📖 86

32 3 15
                                    


Nathalie's POV

Natapos na ang usapan lahat ngunit ayaw padin mag pa tila ng mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nasa chapel ako ng hospital ngayon nakaluhod,taimtim na nagdadasal humihingi ng tulong. Nasa likod ko siya,ramdam ko ang presensya niya,hindi siya nagsasalita,sinundan niya lang ako dito kanina. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa kaniya.

Pero bakit nga ba ako magagalit sa kaniya? May ginawa ba siyang masama?

Hindi ko mahanap ang dapat na maramdaman ngayong nandito siya.

Matapos magdasal ay umupo na ako pero basa padin ang pisngi ko. Hindi ko makontrol ang bawat mainit na likido na unaagos mula sa mata ko.

Naramdaman ko nalang na tinapik nito ang braso ko,"Hey, everything is gonna be okay." He said in a calm voice.

I sigh.

I know, pero kailan? Gusto kong malaman kung kailan.

Kailan magiging okay?

Pinunasan nito ang luha ko,"Stop worrying,he's fine. The doctor said he's fine,stop crying."

Napatango na lang ako pero wala pading inilabas niisang salita ang bibig ko.

Magiging okay pa nga ba siya?

Ayokong mapanghinaan ng loob pero sinabi ng doctor na yung left eye niya,hindi sila sure kung magiging okay pa.

Kahit mabulag pa siya mamahalin ko padin siya,hindi magbabago yon basta magkamalay lang siya.

"I'm sorry." Dinig kong sambit ni Josh.

Napalinga ako sa kaniya,"I know you're still mad at me and I'm sorry for hurting you, I didn--"

"Stop. I don't wanna talk about it."

"I know but--" apila niya pa.

"Please, Josh." Pagmamakaawa ko.

Gulong gulo na ako at sana naiintindihan niya na ayaw ko munang pag usapan ang tungkol duon.

Tumayo na ako at balak bumalik sa room ni Tristan ngunit pinigilan niya ako.

"Sigurado ka bang pupunta ka duon? Hindi kaya mag away kayo ulit ng mommy ng..." Napahinto ito.

"B-boyfriend mo?" Pagpapatuloy niya pa.

Tama siya pero gusto ko sana makita ulit muna si Trist.

"N-nanduon naman ang mga kaibigan mo,b-binabantayan siya." Saad pa nito.

"Halika saglit,may pupuntahan lang tayo." At inilahad nito ang kamay niya.

Auto matic namang kumunot ang noo ko.

"Trust me,makakabalik ka dito ng matiwasay,di naman tayo magtatagal. I just want to show you something."

Gustohin ko man pumunta muna sa kwarto ni Trist pero wala akong magagawa,ayoko ng gulo kaya ako nalang muna ang iiwas.

"Can you trust me?" Dugtong pa nito habang hindi padin inaalis ang  pagkakalahad ng kamay.

Huminga ako ng malalim saka ipinatong ang kamay sa pala pulsuhan niya.

Sumakay kami sa kotse niya atsaka pumunta sa mala paraisong lugar kung saan madalas niya akong dalhin noon nung kami pa.

Lugar kung saan ko din sinagot si Tristan. Lugar na madalas naming puntahan kapag may problema or malungkot.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon