2| Chapter 8: Listen, Ellis

280 21 0
                                    

"KAEL," sabi ko at siniko ang katabi ko. Kanina pa siya tahimik mula nang dumating siya sa silid aralan. Hindi kami sabay na pumunta sa paaralan kasi sabi ni Tiya Melda umalis nang maaga si Kael patungong paaralan. Pero hindi ko naman siya nadatnan pagdating ko rito. Mas nauna pa nga ako nang dating kesa sa kanya.

Saglit niya akong sinulyapan bago niya ibinalik ang tingin sa binabasang libro. Nagbigay lang ng babasahin ang guro namin at iniwan na rin kami kasi may meeting daw sila.

"Kael, ayos ka lang ba?" Hindi ko na napigilang mangusisa.

Kapag ganitong tahimik at matamlay si Kael, tiyak na may dinaramdam siya o may problema siya. Pero hindi 'yan magsasabi sa 'kin. Mahilig kasi siyang sarilihin ang lahat. Ayaw niyang makaabala ng ibang tao.

"May nangyari ba, Kael? Tungkol ba ito sa pagkikita n'yo ng Papa mo kahapon? Alam mo namang pwede kang magsabi sa 'kin. Handa akong makinig," sabi ko nang hindi siya sumagot.

Handa akong makinig, iyan ang palagi kong paalala sa kanya. Gusto kong malaman niya na may kakampi siya, na may taong handang dumamay sa kanya, na pwede niya rin akong sandalan, tulad ng palagi kong pagsandal sa kanya.

Pero tulad ng inaasahan ko, pilit niya lang akong nginitian at ginulo ang buhok ko.

"Ayos lang ako, Ellis. 'Wag mo akong alalahanin."

Pero dahil kilalang-kilala ko siya, hindi ako naniwalang ayos lang siya. Pero tumango pa rin ako at ibinalik na ang tingin sa binabasa kong libro. Katulad ng parati kong ginagawa, maghihintay na lang ulit ako kung kailan handa na siyang magkwento. At nangyayari lang 'yon kapag maayos na talaga siya at nalutas na niya ang problema niya. Ganoon naman palagi ang nangyayari.

Sabay kaming nananghalian sa bahay namin. Mas maaliwalas na ang mukha ni Kael kumpara kanina. Marami siyang ikinwento tungkol sa mga napuntahan nilang lugar ng kanyang ama kahapon sa bayan. Pero mailap siya kapag tinatanong ko kung ano ang pinag-usapan nila. Hindi na lang ako nangusisa tungkol doon at nakinig na lang sa masigasig niyang pagkukwento.

"Nagkita rin pala kami ni Kuya Lexter kahapon, Ellis. Kinukumusta ka niya sa 'kin," biglang sabi ni Kael.

Agad akong napalingon sa kanya, namimilog ang mga mata. "Si Sir Lexter? Nasa labas siya ng Gilmoré Academy? Paano siya nakalabas?"

Napahawak sa baba niya si Kael. "Oo nga, 'no? Noong nakaraang araw rin, pumunta siya sa bahay dala ang sobre. Sinabi niya lang na ibigay ko raw 'yon sa 'yo pagkatapos naglaho na lang siya bigla. Tapos kahapon, pagpasok ko sa cr ng mall, nagulat na lang ako nang makita ko siya roon at tinanong ako tungkol sa 'yo." Binalingan niya ako ng naguguluhang tingin. "Alam mo ba ang nangyayari sa kanya, Ellis?"

"Hindi..." Umiling-iling ako. Palaisipan pa sa akin kung paano siya nakalabas ng academy at kung paano niya nagawang maglaho. Sa pagkakaalam ko, mind reading lang ang abilidad niya. O baka nagkakamali ako?

"Ano ba ang abilidad ni Sir Lexter, Kael?"

"Hmm, hindi ako sigurado, eh."

"Wala ka bang napansing kakaiba sa kanya kapag nagkikita kayo, Kael?"

Matagal siyang nag-isip. "Minsan ko na siyang nakitang mag-teleport tulad ng ginagawa mo. Nababasa at nagsasalita rin siya sa isipan ko. Isang beses nga noon, sigurado akong may ginawa siyang magic kasi napasunod niya akong buhatin ang bagahe niya kahit hindi ko naman gustong sundin siya kasi ang bigat-bigat no'n," salaysay niya at saglit siyang nag-isip. "Ah, meron pa! Kahapon lang, habang nasa cr kami, inihipan niya lang ang basa niyang kamay, natuyo agad ito! Tatanungin ko pa sana siya kung paano nangyari iyon pero naglaho na lang siya bigla."

Tahimik kong inunawa ang lahat ng narinig. Manipulation… Hangin… Ibig sabihin, isang Mind Controller at Wind Controller si Sir Lexter? Imposible!

She is the Light (BOOK 1-3)Where stories live. Discover now