1| Chapter 11: New Presence

2.2K 68 0
                                    

NAKASUNOD lang ako sa kanya habang naglalakad kami papuntang clinic. Walang nagsalita sa amin at ayaw ko ring sirain ang katahimikan kaya mas minabuti kong manahimik na lang. Madilim ang paligid at tanging ang liwanag lang ng buwan ang nasisilbi naming ilaw. May iilan din kaming nakakasalubong na mga estudyante na patungo sa cafeteria. Malamang dahil oras na ng pagkain.

Nakatingin lang ako sa likod niya. Tres Cole. Hindi ko maiwasang isipin ang pagkamisteryoso niya. Hindi lingid sa kaalaman ko na marami ang humahanga at natatakot sa kaniya. Sa tindig niya pa lang kasi, masasabi mo na kaagad na malakas siya at dahil na rin siguro sa presensya niya, mararamdaman mo na makapangyarihan siya.

Sa kanilang lima na mula sa Class A, siya ang pinakamalakas. Kaya naman ay ginagalang siya ng mga estudyante rito at maging ang mga guro. Isang araw nga noong nag-eensayo kami mga alas kwatro na ng hapon ay may pumasok na mga estudyante mula sa kabilang section. Bali sila ang ikatlong section at kasama nila ang guro nila noong pumasok sila sa training hall. Kami na lang dalawa ang naiwan doon na nag-eensayo dahil tapos na ang mga kaklase ko pati na ang ibang Class A.

Huminto kami sa pag-eensayo noong pumasok sila. Nagtataka sila kung bakit nandoon pa kami samantalang kanina pa dapat tapos ang oras ng pag-eensayo na nakalaan sa amin. Noong nakita ng guro si Tres, imbes na pagsabihan kami at paalisin ay pumayag siya na mag-ensayo kami kasabay sila. Ang kanang bahagi ng hall ang ginamit namin at sa kaliwa naman sa kanila. Pero hindi rin lingid sa kaalaman ko na marami ang nakatingin sa amin, o kay Tres lang siguro noong mga panahong iyon.

Nabunggo ako sa likod niya nang hindi ko nalamayang tumigil pala siya sa paglalakad. Kaagad siyang humarap sa akin kaya napayuko ako sa hiya.

Ano ba, Ellis. Umayos ka nga! mariin kong bulong sa sarili ko.

Katahimikan ulit ang bumalot sa amin at ramdam kong nakatitig siya sa akin. Pero nanatili akong nakayuko. Palihim kong sinilip kung nasaan na kami at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nasa harapan na kami ng clinic. May pagkakataon na akong makaalis sa kahihiyang ito kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Ahm, nandito na pala tayo. Maiwan na kita. Maraming salamat." Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin at muling napayuko. Hindi pa rin humuhupa ang hiyang nararamdaman ko. Hindi siya umimik at tahimik lang na tinititigan ako.

Ayan na naman ang mga mata niya.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng Clinic nang maunahan niya ako at siya na mismo ang nagbukas nito. Nagpasalamat na lang ulit ako at pumasok na sa loob ng gusali. Nagtataka man ako sa mga kinikilos niya ay hindi ko na lang iyon pinuna. Baka binabagabag lang siya ng konsensiya niya dahil sa nangyaring pagpapahirap niya sa ‘kin kanina sa training.

Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko si Miss Shin na nagliligpit ng mga gamit niya. Nginitian niya ako at kinamusta. Sumagot ako nang maayos na ang pakiramdam ko at tinanong ko na rin siya kung nakita niya ba ang bag ko. Tinuro niya naman kung saan niya iyon inilagay. Kinuha ko iyon at nagpasalamat. Nagpaalam na rin ako pagkatapos.

Paglabas ko ay muli akong nagulat nang madatnan ko si Tres na nakatayo sa labas. Nagtataka ko siyang tinignan. Bakit nandito pa siya? Akala ko ay umalis na siya. Pero ano nga ba ang sadya niya rito sa Clinic?

Umiling na lang ako at nagsimula nang maglakad paalis. Ngunit sumabay siya sa akin sa paglalakad. Tatanungin ko sana siya kung may kailangan ba siya sa akin pero napatahimik ako nang mapansin kong panay ang paglinga-linga niya sa paligid at parang may hinahanap. Ilang minuto rin siyang ganoon hanggang sa madaanan namin ang kakahuyan. Malayo-layo ito sa amin pero tanaw pa rin sa daanang tinatahak namin ang kakahuyan. Nang hindi ako makatiis ay huminto ako sa paglalakad. Napahinto rin siya.

She is the Light (BOOK 1-3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant