1| Chapter 20: I Won't Let Anyone Hurt You

1.5K 53 2
                                    

KASALUKUYAN kong binabasa ang files ng Security Team nang makarinig ako ng tatlong katok sa may bintana namin.

Sa bintana?

Nabitawan ko ang papel na hawak ko dahil sa gulat at agad nilingon ang bintana. Pero mas nagulat ako nang makita kung sino ang taong nakatayo roon.

"Tres? Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong.

Anong ginagawa niya rito? At bakit nasa bintana siya? Nasa ikatlong palapag ang kwarto namin at may pinto naman, bakit hindi siya roon dumaan kung may kailangan siya?

"We need to talk," aniya. Bumaba siya mula sa bintana at pinagmasdan ang buong kwarto.

Wala naman sa sariling inilibot ko rin ang tingin ko sa buong silid. Mabuti na lang hindi kami makalat ni Demi. Nakakahiya naman kung makita niyang magulo ang kwarto namin.

"Tungkol saan?" takang tanong ko.

Pero hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa mga papel na nasa harapan ko. Kaagad kong inayos ang mga iyon at inilagay sa loob ng folder. At dahil nakaupo ako sa sahig habang ang mga papel ay nagkalat sa higaan ko, hindi ko kaagad naligpit ang lahat at nakuha pa ni Tres ang isang papel na hindi ko maabot. Binasa niya ito nang madalian at tiningnan ako. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa 'kin, parang naghihintay ng paliwanag ko pero hindi ako umimik.

"Where did you get these files?" Kinuha niya sa akin ang iba pang mga papel na nasa loob ng folder.

Sasabihin ko ba?

"Hiniram ko kay Sir Lexter," sagot ko.

"These files are classified. Only the Director and the school officials have access to these. But Sir Lexter is clever, I'm not surprised,” sabi niya habang binabasa ang mga papeles. “He trusts you, huh. What are you up to, Ellis?"

Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Baka kasi kung sabihin ko, masabi ko rin lahat ng nalalaman ko. Konektado kasi ang lahat. Pero may nag-uudyok sa akin na pwede kong sabihin sa kaniya ang mga iyon. Na pwede ko siyang pagkatiwalaan.

"May… parang may mali kasi sa Security Team ng paaralan," sagot ko. Nag-aalangan man ay sinabi ko pa rin para na rin makatulong ako sa pag-iimbestiga nila.

"Yeah. Who do you think is the accomplice?"

Nabigla ako sa sinabi niya. "Ibig mo bang sabihin—"

Hindi ko na itinuloy ang sinasabi ko dahil tumango siya. Oo nga naman. Class A ang kaharap ko, malamang marami na silang nakuhang impormasyon.

Hinanap ko ang papel na naglalaman ng impormasyon at litrato ng taong tinutukoy ko at ibinigay ito sa kaniya. Tinitigan niya ang mukha nito nang matagal at binasa ang nakasulat sa papel.

"Are you sure?"

Tumangu-tango ako. Noong kinausap kasi ako ng lalaking iyon mula sa Security Team noong pumunta ako sa may pinangyarihan ng pangalawang insidente, nakaramdam ako ng kakaibang presensya sa kaniya. Parang katulad ng lalaking pumasok dito sa academy pero hindi halata ang sa kanya dahil sa suot niyang singsing sa kamay na may batong katulad sa kwintas na ibinigay ni Perce sa akin para hindi raw ako mahanap ng mga taong gustong kumuha sa akin.

At napatunayan ko nga ang sinabing iyon ni Perce tungkol sa batong iyon, kasi hindi ko kaagad naramdaman ang mapanganib na presensya niya. Pero nang subukan kong i-focus ang sarili ko sa pakikiramdam ng presensya niya, noon ko nalamang pareho nga sila ng presensya ng masamang lalaki.

Dahil doon, kahit hindi ko gawain, sinubukan kong basahin ang daloy ng iniisip niya. Nalaman ko na siya ang nagpapasok sa lalaking iyon. Kaya sinubukan ko ring kalkalin sa alaala niya ang mga ginawa niya sa lumipas na mga araw. Kahit hindi ko pa masyadong gamay ang pagbabasa ng mga alaala sa isipan ng isang tao, nakakuha naman ako ng impormasyon sa isipan niya kahit papaano.

She is the Light (BOOK 1-3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon