2| Chapter 7: Truth Unfold

289 22 0
                                    

"ANONG gusto mong malaman tungkol sa amin?"

Umayos ako nang upo at maigi kong tinitigan si Bryan Wale. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mabasa ang isipan niya. Kung tama ang pagkakaalala ko noong binasa ko ang file niya bilang Security Personnel ng Gilmoré Academy, Time Controller lang ang nakasulat na abilidad niya sa papel. Kaya paanong hindi ko mabasa ang isipan niya? Bakit sirado ito?

"Bakit hindi ko mabasa ang isipan mo, Bryan Wale?"

Nang makita ko siyang duguan sa kakahuyan, ang una kong ginawa ay basahin ang isipan niya. Gusto kong malaman kung paano siya napadpad sa kakahuyan ng baryo namin. Gusto kong malaman kung bakit siya sugatan. Pero kahit anong pilit kong basahin ang isipan niya, hindi ako nagtatagumpay.

Nakasirado ang isipan niya. Ni walang umaalpas kahit katiting na daloy ng mga iniisip niya. Nakapagtataka iyon dahil mga element controller lang ang nakagagawa no'n at mind controller lang ang likas na sirado ang isipan. At hindi siya isa sa mga iyon.

O mali na naman ako?

"Dahil dito," sagot niya at yumuko. Tinuro niya ang tuktok ng batok niya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya para makita nang malinaw ang tinuturo niya. Mayroong itim na bilog na kasing liit ng sentimo na nakaguhit sa batok niya.

"Ano 'yan?" kuryos kong tanong.

"Ang markang ito ay para takpan ang isipan ng mga kasaping marami nang nalalaman tungkol sa La Oscuridad. Isa ito sa mga marka kapag ginagamitan kami ng spell ng isang Black Magic User," paliwanag niya.

"At isa ka sa kanila..."

Nabuhayan ako ng loob. Maraming alam si Bryan Wale! Malalaman ko na ang sagot sa mga tanong ko!

Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Pero..."

"Pero ano?" tanong ko nang huminto siya sa pagsasalita. Parang nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba niya ang sinasabi niya o hindi. "Pero ano?" ulit ko, pigil ang hininga.

Bumuntong-hininga siya. "Pero binura ng Black Magic User ang kaalamang iyon sa isipan ko kapalit ng kalayaan ko."

Bagsak ang balikat na napaupo ako sa upuan, hindi makapaniwalang tinitigan ang lalaki.

"Kalayaan? Bakit? Nakulong ka ba ulit? Akala ko ba isang buwan lang ang pagkakakulong mo sa Diabolos Cavus? Bakit kailangang burahin ng kung sinumang magic user ang alaala mo? At bakit ka niya tinulungang makalaya?"

"Miss," itinaas niya ang mga kamay niya, sinenyasan akong tumigil muna, "hindi ko masasagot ang lahat ng mga tanong mo—"

Sa isang pitik ng daliri ko, kaharap na ng mukha ni Bryan Wale ang maliit na bola ng enerhiya. Ayaw ko mang gumamit ng dahas para mapasagot siya, pero kahit hindi ko nababasa ang isipan niya, klarong-klaro sa mukha niya na wala siyang balak sagutin ang mga katanungan ko tungkol sa kanya.

"Ano 'to, Miss? Tinatakot mo na ba ako ngayon?" nakangising tanong niya, hindi man lang nabahala.

Hindi ako nagsalita at pinagmasdan lang ang pagkunot ng noo niya sa pagtataka.

"Sandali. Paano ka nakalabas ng Gilmoré Academy, Miss? Hindi basta-basta nakakapasok at nakakalabas ang sinuman doon, ah! Makakalabas ka lang 'pag graduate ka na o nakagawa ka ng napakabigat na kasalanan pero ise-seal naman ang abilidad mo. Ang bata mo pa at may abilidad ka pa rin... Paano ka nakalabas ng academy?"

Hindi ko napigilang pagtaasan siya ng kilay. Hindi ba niya alam? Isa siya sa mga tauhan ng Director na inutusan nitong hanapin ako, ang bagong estudyanteng nagpahina ng spell na nagpoprotekta sa buong academy. Imposible namang pinabura o minodefy ng Director ang alaala ko bilang Light Controller sa isipan ng mga tauhan nito kaya hindi niya alam ang nangyari.

She is the Light (BOOK 1-3)Where stories live. Discover now