📖 57

90 6 28
                                    


Nathalie's POV

Isang sinag ng araw ang biglang tumapat sa mukha na siyang ikinagising ko.

"Psst,Nathalie! Wake up!"

Tinatamad man pero idinilat ko ang mata ko para makita kung sino yung nag sasalita.

Agad akong bumangon at umupo ng maayos.

"Oh,uminom ka muna ng gamot para diyan sa hang over mo" sambit ni Clementine sabay abot ng tableta.

Agad naman akong naguluhan sa sinabi nito.

"Hang over?" Kunot noo kong tanong.

"Oo girl,nilasing ka ni Amier" saad pa nito.

Nilasing? Ako? Ni Amier?

Pa'no?

"Hindi ko maalala" sambit ko sabay hawak sa ulo at yuko.

"Ay hindi ka lang pala nilasing,pinainom ka rin ng pampatulog dahilan siguro para makalimutan mo ang nangyari" taas kilay na sambit ni Clementine.

"Ano ba'ng nangyari?" Linga ko sa kaniya.

She take a deep sigh.

"Muntik ka nang halayin nung Amier na 'yun" kalmado nitong sambit habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Umagang-umaga ito ang sasalubong sa'kin?

Si Amier? Hahalayin ako? Like how?

"Seryoso ka ba?" Tatawa-tawa kong Tanong sa kaniya.

I know they don't like Amier as my friend pero di naman nila kailangan gumawa ng kwento para mapalayo ako sa tao.

"Mukha ba akong nag bibiro?" Sangguni nito.

Nang mamataan sa kaniyang mata ang pagka seryoso ay agad naman akong natigil sa pagtawa.

"S-si Amier? Hahalayin ako?" Nauutal kong tanong.

"Yes he was about to rape you" tugon ni Clementine.

Sa totoo lang hindi pa ako gano'n ka kumbinsido sa mga sinasabi ni Clementine pero yung simpleng pag titig niya sa'kin ng seryoso habang binibigkas ang mga salita ay sapat na para maniwala ako.

Amier was about to rape me?

Hindi ko na inalam pa kung paano humantong duon ang pangyayari bagkus ay inalam nalang kung paano ako nakaligtas.

"So how did I survived?" Tanong ko kay Clementine habang pilit na sinosolba sa utak kung paano nagawa ni Amier yun sa'kin.

I treat him as my friend tapos ganon ang gagawin niya sa'kin?

He's literally bullsh*t.

"Si Tristan" sagot ni Clementine sa kanina kong tanong.

"Huh?"

Hindi ko maintindihan si Clementine kung bakit pangalan ang binanggit niya at hindi pangyayari.

"Tristan saved you" kalmado nitong pagkakasabi.

Agad akong natahimik sa sinabi nito at pilit na iniiwasan ang mga tanong na nabubuo sa isipan ko.

Niligtas niya ako?

"P-paano niya ako niligtas? I-I mean bakit niya ako niligtas?" Nauutal kong kuwestiyon.

"Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre concern siya sa'yo kaya nagawa niya kayong sundan at isa pa siguro naamoy niya rin ang naamoy kong baho sa Amier na 'yan kaya alam niya na ang mangyayari sa'yo kapag sumama ka sa Amier na 'yan!" Dikta sa akin ni Clementine.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon