Mahina kong sabi habang nakatitig sa kanya nang mabuti.

Kumunot ang noo niya at nilapitan ako, "You don't understand anything, Jade?" He said while staring at me with disbelief written on his face.

Alanganin akong napa-iling, hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko, nakaramdam na naman ako ng takot. Nag-soften ang ekspresyon nang mukha niya, "I'm fucking in love with you, Jade! I'm fucking in love with you for a long time now... Two years of waiting, Jade." Pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko, "I waited for this day to come, that I will be able to say this to you." Mariin niyang sabi.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now