2| Chapter 26: The Plan

127 10 0
                                    

BUONG hapon kong hinintay na magpakita si Perce sa akin. Magtatakip-silim na nang magsalita siya sa isipan ko na magkita raw kami sa kakahuyan. Pagkarating ko sa parte ng kakahuyang nilagyan niya ng protective shield, nadatnan ko siyang nakasandal sa isang puno habang malayo ang tingin.

“Perce!” pag-agaw ko sa pansin niya.

Umalis siya sa sinasandalang puno at lumapit sa akin. 

“Maghanda ka na, Ellis. Tutungo tayo sa Guarida ngayong gabi.”

“Anong plano, Perce?” kinakabahan kong tanong. Napalunok na lang ako nang tumalim ang titig niya sa akin.

“Simple lang, Ellis.” Kumurba ang mga labi niya sa isang ngisi. “Sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko. Ako ang magdedesisyon. Kailangan mo akong sundin para mailigtas natin si Kael Dewey at mabuhay ka.”

Biglang umilaw ang palad niya at lumitaw ang isang patalim. Kasing-haba ito ng kamay niya at halatang matalas kasi kumikinang sa sinag ng buwan ang blade nito. Hinawakan niya ang mapurol na bahagi ng patalim at inilapit sa akin ang hawakan nitong gawa sa metal.

“Ito ang gagamitin mo sa pakikipaglaban, Ellis. ‘Wag kang gagamit ng kapangyarihan mo. Saka hindi gumagana ang teleportation sa lugar na iyon.”

Tinanggap ko ang patalim at maingat na ibinaba ang kanang kamay kong hawak ito. “Bakit hindi ko pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko, Perce? Mas madali kong mapapatumba ang masasamang lalaking iyon kung gagamitin ko ito.”

“Sundin mo na lang ako. Kasi kung hindi, hindi na tayo makakalabas pa ng Guarida. Naroon ang taong papatay sa iyo. Dahil sa propesiya, may koneksyon sa pagitan ninyong dalawa at mararamdaman niya ang presensya mo kahit katiting na kapangyarihan lang ang inilabas mo.”

“Kilala mo ba siya? Ang taong papatay sa akin? Nabasa ko sa lumang libro na anak siya ng diyos ng Kadiliman. Isa siyang kalahating diyos, Perce! Anong laban ko sa kaniya?” hintatakutang sabi ko.

Nakagat ko na lang ang labi ko nang mapagtantong kusang lumabas sa bibig ko ang pinakaunang suliranin na hindi na nawala sa isipan ko mula nang nabasa ko ang lumang libro. Siguro dahil kaharap ko na ang tamang taong mapagsasabihan nito.

“Kapag napasaiyo na ang buong kapangyarihan mo, mas malakas ka pa kesa sa kaniya, Ellis. Naaalala mo ang sinabi ng aking ama? Kailangan mo lang na manatiling buhay hanggang sa pagsapit ng gabing pinakamaliwanag ang hinog na buwan.”

"Sa unang gabing pinakamaliwanag ang hinog na buwan at maririnig mo ang sabay-sabay na paghuni ng mga hayop. Manatili kang buhay hanggang sa pagsapit ng gabing iyon."

Bigla kong naalala ang eksaktong sinabi ni Mr. Gerret noon. Napakunot ang noo ko habang nakatitig kay Perce.

“Paano mo nalaman iyon, Perce? Narinig mo ba ang usapan namin ng iyong ama?”

Walang pagdadalawang isip na tumango siya at ngumisi. “Sinabi niya sa akin noon pa na sa oras na malaman mo ang tadhana mo, kahit sa anong paraan pa ito, huhuni ang agila bilang hudyat ng pagtukoy sa itinakdang panahon na makukuha mo ang buong kapangyarihan mo. Kaya nang matanggal ang spell sa mga lumang libro, alam ko nang magpapakita siya sa iyo sa parehong araw na ikinubli ang kapangyarihan mo noon. Sinundan ko siya at palihim na pinakinggan ang pag-uusap ninyo. Pero nahuli niya rin naman ako.”

Hindi ako agad nakaimik sa narinig. Sa pagkakaalala ko, wala akong ibang presensiyang naramdaman liban sa presensiya ni Mr. Gerret. Pero baka dahil iyon sa lakas ng presensiya niya na nagpahina sa akin nang husto.

“May iba pa bang sinabi ang iyong ama, Perce? Kailan mangyayari ang gabing tinutukoy niya?”

Magmula nang malaman ko iyon, gabi-gabi na akong nag-aabang para tingnan ang buwan. Kahit maaga akong natutulog, nagigising ako kalaunan para tingnan ito dala ng pag-aalala. Pero hindi pa dumadating ang gabing tinutukoy ng kaniyang ama. At hindi ko alam kung kailan ito mangyayari.

She is the Light (BOOK 1-3)Where stories live. Discover now