2| Chapter 16: Old Friend

166 11 0
                                    

"KUMUSTA ka na, Demi?"

Pinaglalaruan ni Demi ang mga daliri niya habang iniiwas ang tingin sa akin. Naiilang siya. Iyon din naman ang nararamdaman ko dahil ito ang unang beses na muli ko siyang nakita matapos ang nangyari noon. At biglaan pa ang pagpunta ko rito kaya malamang hindi niya rin ito inaasahan at napaghandaan.  

Matagal bago siya nagsalita. Kung saan-saan niya ibinabaling ang paningin, at naiintindihan ko ang dahilan ng mga kilos niya. Siguro nga, hindi lang ako ang hindi pa nakakalimot. Maging siya.

Hanggang sa bumuntong-hininga siya at matapang na humarap sa akin. Hindi ko na napigilan ang pagkurba ng mga labi ko. Kahit nanunubig ang mga mata niya, masaya akong makaharap ang dating Demi na kaibigan ko. Ang Demi na walang pag-aalinlangan. Ang Demi na matapang.

"Ellis... Totoo bang napatawad mo na ako?"

Matagal ko siyang tinitigan bago marahang tumango.

Nang magpadala ng sulat sina Cheska at Taylor sa akin ilang linggo matapos kong makabalik sa baryo, sinagot ko ang pangungumusta nila sa akin at nabanggit ko sa sulat na napatawad ko na si Demi.

"Naiintindihan ko naman ang ginawa mo, Demi. Siguro kung ako rin ang nasa sitwasyon mo, iyon din ang gagawin ko. Pero…" maliit ko siyang nginitian, "gagawin ko 'yon sa paraang wala akong ibang taong masasaktan. Kasi ang ganoong klaseng mga sugat, napakahirap kalimutan, Demi."

Napayuko siya nang tumulo ang luha niya. Naririnig ko rin ang mga hikbi niya habang paulit-ulit na sinasabing, "I'm sorry."

Iniwas ko na lang ang tingin ko at hinintay siyang mahimasmasan. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa pagtawag kay Perce sa isipan ko habang pinakikiramdaman ang buong paligid. Hindi ko alam kong ano na ang nangyayari sa library pero nararamdaman ko ang maraming presensyang nakakalat sa buong academy. Pero nakakapagtakang napakatahimik pa rin ng paligid.

Kumusta na kaya si Perce? Ligtas kaya siya? Ano na kaya ang nangyayari roon?

"Ellis, ba't 'di mo isinumbong si Dad sa Triad of Justice?" Nabalik kay Demi ang atensyon ko nang magsalita siya. Tumatakas pa ang ilang hikbi sa lalamunan niya pero mas kalmado na siya ngayon. "Matapos ng lahat ng ginawa niya sa 'yo... Napatawad mo na rin ba siya?"

Napatahimik ako dahil sa naging mga tanong ni Demi. Iyon rin ang tanong sa akin ni Tres noon.

"Director Hebert might be powerful but he also had his weakness, Ellis. You can use that against him," sabi pa ni Tres.

Pero tulad ng palagi kong sagot, "Ayokong ipagkait sa ‘yo ang isang bagay na wala ako, Demi. Lahat naman tayo, pangarap na mabuo ang pamilya natin, 'di ba? At ayoko lang na may mawalan pa ng ama nang dahil sa akin." Nagpakawala ako nang malalim na hininga. "Nauunawaan ko naman ang ginawa ng Director pero siguro, kailangan ko pa ng panahon para mapatawad siya." Lalong-lalo na ngayon na alam ko na ang masamang gawain ng iyong ama bilang kasapi ng La Oscuridad.

Nakita kong tumango-tango si Demi. "I understand, Ellis," sabi niya at humarap sa akin. "Pero salamat. Sa kabila ng pag-betray ko sa 'yo, pinatawad mo pa rin ako. Can I hug you, Ellis? I missed you and I was so sorry."

Hindi pa man ako nakakasagot, lumapit na si Demi sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Imbes na magpumiglas, hinayaan ko na lang siya at mahinang natawa. Parang bumalik kami sa dati, noong una kong pagpunta rito. At kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.

"Ellis, tara na."

Kumalas si Demi sa yakap nang may bagong boses na nagsalita. Agad akong tumayo at nilapitan si Perce. Mabilisan kong sinulyapan ang kabuuan ni Perce at nakahinga nang maluwag nang makitang wala siyang ibang natamong sugat maliban sa mga galos sa mga kamay niya.

She is the Light (BOOK 1-3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ