UPDATE X

711 42 40
                                    

UPDATE (X)

Nang makapasok si Venice sa kwarto niya ay agad niyang idinial ang number ni Chase (dahil 'yun lang naman ang alam niyang phone number bukod sa phone number ni Darius, hindi niya naman matatawagan si Darius kasi wala itong dalang phone), naisip niya na kailangang malaman ni Darius ang pagpunta ni Sabrina sa condo unit niya. Alam niyang walang magandang maidudulot ang pagpunta nito rito.

Nakatatlong tawag siya bago tuluyan itong sinagot ni Chase, baka nakulitan na sa kaniya kaya sinagot, "What is it now, V?" May halong iritasyon sa boses nito, "I have no time to talk about us." Dugtong pa nito.

Napapikit na lang nang mariin si Venice para hindi siya mainis at pagbabaan ng telepono si Chase, "I don't care about us." Kalmado niyang sinabi pero mariin niyang ipinarating iyon.

Narinig niya ang pag ismid nito sa kabilang linya, truth to be told that people change as the time goes by. "Then, why are bothering yourself calling me at this hour? Don't you know that I'm busy?" Hindi pa rin naalis ang pagka irita nito sa kanyang tono.

Gusto nang ibato ni Venice ang phone niya sa sobrang pagkairita, kundi lang talaga kailangang tumawag ay hindi niya gagawin iyon. "Bakit mo ba laging iniisip na tungkol sa ating dalawa ang pag uusapan natin tuwing tatawag ako? Hindi ba't ikaw ang naghabol sa akin noon?" Hindi niya na naiwasan ang panunumbat.

Narinig niya ang mumunting mura ni Chase sa kabilang linya, "No, I did not!" Agad na depensa nito.

Napabuga na lang ng hangin si Venice at nilamon ang pride para ipagpatuloy ang usapan, "Seriously, Chase? Grow up! Tumawag lang ako sa'yo ngayon para ipaalam mo kay D.O na sumugod dito ang fiancee niya!" Singhal niya kay Chase at agad na ini end ang call.

Napasalampak siya sa malaki niyang kama at tinitigan ang puting kisame. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siyang makipag usap kay Chase, kailangan niya lang sigurong itulog iyong inis niya para mawala agad pagkagising niya.

Malapit na sana siyang makatulog nang bigla siyang makarinig na ingay sa ibaba ng unit niya. Dinapuan siya ng kaba sa kanyang dibdib kaya agad siyang bumangon para tignan kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa.

Nang sumilip si Venice para icheck kung ano na ang nangyari sa dalawa, kay Jade at Sabrina ay ikinagulat niya ang nakita.

Nagpanic siya agad nang makita niyang pinagsasampal na ni Sabrina si Jade, dinaganan pa nito si Jade at sinakal. Halos madapa na siya pababa nang hagdan ng masaksihan iyon, namumula na rin kasi ang mukha ni Jade at hindi na makahinga.

"Sabrina!" Sigaw niya at pilit na pinaghihiwalay ang dalawa, hinila ni Sabrina ang buhok niya kaya siya napangiwi sa sobrang sakit. Si Jade naman ay naghahabol nang hininga at napaubo.

Marahas na hinila ni Sabrina ang buhok ni Venice, "Pare pareho lang kayong magkaibigan, mga impakta!" Singhal niya, hindi pa rin makahinga ng maayos si Jade mula sa pagkakasakal sa kanya ni Sabrina.

Hinawakan ni Venice ang kamay nitong sumasabunot sa kaniyang buhok at mahigpit na ibinaon ang mahahaba niyang kuko sa braso nito, hindi niya na inintindi na kakapa nail art niya lang kahapon.

Sa sobrang hapdi nang pagbaon ng kuko ni Venice sa braso ni Sabrina ay napabitaw ito sa pagsabunot sa kanya, sinamantala iyon ni Venice at tinulak si Sabrina na siyang dahilan sa pagkakasubsob nito sa sahig.

"What's going on?" Nakakunot ang noo ni Darius nang maabutan niyang estado ng tatlo.

Ika ikang tumayo si Sabrina at kumapit kay Darius, "Pinagtulungan nila akong dalawa." Pagsusumbong nito habang tinuturo pa ang dalawa, si Venice at Jade.

Napairap na lang si Venice, inayos niya saglit ang magulo niyang buhok at tinulungang tumayo si Jade na kasalukuyang nakahawak sa leeg nito. "Alam mo D.O, wala akong ie explain sa'yo sa nangyari ngayon dito." Masungit na sambit ni Venice, si Jade naman ay nakatingin lang sa magiging reaksyon ni Darius. Hindi siya magsusumbong o kahit ano, gusto niya lang malaman kung ano ang nasa isip nito tungkol sa nangyaring pag aaway.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon