📖 23

157 56 14
                                    


Hayden's POV

Kasalukuyan akong nakain ng breakfast bago pumasok sa school.

Iniisip ko lang yung sinabi ni Mama kahapon.

Paano nga ba namin mapaparamdam sa kanya na nandito lang kami?

Kulitin namin sya?

Hindi, mali! Baka lalo syang lumayo sa amin.

Palagi namin syang samahan sa recess?

Nako,mali! Baka hindi umeffect.

Ahhmm..

"Anak matatapon na yung sabaw ng ulam mo!" Isang sigaw na nakapag pabalik sakin sa kasalukuyan.

"Nako nabasa yung pants mo! Hubarin mo na yan, suotin mo nalang yung isa mong pants na nakapatong duon sa plantsahan." Sambit ng nanay ko.

Nako naman kasi tong utak ko,nalipad!

Agad akong nag madali mag palit ng pants at muling bumaba para tapusin yung kinakain ko.

Mayamaya lang ay natapos ko na ang kinakain ko at nag paalam na sa nanay ko.

"Ma, una na ako" pag papaalam ko at tuluyan ng umalis.

At dahil 6:38 na ginamit ko nalang yung yung kotseng niregalo ni papa sakin.

Di ko ito madalas ginagamit lalo na sa mga malalayo,ginagamit ko lang ito pag na ru-rush na ako.

Pumasok na ako sa loob ng kotse at nag simulang mag maneho.

Makalipas lang ang labing tatlong minuto,ay nakarating nadin ako sa school.

Nag preno ako at binuksan naman ng mga guard yung gate para makapasok yung kotse ko.

Pinark ko lang yung kotse ko sa parkingan kung saan malapit lang para hindi mahirap hanapin pag uwian na.

Nang ma park ko na yung kotse,agad na akong nag madaling pumunta sa classoom dahil anong oras nadin.

Pag dating ko kinakabahan akong nag lalakad papalapit sa classroom namin.

Tahimik!

Mukhang may teacher na!

Sana wala pa..

'Isa'

'Dalawa'

'Tatlo'

Pag dating ko sa tapat ng pinto ng classroom namin ay hindi nga ako nag kamali sa hinala ko.

May guro na nga at wala na akong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang sermon ng guro namin.

Dumiretso ako sa pinto nang classroom namin at nag sabi ng...

"Mam sorry I'm late" sambit ko bago ako patuluyin ng guro namin.

Napatigil naman sya sa ipina paliwanag nya at tumugon sa akin.

"Come in!" Sambit nito.

Himala yata! Di ako sinermonan!

Ok na din yun kaysa naman ipahiya ako ng teacher namin.

Dumiretso na ako sa upuan ko at nakinig sa pinapaliwanag ng guro namin.

"So uulitin ko para kay Mister Obrien, maagang isususpend ng principal natin ang klase dahil nga may paparating na bagyo at para maging handa at ligtas kayong lahat and that was a bad news dahil mawawalan muna tayo ng koneksyon sa isa't isa at bukas na ang simula ng suspension" Paliwanag nito.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon