1| Epilogue

2K 56 6
                                    

NAGLALAKAD ako sa maputik na daan. Umaambon na pero hindi ko iyon pinansin. Sanay na ako sa ganitong eksena rito sa baryo namin. Imbes na magmadali habang hindi pa lumalakas ang ulan, mahinahon lang akong naglalakad habang sinasalo ang bawat butil ng ulan sa ulo ko.

"Ellis! Bilisan mo naman! Lumalakas na ang ulan, o!" sigaw ng isang lalaki na nasa harapan ko. Ilang metro lang ang layo niya sa akin kaya malinaw na malinaw sa paningin ko kung paano kumunot ang noo niya habang sinisigawan ako.

Hindi ko napigilan ang tawa ko dahil sa itsura niya. Tumakbo ako palapit sa kaniya at pabirong sinuntok ang braso niya.

“‘Wag mo nga akong pagtawanan. Nag-aalala na nga 'yong tao, eh!" singhal niya sa akin.

Mas lalong lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi niya. Bakit asar na asar sa akin 'to? Napailing na lang ako.

"Kael, sanay na sanay na ako sa ganito. Hindi na naman bago na umuulan dito, ah. Halika na nga. Ang dami mo pang dada, eh."

Napanguso naman ang kasama ko kaya natawa akong muli. Na-miss ko 'to.

Imbes na bilisan namin ang paglalakad ay ninamnam na lang namin ang sandaling iyon. Inakbayan niya ako kaya inakbayan ko rin siya. Kaso dahil nga mas matangkad siya sa akin, nahihirapan akong abutin ang balikat niya. Ipinulupot ko na lang ang kamay ko sa baywang niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Nang malapit na kami sa bahay, natanaw ko sa bintana namin ang isang lalaki.

Ha? May bisita ba si Nanay?

"Kael, may bisita yata si Nanay. Kilala mo ba iyon?" tanong ko sabay turo sa lalaking nakatalikod sa amin.

Napakamot naman si Kael sa ulo niya habang pinagmamasdang mabuti ang lalaki.

"Paano ko makikilala, eh, nakatalikod nga. Puntahan na lang natin," sagot niya at hinila na ako papunta sa bahay.

"Nay! May bisita ka?"

May ilang hakbang pa kami bago makapasok sa bahay ay sumigaw na si Kael. Nakurot ko bigla ang tagiliran niya dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Pinanlakihan ko rin siya ng mga mata dahil nakakahiya ang ginawa niyang iyon sa bisita.

"O, Ellis, Kael. Nariyan na pala kayo. Pumasok na kayo at may bisita tayo. Kararating lang din niya," nakangiting paanyaya ni Nanay.

Pumasok na rin kami sa loob. Sandali kong tinapunan ng tingin ang lalaking nakaupo sa upuan naming kawayan saka ibinaling ang tingin kay Nanay. Pero nabigla ako sa nakita ko kaya kaagad kong ibinalik sa lalaki ang tingin ko.

"Perce?" bulalas ko.

Siya nga. Si Perce nga!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Nagulat yata siya. Napakamot siya sa batok niya at mahinang natawa. Humiwalay na agad ako sa yakap at tinitigan siya. Hindi pa rin siya nagbabago. Napangiti na lang ako.

"Kumusta ka na?" nakangiti kong tanong.

Narinig ko namang tumikhim si Kael kaya napalingon ako sa kaniya. Saka ko lang naalala na hindi pa nga pala nila kilala ang aming bisita.

"Nay, Kael, si Perce po. Kaibigan ko."

Inabot niya ang kamay niya kay Kael na malugod nitong tinanggap ng huli. Pagkatapos ay lumapit siya kay Nanay at nagmano. Magalang naman pala itong si Perce, eh.

"Magandang araw po," wika niya.

"Magandang araw rin sa ‘yo, hijo. Sandali at baka napano na ang niluluto ko roon sa kusina. Maiwan ko na muna kayo," nakangiting wika ng aking ina. Tumango naman kami at umalis na si Nanay.

"Ikaw pala si Perce? Ang guardian ni Ellis?" sabi ni Kael.

Nagkatinginan kami ni Perce dahil sa sinabi niya. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil doon. Mapilit kasi si Kael. Sabi niya ay ikuwento ko raw sa kaniya ang mga nangyari sa akin sa Gilmoré Academy at nasama ko roon ang pagiging guardian ni Perce sa akin.

She is the Light (BOOK 1-3)Where stories live. Discover now