1| Chapter 17: White Lace

1.5K 55 0
                                    

NAGPATULOY sa pag-iimbestiga ang mga opisyal ng paaralan at ang Class A sa nangyari. Isang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay walang ibang nakakaalam tungkol sa insidente kaya balik sa normal ang klase sa academy. Ang alam ng ibang estudyante ay tungkol pa rin sa nangyaring pagpatay sa naunang biktima ang iniimbestigahan nila.

Ang pangalan ng biktima ay Bryle Chenter, isang freshman pero hindi sinabi ni Miss Shin sa akin kung ano ang abilidad niya. Pinapunta niya ako kanina sa clinic para kumustahin ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Bryle. Ang nagbabantay sa kanya ay ang ate niyang junior student.

Dahil alas nuwebe pa ang pasok namin at may isang oras pa bago ang klase, nagpaalam muna ako kay Miss Shin at pumunta ako sa kakahuyan. May limang Security Personnel ang nandoon at tila may hinahanap sila.

Sa palagay ko ay naghahanap sila nang parang lagusan. May sinasaboy kasi silang parang tubig na kulay asul. Nakita ko na rin ito dati noong nag-iimbestiga sila sa unang insidente.

Sa narinig ko kanina kay Miss Shin, mas pinatibay ang barikadang nakapalibot sa paaralan. Hindi na raw nila hahayaang may makapasok ulit na tagalabas sa paaralan at para hindi na rin maulit pa ang mga insidente. Ang sabi pa ay humina raw ito mula nang magbukas ang klase ngayong taon dahil may estudyanteng nakapasok na may kapangyarihang pahinain ang spell na ginamit sa barikada.

Ilang minuto rin akong nakatayo lang sa likod ng pader. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin malinaw sa akin kung buhay pa ba ang taong iyon o napatay siya ni Perce. Pagkabagsak niya kasi kagabi ay naglaho na lang itong bigla.

"Anong ginagawa mo rito, Miss?"

Nagulat ako nang makarinig ng panibagong boses na nagsalita sa tabi ko. Hindi ko napansin ang pagbukas ng pinto sa pagitan ng pader at kakahuyan, at ang paglapit ng isang Security Personnel sa akin. Nag-isip muna ako ng sasabihin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nag-iimbestiga rin ako sa nangyari noong isang gabi.

"Ah, napadaan lang po ako rito tapos nakita kong may mga tao sa kakahuyan kaya lumapit ako para tingnan," magalang na sagot ko.

Tumango naman siya. "Delikado rito, Miss. Mas mabuti kong pumunta ka na sa klase mo." Nahimigan ko ang awtoridad sa boses niya ngunit narinig ko rin ang pag-aalangan niya.

Tumango na lang ako at umalis na roon. Pero napangisi ako nang mapagtanto ko kung bakit parang may kakaiba sa kaniya. Kaya pala.

Dahil mahigit kalahating oras pa bago magsimula ang klase namin ay nag-teleport ako patungo sa opisina ng guro namin. Sigurado akong nandoon pa siya dahil matagal pa naman bago magsimula ang klase. Pagkarating ko roon ay hindi nga ako nagkamali. Nadatnan ko siyang nakaupo sa upuan niya habang may binabasang libro. Nang makita niya akong nakatayo sa harapan niya ay itinabi niya muna ang binabasa niya at tumingin sa akin.

"What a surprise! What are you doing here, Ellis?" nakangiting turan ng guro.

"Hihingi sana ako ng pabor. Maaari ko bang makita ang mga file ng Security Team? Alam kong may kopya ka nu'n dahil nung huling punta ko rito ay nakita ko iyon sa mesa mo," wika ko at nginitian siya pabalik. Nagtataka niya akong tiningnan na tila tinatanong ako kung aanhin ko iyon pero nagkibit balikat lang ako.

"Oh, alright. Hahanapin ko muna. Nailagay ko na kasi iyon sa isang box, eh."

Tumango lang ako at pinagmasdan siyang hanapin iyon.

Sa katunayan, pangalawang beses ko nang makapunta rito. Kung wala akong sadya sa kaniya ay hindi ako ulit babalik dito. Napakalungkot kasi ng opisina niya. Parang pinaghalong pangungulila at kalungkutan. Siguro ay dahil na rin na kulay ng pader nila, kulay abo.

May ibang guro rin siyang kasama rito at ni isa sa kanila ay hindi ko kilala. Ngumingiti lang ako kapag nagkakatagpo ang mga tingin namin pero hindi ko binalak na kausapin kahit isa man lang sa kanila.

She is the Light (BOOK 1-3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora