UPDATE G

1K 46 7
                                    

UPDATE (G)

Umiikot na ang paningin ko pero natatawa pa rin ako sa mga pinaggagawa ni Venice sa harapan ko, she's dancing like a gigolo and to make things worst, she doesn't really know how to dance. "Jadeeee!" Tawag niya sa akin, kanina niya pa ako inaayang sumayaw pero kanina ko pa siya tinatanggihan. Lahat na kasi nang cocktail drinks na nandito ay tinikman ko na, I'm too drunk to dance.

Umiling ako, naramdaman kong may nakabara sa ilong ko kaya alam niyo na kung ano ang ginawa ko, gumiling si Venice sa harap ko kaya hindi ko napigilan ang pagtawa. "Ayoko nga eh," pagtanggi ko.

Knowing Venice for all these years, she is too persistent. Hinila niya ang kamay ko, wala na akong magawa sa kakulitan niya kaya hinayaan ko na lang siya. "Dance!" Utos niya sa akin, remix nang kanta ni Ariana Grande at Nicki Minaj ang tumutugtog. I don't really know how to dance, pero alam kong hindi ako tatantanan ni Venice kaya naisipan kong magtwerk. 'Yun lang ang alam ko eh.

Napalitan nang booty music ang tugtog kaya mas lalo akong ginanahang magtwerk, "Twerk! Twerk! Twerk! Twerk! Twerk!"

Rinig ko ang cheer nang mga tao sa paligid, as well as the DJ since he is the one holding the mic.

Hindi pa ako natatapos sa pagtu-twerk ay may humila na sa akin, my eyes are getting dizzier and dizzier. Hindi ko na nabilang kung ilang shots na ang nainom ko kanina, and I don't fcking care anymore.

"Hey!" Narinig ko ang pag-angal nang mga audience ko kanina dahil sa intruder na ito, pilit ko siyang tinititigan kaso ang labo na talaga nang paningin ko, maybe because I'm quite drunk.

"I'm taking you home." The voice is quite familiar, hindi ko na maalala kung sino dahil sa kung anu-anong pumapasok sa loob nang utak ko. God, I will never drink that bloodymary again. (Iyon kasi ang huli niyang ininom, probably, yun ang sinisisi niya kung bakit siya ganito kahilo ngayon.)

"Oh, hey, why?" Rinig ko ang boses ni Venice, nakikipag-argue pa ata siya dito sa nakahawak sa braso ko.

Tumikhim 'yung lalaking nakahawak sa akin, "Just give me her goddamn address." Mariing sabi nito, naramdaman ko naman ang paghigpit nang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Ouch!" Daing ko, napasandal ako sa lalaking nakahawak sa braso ko dahil nawalan ako ng balanse.

Tumawa si Venice, "Alright, hatid hatid ka pa 'di mo naman pala alam ang bahay niya." Hindi ko na makita ng maayos ang mukha niya, o kung anuman ang ginagawa niya. "Here, take her there."

Inaantok na ako, before I even know it. Everything went blank.

"What? No!" Agad na tanggi ni D.O sa paratang ni Sabrina na si Jade ang girlfriend niya.

Tumingin ng masama sa kanya si Sabrina, may halo ang tingin na iyon nang hinanakit at inis, "Talaga, D.O? You don't really need to lie because I know better." Tumikhim ito at kinuha ang phone niya sa kaniyang bag.

"Sab..." hindi niya alam kung ano ang sasabihin, nagtatalo pa rin ang isipan niya kung gugustuhin ba niyang panindigan ang mga sinabi niya, o babawiin ang mga iyon at hayaang maging loser sa harap nang babaeng gusto niya.

Minsan nafu-frustrate na kasi siya, minsan pakiramdam niya ay gusto siya nito, madalas ay para siyang ginagawang basahan- kapag may kailangan lang ito saka siya kailangan.

Tinignan lang siya nito, makalipas ang ilang segundong titigan ay tuluyan nitong nilabas ang phone mula sa kanyang bag. Nagdial ng number at nilagay iyon sa kaliwa niyang tainga.

"Elvis," malumanay na sabi nito habang nakatingin sa mata ni D.O, na ngayon ay nagtiim bagang na.

D.O swallowed hard.

I will never let my guard down, ever again. He thought to himself.

Sabrina smirked, "Can you pick me up?" Malambing ang tono ng boses nito.

Napailing na lang si D.O, "You already called a chauffer?" Nakangising sabi nito, "I am thinking about giving you a ride, but..." tumikhim ito at tinitigan nang mabuti ang laglag panga na si Sabrina, "So yeah, see you later. I need to aid my girlfriend's pride." Mariin niyang sabi at agad na tumalikod.

Humakbang na siya palayo, leaving the dumbfounded Sabrina alone. Nakakailang hakbang pa lang siya ay hindi niya na mapigilan ang bigat nang dibdib dahil sa engkwentro nila ni Sabrina, bukod pa roon ang unexpected na pangyayari: Ang biglaang pagkakaroon niya nang girlfriend.

To make things even worst, your self-proclaimed girlfriend turned out to be your stalker! Sigaw nang alter ego niya.

Napahilamos na lang siya sa mukha niya at kumuha nang cruiser sa dala dalang tray ng waiter na nadaanan niya.

"Twerk! Twerk! Twerk! Twerk! Twerk!" The crows cheered.

Napatingin si D.O sa dance floor dahil sa napunta ang atensyon nya sa maingay na pagcheer ng mga tao sa party.

"Who's twerking?" Natatawang sabi niya sa katabi niyang nagsisimula ng hype.

Tumigil ito sa pagsigaw pero hindi natinag ang cheer nang mga tao, tinignan siya nito. "I really don't know, some random girl."

Tumango siya. Aalis na sana siya kaso nahagip niya mukha n'ung babaeng nagt-twerk. It was Jade. Kumunot ang noo niya, hindi siya makapaniwalang ginagawa ni Jade ang malaswang sayaw na iyon. Lahat nang lalaking pumapalibot sa kanya is drooling over her. He felt disgusted. It was a total turn off.

Itutuloy na sana niya ang pag-alis niya nang namataan niyang nakatingin pa rin pala si Sabrina sa mga kilos niya.

Napamura na lang siya sa sarili niya at bumalik sa loob nang event hall para kaladkarin paalis si Jade sa malaswang dance scenario na iyon.

Hindi niya talaga alam kung may maidudulot bang maganda ang mga nangyari ngayong gabi.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now