1| Chapter 6: First Day

2.2K 83 0
                                    

"GOOD morning class. Since your summer training class is over and also a week of rest had already passed, it's now time to welcome another school year. This year will be fun and extraordinary, like us. So, are you all excited?" masiglang pagbati ng gurong nakatayo ngayon sa aming harapan. Kahit pormal ang suot niya at nakasalamin siya, ang bata pa rin niyang tingnan at hindi mo aakalaing isa na itong guro sa unang tingin lang.

"Yes, Sir," sagot ng marami.

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa silya namin sa ikalawang linya. Napapagitnaan ako nina Demi at Cheska sa kaliwa at si Taylor naman sa kanan. Hindi ko inaasahan na magkaklase kaming apat. Nagulat na lang ako noong tinanong ko sila kung nasaan ang silid ng seksyon ko ay napasigaw si Demi dahil magkaklase raw kami. At syempre natuwa naman ako sa kadahilanang sila pa lang ang kilala ko rito at hindi ko pa kabisado ang paaralan, hindi ko alam kung saan ako pupunta kung sakali.

"Okay, before we start, tawagin muna natin ang new student of this class. Come in front, Miss, and introduce yourself." Nakatingin siya sa akin nang sabihin niya 'yon. “By the way, let me introduce myself to you first. I am Sir Lexter.”

Tumalima ako at naglakad patungo sa harapan. Nang makarating ako roon ay nakayuko akong tumayo. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob. Iniisip ko rin kung ano ang sasabihin ko.

'Introduce yourself and say something about you. Come on. Chin up, Miss.'

Gulat akong napaangat ng tingin sa guro namin. Alam kong sa kanya galing ang boses na 'yon na nagsalita sa isip ko. Tinignan ko siya nang may pagtataka at pagkagulat ngunit ngumiti lang siya at tumango. Napabuntong hininga na lang ako. Buti na lang at hindi ako napasigaw sa gulat dahil sa biglaan niyang pagsasalita sa isipan ko. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa buong klase. Iba't iba ang mga reaksyon nila. Ang iba'y nakangiti, ang iba'y halatang naiinip, samantalang ang iba naman ay walang paki. Wala rin palang pinagkaiba ang mga kaklase kong mga ordinaryo noon sa kanila tuwing may nagpapakilala sa harapan.

Tumikhim muna ako bago nagsimulang magsalita.

"Ako nga pala si Ellis Henson. Labing walong taong gulang. At ako ay galing sa Barrio 7 sa timog. Masaya akong makilala kayo," pagpapakilala ko at marahang yumuko. Napuno ng bulung-bulungan ang buong silid kaya bumalik na kaagad ako sa upuan ko kahit hindi pa sinasabi ng aming guro.

Nagsimula nang magsalita ng aming guro. Orientation pa lang ngayon dahil unang araw pa lang ng klase. Sinabi niya kung saan at kailan lang namin pwedeng gamitin ang mga abilidad namin. Sinabi niya rin ang mga pwede at hindi pwedeng gawin kapag nasa loob ng silid namin. At marami pa siyang sinabi at paalala na nakapaloob din sa papel na binigay noon ng Director sa akin. Marahil ay alam na alam na ito ng mga kaklase ko dahil halos lahat ay walang nakinig sa kanya.

"So class, is there any question? Clarification?" turan niya matapos burahin ang mga nakasulat sa pisara. "Yes, Mr. Thon?" aniya sa isang lalaki sa likuran na nagtaas ng kamay.

"Sir, anong ability nu’ng bago?" tanong nito na may halong pang-uuyam ang tono. Ang angas ng dating nito.

'Miss Henson, would you like to answer his question?'

Nagulat na naman ako sa biglaang pagsasalita ng aming guro sa isip ko kaya napatayo ako bigla. Huli na nang mapagtanto ko ang biglaang pagtayo ko at halos lahat na ng mga mata ay sa akin na nakatingin. Huminga muna ako nang malalim bago siya hinarap.

"Apportation-teleportation ang abilidad ko," sagot ko.

May sasabihin pa sana siya nang tumunog ang bell hudyat na break time na namin.

"Okay, class, that's all for this morning. You may go now."

Sa binitawang salita ng guro ay nilisan namin ang silid at pumunta na sa cafeteria na malapit sa gusali namin.

She is the Light (BOOK 1-3)Where stories live. Discover now