UPDATE Q

781 45 31
                                    

Nag scan reading ako kanina sa previous part nitong story, wala akong ginawa kundi humalakhak sa sobrang kakornihan. Grabe, palibhasa wala akong lablayp eh. 9 chapters na lang mga bae, happy ending na kaya this time? :)

UPDATE (Q)

Nagtatakbo ako palabas sa hotel ng resort kung nasaan si Darius, that situation was suffocating. Ngayon ko na lang uli siya nakita mula nang mangyari iyon, napaupo ako sa bato batong benches malapit sa may hotel.

I wanted to runaway, pero no chance. Kailangan ko pang sumakay ng bangka papunta sa island na kung saan nagdudugtong sa main land. Alas onse na ng gabi at alam kong wala na akong masasakyan, bukod pa doon ay delikado na.

Napayakap ako sa sarili ko nang dumampi ang malamig na simoy nang hangin, gusto kong murahin si Tom dahil sa ginawa niya kaso naiwan ko ang cellphone ko sa hotel kung saan kami nag check in.

Hinubad ko ang bunny head band at binato iyon sa buhanginan, bakit ka ba kasi pumayag Jade? Nanahimik ka na nga, eh.

Itinupi ko ang tuhod ko at niyakap. Ano bang ginawa kong mali at pinaparusahan ako ng ganito?

"Hi, miss." Naramdaman kong may tumabi sa akin, hindi ako umimik- hindi ko rin tinapunan ng tingin kung sino man iyon. "Mukhang mag isa ka lang, ah? Nilalamig ka na ba? Gusto mo bang mag painit?" Naramdaman ko ang paghaplos nito sa aking hita ko kaya agad akong kumilos palayo imbes na makalayo ay nahulog ako sa buhanginan.

Bago pa ako makatayo ay dinaganan niya na ako, nakaupo siya sa aking baywang habang hawak hawak ang magkabilang kamay ko, sinubukan kong manlaban ngunit masyado siyang malakas. Napahikbi ako ng maramdamang pilit niyang hinuhubad ang suot suot kong bunny costume, gusto kong makawala ngunit naubusan na ako ng lakas para manlaban.

Ni hindi ko na nga maaninag ang mukha nang taong sumusubok manggahasa sa akin dahil sa panlalabo ng aking mga mata, "Huwag..." Paulit ulit kong sabi habang umiiyak. Habang tumatagal ay bumibigat ang pakiramdam ko at bumabagsak na ang talukap nang aking mga mata.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong binitawan na ako at nawala na ang bigat na nakadagan sa aking tiyan.

Gusto kong ibuka ang aking mga mata at tumayo ngunit sa sobrang pagod ay nawalan na ako nang malay.

**

Nakaramdam ako nang pagkasilaw sa matinding liwanag kaya unti unting kong minulat ang aking mga mata, bumungad sa akin ang kulay puting mga muwebles at iba't ibang gamit na tiyak kong pagmamay ari ng hotel.

Pinunas ko ang laway na nasa gilid ng aking labi gamit ang kumot na bumabalot sa akin, bumangon ako. Kanino kayang kuwarto ito?

Nakaramdam ako ng matinding takot nang maalala ko ang nangyari kagabi, nagahasa ba ako? Agad kong kinapa ang aking sarili, wala namang masakit sa akin at kung paanong nakasuot ang costume ay maayos pa rin itong nakakapit sa manipis kong katawan.

Nahagip ng aking mga mata ang bunny ears na head band sa may side table, dinampot ko iyon at tumayo na. Kailangan ko ng umalis bago pa ako maabutan n'ong manyak kagabi.

Akma kong bubuksan ang door knob ng pinto palabas sa malaking suite room na ito ng biglang may napaka pamilyar na boses ang sumaway sa akin, "Where do you think you're going?" Buo ang boses niya nang sabihin iyon, ako naman ay hindi na mabilang kung ilang beses akong lumunok sa sobrang kaba.

Hindi ko siya nilingon bagkus ay pinilit kong pinihit ang door knob, bago ko pa mabuksan iyon at makalabas ay may kumaladkad na sa akin pabalik sa kama. Hindi ko pa rin siya nakayanang tignan, not now. Hindi sa ganitong sitwasyon, hindi sa ganitong itsura. I looked cheap.

Tumikhim siya nang ilang beses niyang pilit na hinuhuli ang aking mga tingin ngunit pilit kong iniwasan ang lahat ng iyon, marahas niyang itinaas ang aking mukha para masigurong magkakatitigan kami ngunit iniiwas ko pa rin iyon.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now