1| Chapter 15: Guardian

1.6K 61 0
                                    

"OKAY, class. You are dismissed."

Nagsilabasan ang mga kaklase ko sa hudyat na iyon ng aming guro, maging sina Demi. Nagpaiwan ako dahil may nais akong kausapin. Nakaupo pa rin siya sa upuan niya at alam kong hinihintay niya lang na puntahan ko siya at kausapin.

Mahigit dalawang araw na ang nakalilipas matapos ang insidente at isang araw mula nang bigyan niya ako ng kwintas. Ngunit sa lumipas na araw, ngayon lang ako nagkaroon nang pagkakataon na kausapin siya.

Kapag nagkakasalubong kasi kami ay hindi niya ako kinakausap o tinitingnan man lang. At kapag sa klase naman ay iniiwasan niya ako at parating nauunang lumabas ng silid. Kaya naman kinausap ko siya sa isip ko kanina na kung maaari ay mag-usap kami ngayon. Ang daming tanong na bumabagabag sa akin. At alam kong siya lang ang makakasagot nito.

Pumunta ako sa likuran ng silid. Iniharap ko ang upuan sa harapan niya at umupo roon. Tinitigan ko siya at tinitigan niya rin ako pabalik. Wala na akong sinayang na oras at tinanong ko siya ng isang bagay na kailangan kong kompirmahin.

"Mapagkakatiwalaan ba kita?" diretso kong tanong. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako. Kaaway ba siya o kakampi?

"Don't trust anyone. Kahit sa akin ay 'wag kang magtitiwala," aniya habang matamang nakatitig sa akin.

"Bakit?" ang tangi kong nasabi.

"Sarili mo lang ang pagkatiwalaan mo, Ellis..."

Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin pero hindi na siya umimik pa. Nakatitig lang siya sa akin ng seryoso.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin bago ko napagdesisyonang tanungin siya ulit.

"Sino ka ba talaga, Perce Gerret?"

Mahina siyang tumawa. "Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko ito. Pero gusto mo ba talagang malaman?"

Mabilis akong tumango. Gusto kong malaman. Gustong-gusto ko nang malaman ang katotohanan.

"Ako ang guardian mo, Ellis. Tungkulin ko ang protektahan ka mula sa kanila. Nagsisimula na sila sa paghahanap sa ’yo at ito ang dahilan kung bakit ako nandito," pagpapatuloy niya.

"Sinong sila? At bakit nila ako hinahanap? Anong kailangan nila sa akin?"

Sa halip na sagutin ako ay hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglaho. Pagdilat ng mga mata ko ay nandito na kami sa field.

Tiningnan ko siya at tinanong kung bakit kami nandito. Pero hindi niya ako sinagot. Ganu’n ba kahirap ang mga tanong ko kaya hindi niya magawang sagutin?

"Hindi naman. May mga tanong na dapat sagutin sa tamang panahon. At sa tingin ko, hindi pa ito ang panahong iyon."

Napahinga ulit ako nang malalim habang pilit pinapahaba ang pasensya ko. Kailan nga ba ang tamang panahon? Kapag ba nahanap na nila ako? O baka kapag papatayin na nila ako saka ko pa malalaman kung sino sila at kung bakit nila ako hinahanap?

"‘Wag kang mag-alala, hindi ka nila kayang patayin." Tumayo na siya at nag-inat-inat.

“Anong ibig mong sabihin?” Mas lalo niyang dinadagdagan ang mga tanong sa isip ko.

Imbes na sagutin ang tanong ko, tinitigan niya lang ako at maliit siyang ngumiti.

"Halika na, Ellis. Kumain na tayo. Hindi kita mapoprotektahan kapag gutom ako."

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at sabay kaming naglaho. Sa cafeteria kami napadpad. Kaunti na lang ang mga estudyante sa loob, marahil naghahanda ang iba para sa panghapong pag-eensayo.

She is the Light (BOOK 1-3)Where stories live. Discover now