PROMISE 1.0

768 25 9
                                    

From this here on, I will be using the narrator's point of view. I'll probably use D.O's point of view sometimes but it will be posted in tagalog version, so that it will be easy for me to update. Special chapters will consist of 20 parts, as for the updates- I really don't know the schedule because I'm sorta busy in working on with my migration papers. Hmn? So far, that's it. Again, I am thanking all the readers who came up to this point.

-stylistnoona-

SPECIAL CHAPTER; PROMISE 1.0

"Eomma?" Said by the little Darius hugging his favorite pororo stuffed toy while yawning. His mom just stared at him. "Eodi? Where are you going?" As the innocent five year old Darius noticed the luggages behind his mother.

His mother kept silent and just stared at the curious him, not even a word. Few seconds passed by and Darius started to move towards her, "Eomma? Eodi ga?" Darius repeatedly asked, his mother flinched and grabbed the luggages.

"Eommaaaa!" He wailed as he started to realize his mom is leaving him without a word.

"D.O, wake up!" Mahinang uyog ni Sabrina sa binabangungot na si Darius.

Para namang hinigit ang paghinga ni Darius nang tuluyan siyang magising, napahawak siya sa kaniyang leeg at pinilit na huminga. Napahilamos siya kaniyang mukha nang makalma niya ang kaniyang sarili, napapansin niyang lagi na ang pagdalaw ng masamang panaginip niya. Napasandal siya sa headboard ng kaniyang kama at napabuntong hininga. "Damn." Mahina niyang mura.

"Are you alright?" Nag-aaalalang sambit ni Sabrina, they have been together for years as a best childhood friends mula noong lumipat ang pamilya ni Sabrina sa isang prestihiyosong subdivision pero ngayon niya lang nakitang nagka-ganoon ang kaniyang kaibigan.

Tumango tango si Darius, "Yeah, it's just a bad dream." Nag-iwas ito nang tingin, na para bang nais niyang ilihis ang usapan.

Hinaplos ni Sabrina ang kaniyang pisngi kaya agad siyang napa-igtad, "Just tell me anything, I will listen to everything." Ngumiti si Sabrina ng tipid sa kaniya.

Sinuklian ni Darius ang ngiting iyon at hindi naiwasang masiyahan nang kaunti sa pag-alala ng babaeng matagal niya ng gusto sa kanya, "I will, Sab. But, not now." Hinawakan ni Darius ang kamay ni Sabrina na humaplos sa kaniyang pisngi at bahagya iyong pinisil para iparating na ayos lang siya.

Napabuntong hining si Sabrina at bahagyang tumango, "Alright," Mahinang tugon nito. "Hihintayin na lang kita sa baba, I brought some pancakes."

Tumango si Darius at ilang sandali pa silang nagtitigan bago tuluyang lumabas ng kwarto niya si Sabrina, bahagya niyang inuntog ang kaniyang ulo sa headboard ng kama niya bago tuluyang bumangon sa kama.

Pilit niyang iwinaglit ang masamang karanasan niya n'ung bata pa siya, that was really traumatic.

Labing siyam na taong gulang na siya, he should be brave despite not having his mom around. Kahit pa na wala ito ay dinidiktahan pa rin siya.

Binuksan niya ang medicine cabinet na nakasabit sa loob ng banyo at kinuha ang gamot niyang pampakalma. Kapag hindi niya kasi nainom iyon ay buong araw na maninikip ang kaniyang dibdib, katulad nang naramdaman niya noong bata pa siya.

Nang matapos niyang ayusin ang sarili at masigurong ayos na siya ay bumaba na siya, nadatnan niya si Sabrina na nag-aayos nang mesa. She made pancakes and a pure mango juice, na lahat nang iyon ay paborito ni Darius.

Palihim na ngumiti si Darius habang pinagmamasdan ang kababata niya, siya lang ang babaeng pinagkakatiwalaan niya dahil kahit kailan ay hindi siya iniwan nito.

"If you really like her that much, you should confess everything." Nakangising sabi nang isa sa matalik niyang kaibigan na si Kaizer habang nagpupunas ito nang pawis dahil katatapos lang ng rounds nila sa morning training.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now