UPDATE E

1.2K 56 10
                                    

UPDATE (E)

"Good morning, man!" Masayang bati ni Kaizer, kararating niya lamang sa kanilang locker room, alas sinco pa lamang nang madaling araw. May training kasi sila tuwing umaga, bago sila pumasok sa klase.

"Mornin'," malamyang sagot ni Darius na nakatulala sa harap ng gym bag niya na para bang wala sa sarili.

Kumunot ang noo ni Kaizer at napatingin sa iba niyang ka-team mate, nagkibit balikat lang ang mga ito at bumalik sa pag-aayos para sa training mamaya maya lang, "Hey, what's wrong?" Nakakunot pa rin ang noo ni Kai at umupo sa tabi ni Darius.

Umiling si Darius at napansin ni Kaizer ang pag igting ng panga nito, napa ismid na lamang si Kai at pinabayaan ang tulalang kaibigan. He's late na kasi at kailangan niya pang ayusin ang sarili niya, "Whatever, dude. Pull yourself together, you want to get scolded by the manager, eh?" Iling iling na sambit niya habang isa-isang nilagay sa kanyang locker ang mga gamit niya.

"I saw her," Darius uttered out of the blue, hindi niya maintindihan ang sinasabi nito kaya agad niya itong nilingon.

"What?" Kaizer wanted to be sure that he heard him right, ito ang pinakaunang beses na narinig niyang nagkuwento ito tungkol sa babae. Although, nagku-kuwentuhan naman sila how hot a girl is, pero siya lagi ang nagpapasimuno sa gan'ung usapan.

Napatingin si Darius sa kaniya, poker face pa rin ito at walang mababasang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha, "I got to spend time with her," napapikit ng mariin si Darius, si Kaizer naman ay laglag ang pangang nakatingin sa kanya.

Ilang segundong natigilan si Kaizer, hindi rin naman nagtagal iyon at napalitan ng pangungunot ng noo, "You got to spend time with who?" Napatigil pa ito sa paglalagay ng benda sa paa niya.

Ngumuso si Darius na sinabayan ng pagbuntong hininga, "With the sta-" hindi niya na natapos ang mga sasabihin niya ng marinig nila ang sigaw ng trainor nila sa labas.

"Damn it!" Napamura si Darius sa kawalan dahil hindi pa siya nakakapag-ayos.

Nagsitakbuhan na palabas ang mga ka-team mates niya, siya naman ay nagsisintas pa ng Jordan niyang sapatos, "Ppali!" Napalingon siya sa ka-team mate niyang koreanong si Jae Hyo, "The coach is getting mad, as well as the captain." Sabi nito at agad na lumabas.

Siya naman ay napatikhim na lang at agad na inayos ang mga benda nya sa paa, pagkatapos ang ilang minuto ay agad na din siyang sumunod sa labas para mag training. At dahil late siya ay pinatakbo siya ng 20 laps sa buong quadrangle bago pinasali sa morning training nila.

🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉 🎂 🎉

"Happy birthday!" Natatawang bati ni Chase kay Kaizer na nakasuot pa ng party hat, iron man pa ang design nito.

Inirapan lang siya nito at kasabay niyon ang paglagok ng Jack Daniels, "Hey, hey! Easy, the party is just about to start!" Saway sa kaniya ni Chase, si Darius naman ay tulala pa rin sa harap ng kanyang gym bag.

Anim na araw na mula noong natapos ang survey niya sa may Brgy. Maligaya, hindi pa rin siya mapakali sa tanong na bumabagabag sa kaniya hanggang ngayon. Nagdaan na nga ang kanyang kaarawan ng hindi man lang niya maramdamang ikalawampung taon niya na. Ngayon naman ay kaarawan ng isa sa mga best friends niya ay 'di niya pa rin ramdam na nagse-celebrate sila.

"What's wrong?"

Napaangat siya ng tingin ng maramdaman niya ang mahinang tapik sa balikat niya, ang manager nilang si Alice iyon. Umiling siya at ngumiti rito, umupo naman ito sa kaniyang tabi. "Nah, not feeling well. I guess?" Kibit balikat na sagot niya at ibinalik muli ang tingin sa baso niya.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon