📖 74

67 4 17
                                    


Tristan's POV

After nang klase,ang palagi kong ginagawa ay pumunta sa classroom ni Nathalie para sabay kaming umuwi at kasalukuyan ko yung gagawin ngunit may humarang sa akin.

"Nathalie gave us a permision to barrow you so let's go." Di na ako pinagsalita ni Jenna at hinala ang braso ko.

So hindi padin pala ako ligtas sa question and answer nila? Tungkol saan ba kasi yan?

We stopped at canteen at pinaupo nila ako sa isang table at sila naman ay nasa harapan ko. "Isang tanong isang sagot,bakit  gusto mong maging girlfriend si Nathalie?" Panimula ni Clementine.

Sasagot naman ako ng totoo eh,pero bakit parang kinakabahan ako? Tapos nasa akin pa ang attention nila. Hindi naman siguro sila nananakot 'no?

"Dahil mahal ko siya." Sagot ko. Nagtanguan lang sila at pagtapos no'n si Jenna naman ang nagtanong,"Diba pag mahal pinag hihirapan? So paanong ganon mo kadali nakuha ang mahal mo?"taas kilay na tanong niya.

Napalunok naman ako.

Nasa tulfo ba kami? Face to face show? Bakit ganyan ang mga tanong nila?

"I can't answer that quest---"

"Answer the question." Pag didiin ni Jenna.

Sabi ko nga eh. Sasagot nga ako.

"Yung sagot sa tanong niyo makukuha niyo lang kay Nathalie kasi siya ang umo-o sa akin but for me ganon ko kadali nakuha ang mahal ko siguro dahil...mahal namin ang isa't isa. Bakit namin pahihirapan ang isa sa amin kung alam naman naming hindi na kailangan mag hirap pa?" tugon ko.

Tumahimik ang dalawa pero nakatitig padin sa akin.

"Pero yung totoo? Si Nathalie kasi siya yung babaeng easy to get,she's a sassy pero di siya tumitingin sa sasabihin ng ibang tao. She's a broken hearted Trist,month a go nag break sila ng boyfriend niya si Josh. She love him but Josh cheated on her. They used to be happy together pero bigla nalang naging ganon at hindi namin alam kung bakit. Ilang weeks siyang nakakulong sa kwarto niya at ayaw kumain. She even tried to kill her self pero pinigilan namin. After a weeks naging okay na siya at ang sabi niya ayaw niya ipakita kay Josh na nasasaktan siya but we know deep inside she's dying. Ayoko na mangyari sa kaniya ulit iyon but my question is kaya mo bang mapantayan or better malagpasan ang naipakita ni Josh na pag mamahal kay Nathalie BEFORE?" Seryosong salaysay ni Clementine.

Hindi na ako nag abala pang mag isip at tumango nalang. I know to myself that I love her. Why would I hurt the girl I loved? Ano ako tanga? Bobo nalang ang gumawa no'n.

"Alam niyo girls,wala sa vocabularyo ko ang manakit ng babae lalo na pag mahal ko kaya wag na kayong matakot diyan,di ko sasaktan ang kaibigan niyo, mahal ko yun eh." Pag ligh-lighten up ko ng mood sa pagitan namin dahil masyado silang mga serysoso.

"Ang lahat ay nagbabago pati ang desisyon ng tao pero dahil ikaw si Tristan na sayo ang tiwala ko. Sana lang hindi mag bago ang desisyon mo 'cause we trust you." Sambit ni Jenna na tila seryoso sa lahat ng sinasabi niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mangangamba sa sinabi niya. Para kasing may side na hindi siya naniniwala sa'kin but she said she trust me so medyo natuwa ako konti duon banda.

"Oy andyan lang pala kayo! Kanina pa ako naghihintay sa main gate ang tagal ninyo lumabas!" Biglang sigaw ng pamilyar na boses.

"Oh,Hi Trist! How are you?" Salubong niya sa akin. Nginitian ko naman siya ng pinaka matamis na ngiti atsaka sumagot,"I'm good,let's go?" Aya ko sa kanilang lahat.

Tumango silang lahat at sabay sabay kaming lumabas ng canteen.

You can do it Trist! Wag kang  kabahan, wala ka namang ginagawang masama. You love her. All you have to do is to love her and not to hurt.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon