UPDATE I

827 45 13
                                    

UPDATE (I)

"What relationship?" Pangungulit ko kay Darius na kasalukuyang nagsusuot nang kanyang shirt. Unfortunately, naka pants na siya n'ung lumabas ako ng kwarto nya.

Nakakunot ang kanyang noo nang tinapunan niya ako ng tingin, "You should go home." Malamig niyang sabi, now, don't I have the right to know what is really happening? Kahit na nae-excite ako sa mga nangyayari. I just hope this is not a dream inside a dream.

Hinarap ko siya, "Pinapauwi mo ako? Eh naguguluhan pa nga ako sa mga nangyayari." Angal ko sa kanya habang siya naman ay halatang halata na ang pagka irita niya sa akin. I don't like the idea of him being annoyed by me pero I want to know. Is he taking full responsibility of what we did last night?

Nangasim ang kanyang mukha nang mapagtanto nya sigurong wala akong balak umuwi hangga't hindi niya sinasabi sa akin ang mga nangyayari, we will be having a relationship daw pero halata namang wala siyang feelings para sa akin. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman iyon.

Huminga siya ng malalim bago ako kinausap ng maayos, "Just go home first, I will call you." He said, assuring me that he will explain everything after sending me out of his condo.

Sumimangot ako, "Call me? You don't even have my number!" I hysterically uttered, totoo naman na wala siyang number ko. Niloloko niya lang 'ata ako.

Marahas siyang umupo sa black leather niyang couch, "Stop being a nagger and get the fuck out of my place!" Pasigaw niyang sinabi sa akin. What the hell?

'Yung kahuli hulihang pisi na nag kokonekta sa pasensya ko at sa kahibangan ko ay naputol na. "Pagkatapos ng nangyari sa atin kagabi?!" Hindi ko napigilan ang bibig ko. Alam kong hindi ko dapat sinabi iyon dahil sa nakakahiya, pero dahil sa inaasal niya ay hindi ko na naisip ang mga nasabi ko.

Hingal na hingal ako, hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi nailabas ko na 'yung gusto kong sabihin kanina pa. Samantalang siya ay nakakunot ang noong nakatingin sa akin na para bang naguguluhan siya sa mga pinagsasabi ko. Don't tell me, magmamaang maangan ang lalaking 'to ngayon?

"What the fck are you talking about?" Nakakunot pa rin ang kanyang noo, pinaghalo ng pagtataka at inis ang kanyang tono.

Okay, Jade. Ikalma mo ang sarili mo, tandaan mong kailangan magkaroon ka ng finesse sa katawan sa ganitong bagay.

Huminga ako ng malalim, at naiilang na tinitigan sya. Tinamaan na ako ng kahihiyan sa mga pinagsasabi ko kani kanina lang. "You know..." Tinitigan niya akong mabuti kaya naging malikot ang aking mga mata, hindi ko na siya matitigan pa ng maayos.

Tinaasan niya ako ng kilay, "I know what?" Inismiran niya ako, na para bang nage gets niya na ang gusto kong iparating. "We didn't do it last night, alright? The hell I would." Natatawa niyang sabi, ako naman ay hindi malaman kung ano ang mararamdaman- magpapasalamat dahil walang nangyari at nagkamali ako ng hinala. O, magwo walkout dahil sa kahihiyan na natamo ko mula sa kanya.

I'm out of words, gusto ko sabihin na bakit hindi ko suot ang dress ko kagabi na siya namang sinagot niya na kahit na hindi ko tinatanong, "The chamber maid changed your clothes last night. Your dress is right there." Tinuro niya ang naka latag kong dress sa center table. "You can wear it, that is good as new." Sabi pa nito at ipinatong ang paa sa dulo ng couch.

Ang dami kong gusto sabihin, tanungin at iexpress sa kanya kaso lahat ng iyon ay parang bula na nawala dahil sa umaapaw na kahihiyang nararamdaman ko.

Hindi na ako sumagot, hindi rin naman na siya nagsalit bagkus ay tinitigan lang ako. Dinampot ko ang dress ko sa center table at pumasok muli sa kanyang kwarto. Hindi naman siya nagprotesta kaya nagpatuloy ako sa loob.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now