1| Chapter 21: La Oscuridad

1.4K 56 0
                                    

"GOOD morning, Class. I have an announcement to make."

Lunes ng umaga, nasa loob na kami ng classroom. Nasa harapan ang guro naming si Sir Lexter at ang sabi niya ay may ia-announce raw siya. Natahimik naman ang kaninang maingay na mga kaklase ko at nakinig sa kaniya.

"Class, it's already a month after this school year had started. At ang ibig sabihin nu’n ay nalalapit na ang First Leveling. You still have a week to prepare for the Leveling if you wish to change your current ranks," sabi niya.

Napuno ng hiyawan ang buong silid sa tuwa at sabik para sa First Leveling. Ngunit nanatili akong tahimik lang na nakaupo sa upuan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako para sa araw na iyon.

"But, of course, you also need to prepare for the minor subjects exams. We scheduled it a week after the First Leveling. Exciting, isn't it?" nakangiting wika ni Sir. Biglang napuno ng reklamo ang silid.

Napangisi naman ako nang lumingon siya sa gawi ko. Ang galing talagang mang-inis ni Sir Lexter.

'Well, I'm a Dewey. Anyways, go to my office later. I have a letter for you,' aniya sa isip ko.

Hindi ko napigilan ang mga ngiti ko. Ibig sabihin ay may sulat ako galing kina Kael at Nanay. Nasasabik na akong mabasa iyon!

"Settle down, class. So let's move on to our class for today. I will just leave an article and you must write a reflection for this. I will be collecting it tomorrow and be sure that you write it seriously if you don't want to be embarrassed tomorrow if I call your name to read your work here in front. Got it, class?"

"Yes, Sir!" sabay-sabay naming sagot. Ang iba ay masaya kasi wala na kaming pasok pero ang iba naman ay namomroblema para sa ipapasa bukas.

Tinawag ng guro namin ang Class President na si Tim Sebastian. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya. Nakaupo siya sa harapan kaya madali siyang nakapunta sa aming guro. Ibinigay ng guro sa kaniya ang mga papel. Sa tingin ko, roon nakasulat ang article na ipapasa namin.

Inisa-isa niya itong ibinigay sa aming lahat. Matapos noon ay bumalik na siya sa upuan niya at si Sir Lexter naman ang tumayo.

"Any question? None? Okay. We have an emergency meeting right now, so you are dismissed early for today."

Isa-isa nang nagsilabasan ang mga kaklase ko nang makalabas na si Sir Lexter.

"Girls, maaga pa naman. Tara sa library? Gawin na natin ito agad para matapos na," sabi ni Taylor. Sumang-ayon naman ang lahat.

Kaagad na kaming lumabas ng silid at nagtungo sa library. Katabi lang ito ng gusaling pinagmulan namin kaya hindi ganoon kalayo ang nilakad namin at mabilis kaming nakarating sa library.

Nang makapasok kami sa loob, hindi ko napigilan ang sariling mamangha nang inilibot ko ang paningin sa buong library. Ang daming libro. Punong-puno ito ng mga aklat. Pabilog ang library ng academy at dalawa ang palapag nito. Pero sa halip na ang kisame ng unang palapag ang makita ko, ang mataas na kisame na may magarang chandelier na napapalibutan ng maliliit na mga ilaw ang nakita ko. Napakaganda nitong tingnan.

May malaking espasyo sa gitna habang napapalibutan ng mga aklat ang dingding nito. May hagdan rin sa magkabilaan patungo sa ikalawang palapag na puro lang mga libro.

Naghanap na kaagad kami ng magandang pwesto. Doon kami umupo sa may gilid malapit sa isang malaking diksyonaryo na nakabukas.

Habang nakaupo ako roon ay hindi ko mapigilan ang sariling mapatingin ulit sa paligid. Ang ganda talaga. Ilang linggo na ako rito pero ngayon lang ako nakapasok sa library ng academy. Ibang-iba ito sa library namin sa baryo. Maliit lang kasi ang library roon at ang kaunti lang ang mga libro. Pero dito, nakakagulat sa dami.

She is the Light (BOOK 1-3)Where stories live. Discover now