UPDATE T

704 44 26
                                    

UPDATE (T) for Tao 😩

Nakapikit ang aking mga mata pero alam kong may kumakalabog sa labas, sa may terrace to be specific.

Pinilit kong idilat ang aking mga mata sa kabila ng pamimigat nang aking mga talukap, medyo hilo pa ako pero nakita ko si Tom na parang tangang kumakaway sa may labas.

Pasaway talaga, babangon na sana ako para pagbuksan siya ngunit may mabigat na nakadantay sa baywang ko kaya ang aantok antok kong diwa ay biglang nagising. What the, huh?

Kinusot kusot ko pa ang aking mata at tumingin sa may labas nang terasa, wala talaga, nasa labas talaga si Tom. Huminga ako nang malalim bago ako kinakabahang tumingin sa kanang bahagi nang kama, napalunok ako nang makitang nakadantay ang kamay at paa nito sa katawan ko.

"Patahimikin mo nga 'yung nasa labas, I can't sleep." Napasinghap ako, anong ginagawa niya rito? Nakakunot ang noo nito pero nakapikit pa rin ang mga mata, lalo siyang sumiksik sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang abnormal na pintig ng puso ko.

Mabagal na nagproseso sa utak ko ang mga pangyayari. Hindi ba't si Tom ang nasa kama kagabi? Bakit siya ang nasa labas? At si Darius itong nasa tabi ko? Paanong?

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya, he sniffed the hell out of me. "I can feel your heartbeat." Mahina niyang sabi and started planting kisses onto my nape.

Sa sobrang pagkagulat ko sa kanyang ginawa ay naitulak ko siya palayo sa akin at dali daling pinagbuksan si Tom, kumapit ako sa braso nito. Si Darius naman ay napahawak sa ulo niyang nabagok sa may head rest, bumangon ito at sinamaan kami nang tingin. Napahawak ako nang mahigpit sa braso ni Tom, ayoko nang makipag usap pa kay Darius ngayon. Is he insane for sneaking in here?

"Paalisin mo siya, Tom!" Bulong kong sabi pero mariin iyon, desidido talaga akong hindi makipag usap kay Darius, pagkatapos nang masasakit na salita niyang sinabi? Tingin mo ay makikipag lokohan pa ako sa kanya? Tss.

Ngumisi lang si Tom at inilingan ako, napakagat labi ako para iwasan ang pagwawala nang inis ko. "D.O, what are you doing here?" Nakakunot ang noo ni Tom nang sabihin niya iyon, tinitigan naman siya ni Darius kasabay n'on ang pagkusot nang mata nito.

"None of your business." Inismiran niya si Tom at bumaling sa akin, "Siya ba ang ipapalit mo sa akin? Iyang lampayatot na 'yan?" Turo niya kay Tom na ngayon ay nagpipigil nang tawa, pasekreto kong siniko si Tom. Siraulo talaga.

Tinaasan ko siya nang kilay, "That's none of your business, Mr. de Guzman. Why are you even inside my room? Alam mo bang pwede kitang sampahan nang kaso? For trespassing." Iniwasan kong maasar sa presensya niya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na magmaldita.

Ngumuso siya at pabagsak na humiga sa kama, "I know, I'm a law student. Alam mo rin bang pwede kitang sampahan nang kaso?" Ngumisi ito, napakunot ako nang noo. Anong pinagsasabi nito? Ba't ako pa ang makakasuhan?

Umismid ito nang mahalata niyang gumuhit na ang pagtataka sa aking mukha, "Para sa panlalalake mo at pagnakaw mo sa puso ko." Seryoso niyang sinabi iyon kahit na pulang pula na ang kaniyang mukha.

"Ano?!" Agad na reak ko sa mga sinabi niya nang mag sync in iyon sa utak. What the fck? Ang korni.

Habang nag aapoy na ako sa inis dahil sa pakikipag lokohan ni Darius, si Tom naman ay hindi na napigilan ang halakhak.

Kinurot ko ang tagiliran niya kaya tumigil ito sa pagtawa, "Ang korni mo. Tara na nga, Tom." Hinila ko si Tom palabas nang room at iniwan ang namumulang si Darius. Bwiset.

**

Humilata ako sa kama ko dahil sa pangangawit nang braso ko kakahawak sa iPad habang nakikipag facetime kay Venice.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now