📖 49

65 6 23
                                    


Tristan's POV

Nagising nalang ako dahil sa sigawan na narinig ko sa kabilang kwarto.

May nag a-away nanaman ba?

Sinubukan kong bumalik sa pag tulog kaso di na ako dinaapuan nang antok,mukhang kailangan ko nang bumangon at kumain.

Bumangon ako at dumiretso sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush. Nang matapos na akong mag toothbrush at mag hilamos ay bumaba na ako para kumain.

Saktong pagbaba ko ay nakasalubong ko si Clementine. Agad ko naman itong tinanong kung anong meron sa kwarto nila.

"May nag aaway ba sa kwarto ninyo?" Salubong ko sa kanya.

"Nag a-away?" Naguguluhang tanong nito.

Di niya din alam kung may nag a-away ba sa kwarto nila..

"May naririnig kasi akong sigawan mula sa kwarto niyo eh" sangguni ko sa kanya.

"Ah hindi,baka nag sisigawan lang yung dalawa"

"Sinong dalawa?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Si Hayden tsaka Jenna" tugon nito.

Si Hayden nanduon? Anong ginagawa niya duon?

"Bakit nanduon si Hayden?" May halong pag tataka kong tanong sa kanya.

"Kakausapin niya daw si Jenna eh" sangguni nito.

Gumawa nanaman ba ng katangahan si Hayden kaya nag sisigawan sila?

"Bakit? Anong meron?" Muli kong pag tanong sa kanya.

"Nag katampuhan kasi,nabasag ni Hayden cellphone ni Jenna kaya yun gusto niya humingi nang paumanhin"

"Yun lang?"

"Ewan ko lang kung may gusto pa siyang sabihin kay Jenna bukod sa manghingi ng paumanhin" sambit nito.

"Ah sige,salamat sa impormasyon" walang emosyon kong sambit.

"Sige" sangguni nito.

Agad naman akong dumiretso sa kusina para kumuha ng makakain.

Hay nako Hayden Obrien! Pag ikaw nanaman nasaktan iiyak-iyak ka sa tabi ko.

Masyado ka nanamang nag papakampante sa mga desisyon mo,wala ka nang ibang ginawa kundi bumira nalang nang bumira.

Nag sandok na ako nang kanin at nagsalin nang ulam.

Umupo na ako sa isang table at nag simulang kumain.

I hope na hindi mag sisi si Hayden sa mga ginagawa niyang action ngayon.

Di naman kasi madaling umamin sa mahal mo kasi may tendencing harapin mo si sakit or si saya pero sa nakikita ko kay Hayden parang handa siya sa anumang possible niyang harapin.

Kung ako sa kanya mag tatago nalang ako dito sa tabi at mas pipiliing maging mag isa kaysa pag tawanan ng taong mahal ko dahil sa nagawa kong katangahan.

Makalipas lang ang ilang minuto ay natapos ko na ang kinakain ko. Uminom ako ng tubig at nilagay sa lababo ang pinag kainan ko.

Matapos lumamon ay umakyat ako sa favorite place ko kung saan nakakapag relax ako pag nanduon ako.

Nang makarating na ako sa rooftop ay umupo ako sa isang chair na may katapat na table.

Hanggang ngayon hindi ko padin alam kung susundin ko ba 'tong sinasabi ng puso ko or susunod nalang sa mga inuutos ng utak ko.

Nakakainis lang isipin na naglaho si Papa sa mundo na 'to nang hindi man lang naipapaliwanag ng maayos yung mga gusto niyang iparating sakin.

Hanggang kailan ko nalang ba pag iisipan itong bagay na 'to?

Ayoko namang matulad kay Hayden na bira nalang ng bira,gusto ko pinag iisipan ko muna ang isang bagay bago ako umaksyon.

Alam ko namang kasama sa pag mamahal ang maging tanga pero this time ayoko nang mag pakatanga pa,gusto ko namang makagawa nang tama yung hindi na ako masasaktan at mag sisisi sa gagawin ko.

Kaso malabo na yatang mangyari yun,kasi una palang nagawa ko nang umibig sa maling tao,pano ko pa magagawang itama kung una palang mali na?

Hay buhay! Kailan ba yung tamang panahon para itama ka? Kailan ba yung tamang panahon na hindi na ako mag kakamali?

Hayden's POV

[BEFORE TRISTAN AWAKE]

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto ng girls para kausapin si Jenna.

Kaya mo 'to self! Magpakatotoo ka na!

'Madali lang naman kausapin si Jenna,straight to the point yan palagi kaya pag tinanong ka niya once sagutin mo na ng totoo para malaman niya'

Sa mga oras na ito ay bigla ko nalang narinig ang huling sinabi ni Clementine sa'kin na nakapag palakas nang loob kong kausapin si Jenna.

Di pa ako tuluyang nakakapasok sa kwarto nila ay may sumalubong na agad na tanong sa'kin."Bakit ka nandito?" Agarang tanong nito.

"Kakausapin ka" pag sangguni ko sa tanong niya.

"Ok ka na ba?" Pag konsulta ko sa pakiramdam nito.

Di ko pa nasasabi yung gusto kong sabihin pero parang gusto ko nang tumakbo sa sobrang kaba.

"Oh sige tatanongin kita para maging okay ako" sambit nito.

"Bakit kailangan mo akong pag taasan ng boses? Atsaka hindi ka naman dati ganyan Hayden! Ano ba'ng nagyayari sa'yo?" May halong pasigaw nitong sambit.

Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin,kung sasagutin ko ba muna ang tanong niya or sasabihin ko yung totoong nararamdaman ko kaya ako nagkaganon.

"Ano?" Kunot noo nitong sambit.

"Kasi nga naiinis ako"  mahinahon kong tugon.

"Anong kinaiinis mo?!" Sigaw nito.

"Nagagalit a-ako" nauutal kong sambit.

Parang umuurong nanaman ang kaluluwa ko kapag naririnig kong sinisigawan niya ako.

Kanina lang desidido ako na kausapin siya ngayon parang gusto ko nalang muna ipag paliban itong usapan na ito.

"Kumalma ka muna Jenna." pag papakalma ko sa kanya.

"Pa'no ako kakalma kung hindi mo naman sinasagot ang mga tanong ko."

"Kaya nga kumalma ka muna bago ko sagutin 'yang tanong mo" mahinahon kong sangguni sa kanya.

Umupo ito sa higaan at pinag ekis ang mga braso.

"Fine,so ano nga'ng kinagagalit mo?" Medyo mahinahong tanong niya.

"Yung palagi mong pag message sa kanya" nakayuko kong sambit.

"Huh?"

"Yung palagi mong pag bigay ng attensyon sa kanya na halos di mo na marinig 'yung tinatanong ko dahil sa pagka busy mo sa kanya" pilit kong kinakalma ang sarilo habang binibigkas ang mga salita na 'yan.

Ayoko nang maulit na sigawan siya dahil baka mawalan na talaga ako nang pag asa wala na nga mawawalan pa.

"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?"

"Seryoso ako sa'yo" linga ko sa kanya.

Di ko na mapigilang unti-unting ilabas ang katotohanan. Nandito narin lang naman ako wag ko na sayangin ang pagkakataon.

"Alam mo niloloko mo nanaman ako." sambit nito sabay pakawala ng pekeng tawa.

"Di kita niloloko"

"Eh bakit ka nagagalit duon?!" Mataas na tonong sambit nito.

"'Cause I like you!"

Di ko na napigilang ilabas ang buong katotohanan,ang punot dulo nang lahat,ang pinagmulan ng galit at hinanakit ko.

To be Continued...

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon