UPDATE S

806 37 20
                                    

UPDATE (S)

Natawa ako sa mga sinabi niya, "Pinagloloko mo ba ako? Alam naman nating dalawa kung ano ang tunay mong nararamdaman eh. Kaya 'wag na 'wag mong sasabihin sa akin na may pakialam ka sa akin, dahil kung totoo 'yan? Hindi sana ako nasaktan noon!" Sumbat ko sa kanya, ngayon ba talaga namin pag uusapan ang pagke care? Wala siyang maloloko dito. Dahil kung kayo nga ay hindi maniniwala sa kanya, e. Ako pa kaya?

Nag igting ang panga niya at bumagsak ang balikat, umismid siya. "Maybe you are right. Maybe I really never cared for you. Sinabi ko lang iyon para malaman kung ano magiging reaksyon mo, baka sakaling makita ko ulit kung paano ka naging tanga sa akin. It's fun seeing you in that state." Taas noo niyang sabi.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin siya, "How dare you!" Para akong binagsakan nang sandamakmak na hollow blocks dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko, nag init din ang aking mata. Tignan niyo na? May sira ang ulo nang taong ito.

Bahagya niyang itinagilid ang ulo niya para makita ang itsura ko na siya namang pilit kong kinukubli, "Truth hurts, no?" He mocked me.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mga mata, "Sino bang mas mukhang tanga sa atin noon? Ako na alam ko namang wala ka namang gusto sa akin pero nagpupursiging magustuhan mo o ikaw na kahit alam mong magiging kayo na ay rumenta pa ng tangang katulad ko para saktan iyong taong mahal mo? Alam mo kung ano ang narealize ko after a year not seeing you? Nakakapangsisi ang magustuhan ang isang tulad mo." Walang tigil na sabi ko nang hindi siya tinititigan, hindi naman siya nakasagot.

Nginitian ko siya, "I learnt to love the galaxy ocean every night." Hinaplos ko ang kanyang pisngi, napalunok siya nang gawin ko iyon.

Inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang gulat na mukha kaya napapikit ako, inignora ko ang naghaharumentado kong puso.

Dumampi ang aking labi sa kanyang labi, sa una ay hindi agad niya natugunan ang aking mga halik, siguro ay masyado siyang nagulat sa pangyayari. In the end, we shared a quick passionate kiss under the sunlight.

"Goodbye, Darius." Hindi siya nakapagsalita ako naman ay walang paglagyan ang mga nararamdaman ko. May inabot akong sobre sa kanya na lagi kong dala dala sa loob nang isa't kalahating taon, iniabot niya iyon. I gave him a quick smile at tinalikuran ko na siya.

Deja vu?

**

"What happened?" Bungad sa akin ni Tom nang madatnan niya ako sa loob nang suite ko, dumaan siya dun sa may terrace. I left it open in case na pumasok siya.

Hindi ako umimik at pinagpatuloy ko lang ang titig ko sa may kisame, umupo naman siya sa may dulo nang kama at hinilot ang mga paa ko na magang maga dahil sa killer heels na suot ko kagabi, "Alam ko na, siguro ay hindi naging maayos ang pag uusap niyo? Grabe, nagpasapak lang ako para sa wala." Reklamo niya sa kawalan, sinipa ko siya sa sikmura- parehas kaming napadain dahil sa sakit.

"Kung pagseselosin pala natin siya, bakit pa kailangan kong mag disguise as first class prostitute?" I blurted out of nowhere, naging tanong ko na 'yan sa sarili ko mula pa kaninang umaga- hindi ko nga ginalaw ang tanghalian na pina room service ko kanina dahil nawalan ako nang gana.

Nagkibit balikat siya, "Wala lang, bonus niya lang iyon. Para at least nakita niya nang naka bunny costume ka." Sabi niya sabay halakhak, napabangon ako sa pagkakahiga at sinabunutan ang kulot niyang buhok.

"For once, be serious!" Asik ko sa kanya, he's being a jerk again and it really annoys the hell out of me.

Natahimik naman siya, binitawan niya ang kaliwang paa ko at tinigilan ang paghilot nito. Humiga siya sa tabi ko at tinitigan din ang kisame, "What I said is true, the purpose of that is for teasing him." Siniko ko siya, napa igtad siya sa sakit.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now