UPDATE H

794 34 17
                                    

UPDATE (H)

"Where are you taking her, Tom?" Tanong ni Darius kay Tom na pasan-pasan si Jade sa likod niya.

Tinitigan siya ng mabuti ni Tom kasabay n'on ang pag hapit niya sa hita ni Jade sa kaniyang baywang, "Why are you asking?" Naka taas ang kilay nitong sabi.

Darius groaned, "Why are you answering my question with another question?" he frustratedly uttered, kahit hindi niya lingunin si Sabrina sa likod ay ramdam na ramdam niyang nakamasid ito sa mga ginagawa niya.

Tumawa lang nang bahagya si Tom at inilingan siya, hindi na siya pinansin nito at nagsimula ng muling maglakad palabas ng event hall. Si Jade naman ay mahimbing nang natutulog.

Huminga nang malalim si Darius at kinalma ang sarili, hindi niya talaga gusto ang ugali ni Tom kahit na nakakabatang kapatid ito ni Sabrina, they are in the same age.

"Bakit pasan ng kapatid ko ang babae mo?"

Napalunok si D.O bago nilingon si Sabrina, na naka-kapit sa braso ni Elvis. Nagtiim ang kanyang bagang, pinilit niyang ayusin ang kanyang sarili at magmukhang walang pakialam kahit na nag-iinit na ang kaniyang dugo sa nakikita niya.

Tumikhim siya, "Your brother took my girlfriend," pinahalata niya talagang inis siya, para bumagay sa kaniyang arte.

Kumunot ang noo ni Sabrina, si Elvis naman ay nakamasid lang sa kanilang dalawa, "Bakit hinayaan mong umalis sila?" Naiinis na rin si Sabrina, iniisip niya kasing haliparot ang babaeng iyon dahil inaagaw ang mga mahahalagang tao sa buhay niya.

Hindi pa nabubuka ni D.O ang kaniyang bibig ay nagmartsa na palabas ng event hall si Sabrina para habulin ang kapatid niya, nagkatitigan nang ilang segundo si Elvis at D.O- inismiran lamang siya ni Elvis at sumunod na kay Sabrina sa labas. Ganun na lang din ang ginawa ni D.O, he doesn't want to blow his cover this early.

"Thomas!" Bulyaw ni Sabrina, naghi hysterical na siya dahil kapit na kapit si Jade sa likod ng kapatid nito.

Huminto si Tom at nilingon ang ate niya, "What?" Iritadong lingon nito sa kaniya.

Agad na lumapit si Sabrina sa kapatid niya at hinatak pababa ang walang malay na si Jade, "Ibaba mo ang babaeng 'yan! Ngayon na!"

Hinawakan ng mahigpit ni Tom ang hita ni Jade para hindi tuluyang mahulog ito, at sinamaan nang tingin ang ate niya, "What the heck is wrong with you?!" Angil nito at hinarap ang nagwawala niyang ate.

Mas lalong kumulo ang dugo ni Sabrina, "Leave that bitch behind!" She hysterically said, kasabay na naman n'on ang marahas na paghila niya sa braso ni Jade na nakapatong sa magkabilang balikat nang kapatid niya.

Marahas na lumayo si Tom sa ate niya, habang si Elvis at D.O ay gulat na nakatunganga sa kanilang dalawa. "You are being a bitch right now, ate." Pinilit ni Tom na maging mahinahon nang makita niya ang unusual attitude nang ate niya against the girl he's carrying.

Napapikit nang mariin si Sabrina, "J-Just... put her down and leave. Okay? Susundin mo si ate, hindi ba?"

Kumunot ang noo ni Tom, "What? Why? Do you even know her to act like that? You're being too unreasonable."

Sinamaan siya ng tingin ni Sabrina, "I know her very well! Kaya iwan mo na siya dito, ngayon na. At, h'wag na h'wag ka nang lalapit sa kaniya. You hear me?" Iritang irita na si Sabrina, namumula na nga ang mukha nito sa sobrang inis.

"Why?!" Hindi pa rin sinusunod ni Tom ang ate niya.

Huminga nang malalim si Sabrina, "Because! Ex nang babaeng 'yan ang boyfriend ko ngayon at boyfriend niya si D.O! So, leave her alone!" Halos na pasigaw na nang sinabi niya iyon, daig niya pa ang nag blush on sa buong mukha niya dahil sa sobrang pula nang mukha.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now