END OF PART 2

929 45 44
                                    

EPILOGUE - AFTERWORD

Happiness, you see, its just an illusion of Fate, a heavenly sleight of hand designed to make you believe in fairy tales. But there's no happily ever after. You'll only find happy endings in books. Some books.

But, there is no real ending. It's just the place where you stop the story.

And, will I tell you if we had lived happily ever after? We did not, but there is happiness and we did live.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Darius sa kanang kamay ko as we march through the aisle of happiness.

"Don't you really want us to get married?" I heard him say, we have been together for 7 years. Pitong taon na rin kaming naglolokohan. Hahaha. But I must say, everyday with him is still magical like the very first time we met. Those years flashed like a dream.

I smiled back at him, "Pinag usapan na natin 'to eh. I told you, ikakasal lang tayo kapag natanggap na ako nang mom mo. Kahit abutin pa nang ilang dekada ang paghihintay natin sa basbas ng mommy mo." Malamunay kong sambit, sabay kaming pumasok sa loob nang isang magarang simbahan, luma na ito pero makikita mo pa rin ang mga mamahaling muwebles na sa tingin ko ay antigo na.

Ngumuso si Darius, "Do we really have to? I want us to get married." Mahinang deklara niya pero hindi ko na lang siya pinansin dahil magtatalo lang kami. He never won against me, tho.

Umiling na lang ako at pinagmasdan ko ang mga batang nagtatakbuhan sa loob nang simbahan, muntik pang madapa ang isa kaya hindi ko na naman maiwasan ang mainis, "Daniel! Kade! Jaden! Stop running around!" Mariin kong sinabi, kumalas ako sa pagkakahawak ni Darius at nilapitan ang triplets kong tumatakbo na palayo sa akin.

Ngumiwi ako at humingi na nang tulong kay Darius, "Paupuin mo nga mga anak mo." Iritadong sabi ko, ayaw niya kasing kinukurot ko 'yung mga bata eh kaya siya ang pinapa saway ko sa mga anak niya. Tss.

Ngumiti lang siya at lumapit sa akin, he wrapped his arms around my waist, "Mainit na naman ulo mo. Just let them play 'til they drop. They are just six." Lambing niya sa akin.

Napairap ako at tinulak siya palayo, "Let them play 'til they drop?" Eksaherado kong sambit at napahawak sa noo ko, "Today is your best friend's wedding! And anytime soon, magsisimula na iyon." Kung pwede lang si Darius na lang ang gulpihin ko sa sobra kong inis ay ginawa ko na.

Nagkibit balikat si Darius, "Kaizer loves my kids, he won't get mad." Nakangiti pang sabi nito at umupo.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilang kurutin ang tagiliran niya, napangiwi naman siya sa sobrang sakit. "He won't, but I will!" Nagmartsa ako palayo at isa isang tinungo ang makukulit na batang nagkakalat sa simbahan.

"Dani, I told you to behave. You're the oldest! Dapat ay sinasaway mo ang mga kapatid mo." Sermon ko sa kanya nang makalapit ako, hinawakan ko ang kamay niya at sabay naming tinungo ang dalawa pa niyang kapatid na naglalaro ng takbuhan.

Nakasimangot si Dani, "It's not that I'm old enough to scold at them? I'm just 10 minutes older! Kade and Jaden will never listen to me!" Sagot nito sa akin, ugh! Kanino ba nagmana ang batang 'to?

"But still!" Naiirita kong sabi. Piningot ko ang tainga ni Jaden nang maabutan siya, "Behave yourself." Sermon ko, agad na nangilid ang luha nito dahil hindi sila sanay na sinasaktan ko sila.

"Grabe, pati bata sinasaktan mo." Napairap ako nang marinig ko ang boses ni Tom. Why is he here? Akala ko in bad terms sila ni Kai?

Ngumuso ako at nilingon siya, karga karga na niya si Kade. "Eh kung ikaw kaya ang mag alaga sa mga 'yan? Ewan ko na lang kung 'di masira ulo mo." I rolled my eyes, kinuha ko mula sa bulsa ko ang Kamen Raider na towel ni Jaden at ipinunas iyon sa mukha niya. "Hush now." Pagtahan ko.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now