📖 47

73 6 41
                                    

Hayden's POV

Kasalukuyan akong nakain ng almusal ko. 5:48 am palang ng umaga at balak ko sanang i-control ang temperature ni Jenna mamaya.

Bigla nalang ako nakarinig ng yapak mula sa hagdan at nang lingonin ko ito nakita ko si Keith na kinukusot kusot pa ang mata habang pababa sa hagdan.

"Bro,kain!" Pag aalok ko dito.

"Sige lang mag ka-kape ako" pag sangguni nito.

Binilisan ko na ang pag ubos ng pagkain ko dahil iche-check ko pa si Jenna sa taas.

"Kamusta na 'yung alaga mo bro?" Tanong ni Keith na ngayon ay nag titimpla ng kape sa likodan ko.

"Alaga?" Pagtataka ko sa tanong nya.

" 'yung maganda mong alaga" sambit nito na may halong pag didiin sa salitang 'maganda'.

Nang banggitin nito ang salitang 'maganda' ay tila alam ko na kung sino ang tinutukoy nito.

"Ayun bibisitahin ko ulit mamaya." Sambit ko sabay tayo at lagay ng pinggan sa lababo.

Tumango naman ito sa sinabi ko sabay higop ng kape.

Lumabas muna ako para bumili ng gamot sa lagnat,para kung sakaling mataas padin ang lagnat ni Jenna ay may iinomin s'ya.

Nang makabili na ako ay bumalik ako sa kusina para lutuan si Jenna ng makakain.

Nilutuan ko lang s'ya ng tatlong longganisa. Nagsandok na ako ng kanin sa plato at saka isinalin ang longganisa.

Inilagay ko na ang plato sa isang tray at nilagyan ng kutsara't tinidor sa tabi. Nilagyan ko na din ng isang basong tubig para pag nauhaw sya may i-inomin sya.

Habang paakyat ako sa hagdan ay bigla ko namang nakasalubong ang tatlong babae na sina Nathalie,Clementine at Daniella.

Sabay-sabay talaga ang gising nila?

Ang aga naman ata nila nagising.Tila mga inaantok pa ito pero patuloy padin ang pag hakbang pababa sa hagdan.

Nang makarating na ako sa kwarto nang girls ay saktong hindi ito nakasara,nakauwang ito nang kaunti kaya itinulak ko nalang ito gamit ang paa ko. Di ko rin naman magagamit ang kamay ko sa pag bukas dahil may hawak ako kaya mabuti nalang at hindi nakasara ang pinto.

Nang mabuksan ko na ito ay agad na bumungad sa'kin si Jenna na nag ce-cellphone.

Hindi ba't masama sa may sakit ang nag ce-cellphone?

Di ko na lamang pinakialaman dahil baka magalit sya kapag pinakialaman ko pa ang ginagawa nya.

Nilapag ko ang tray sa table na dating pinaglalagyan ng flower base na ngayon ay basag na.

Nadatnan ko din duon sa lamesa ang theremometer. Marahil ay binabantayan ng mga kaibigan nya ang temperature nya nang gabing makatulog na sya.

Di ko narin sya nabisita kagabi kasi may mga kaibigan naman sya atsaka baka maudlot pa ang pag amin ko kapag nahalataan n'ya ako.

"Kamusta ang pakiramdam natin?" Tanong ko dito sabay upo sa isang upuan malapit sa higaan nila.

Nag hintay lang ako ng ilang minuto sa sagot niya ngunit wala akong natanggap.

Okay intindihin nalang natin.

"Kain ka na,tapos uminom ka ng gamot para tuluyan ng umalis ang lagnat dyan sa katawan mo." Sambit ko ng may ngiti.

Nag hintay lang ako ng ilang segundo at maya-maya lang ay napansin nya na ako."Ow,Hayden nandito ka pala"

Bakas sa mukha nito ang pag kagulat ng makita ako.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon