📖 43

76 7 35
                                    


[CONTINUATION (THE SAME DAY)]

Hayden's POV

Kasalukuyan kaming na sa kotse ko ngayon,sinusundan 'yung kotse na sinakyan nang dalawa.

"Bakit sa ibang kotse sila sumakay?" Pag basag ni Tristan nang katahimikan.

"Eh malamang,bro,wala naman silang dalang kotse nung pumunta sila sa inyo kaya natural sa iba talaga sila sasakay" tugon ko sa kanya habang ang mata ay nakasunod padin sa kotse nila Nathalie.

"I mean,bakit hindi nalang sila nag pahatid sa'tin? Bakit kailangan sa iba pa?" Muling tanong ni Tristan sa'kin.

Napaka commonsense naman nang sinasabi nitong lalaki na 'to.

"Hello? Ginalit mo kaya,sa tingin mo may gana pa 'yun mag pahatid?" Pag sangguni ko sa commonsense n'yang tanong.

"Kay Keith?"

"Just shut up bro! Nag fo-focus ako sa pag drive dito eh" sabat ko sa kakulitan n'ya at itinuon nalang ang attensyon sa pag dri-drive.

Makalipas lang ang kumulang sampung minuto ay nakarating kami sa isang seaside.

Kailan pa nagkaroon nang seaside dito?

Ngayon ko lang nakita 'to ah!

Pag baba nang dalawa ay agad silang dumiretso sa isang bench,tila may hinihintay 'to tapos si Jenna parang may ka-text habang si Nathalie naman ay nalinga linga.

"Bro,bakit hindi mo sinabi sa'kin na may ganito palang lugar dito sa inyo?" Tanong ko kay Tristan habang kami ay nag tatago dito sa sasakyan.

"Eh hindi ko nga din alam na may ganito pala sa lugar namin eh tsaka isa pa di naman ako taong gala para libutin itong lugar namin." Seryosong sambit nito na ang mata ay ngayo'y nakamasid kanila Nathalie at Jenna.

Nathalie's POV

Nakaka badtrip talaga sa bahay! Nakaka walang buhay lalo na't naka harap ko nanaman si Tristan.

Nang tri-trip lang ba 'yun?

Pwes wag ako ang pag tripan nya,humanap s'ya nang mabibiro n'ya at wag ako.

Ang good mood-good mood ko kanina,ngayon hindi na dahil kay Tristan.

Paki alamero talaga,di ko na nga s'ya pinapakialaman sa buhay n'ya tapos papakialaman n'ya akin,nakaka badtrip.

"Nasa'n na ba kasi sila?" Medyo inip na tanong ko kay Jenna habang naka upo sa bench.

Wala na akong ibang alam na pwede kasamang umalis kundi si Jenna,tulog pa naman ang dalawa eh kaya s'ya nalang.

"Saglit lang daw sabi sa text" tugon nito sa'kin na ngayo'y nakatutok ang mata sa cellphone.

Parang may iba sa pakiramdam ko ngayon. Wala naman akong sakit pero parang pakiramdam ko may naka masid sa'min ni Jenna.

Nag linga-linga ako para masiguradong mali at guni-guni lang itong nararamdaman ko.

"Ayan na sila!" Biglang sambit ni Jenna at nagulat ako nang biglang may humalik sa pisngi ko.

"I miss you!" Sambit ni Amier habang ang kamay ay naka pulupot sa'kin.

Medyo nailang ako kaya agad ko din iyun tinanggal.

Di ko muna s'ya nilingon at pilit na hinahanap ang tila nakamasid sa amin.

"Hey,are you okay?" Muling tanong ni Amier sa'kin sabay hawak nang mga pisngi ko.

"A-ah parang may nakamasid kasi." Sambit ko at nag palinga linga muli.

"Alam mo gutom lang 'yan,kumain ka na ba? Kinain mo ba 'yung binigay ko?" Tanong nito at pilit na pinapaharap ang mukha ko sa kanya.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon