📖 63

82 7 18
                                    


Lucas's POV

Nasa kalagitnaan kami ng klase ngayon ng biglang huminto ang prof namin sa pag le-lecture.

Sa tabi ng upuan ko bigla nalang may umupo.

Nang lingunin ko ito,labis na pagkagulat ang naramdaman ko. Gusto ko siyang itulak dahil sa inis na nagtagumpay nanaman siya sa pag sunod sa akin pero hindi ko magawa.

"Excuse,wag kang bastos sa klase ko. Tumayo ka at magpakilala dito sa harapan" masungit na sambit ng prof namin.

Mabuti nga 'yang pag sungitan siya.

"Sir,una sa lahat,hindi ako bastos. Pangalawa hindi ka ba tumitingin sa attendance mo? Ako 'yung transferee sir. Hindi ka po ba nasabihan ng adviser namin na papasok na ako ngayon? Wag po kayo mag alala,papaalalahanan ko nalang din po siya. Ha sir!" Nakangiti nitong sambit na parang nang aasar.

Kahit kailan talaga ang bastos niya. Mapa teacher o nakakatanda sa kaniya hindi niya ginagalang.

Tsk.

Kaya kahit anong pilit niya sa sarili niya sa akin ayoko talaga sa kaniya. Nakakahiya siyang nilalang. And I can't see my future with her.

I REALY CAN'T.

What if malaman niya.ang buong pagkatao ko na dati akong nerd at binubully-bully lang? Malamang sa malamang pagtatawanan niya ako at ayoko sa mga taong pinagtatawanan ang personalidad ko.

Sa ngayon mediyo na fi-figure out ko na 'yung babaeng makakasama ko habang buhay. Nagkaka idea na ako kung ano ang katangian niya pero hindi ko pa siya lubos na nakikilala.

"Rhiana Chen? Tama ba?" Tanong ng prof ko sa kaniya.

"Yes sir" mapang akit na tono nitong sambit.

Nang lingunin ko ito,nagulat ako ng nakatongin ito ng malagkit sa akin.

"Ah okay,sge maupo ka na diyan sa tabi ni Lucas" sambit ng prof namin.

Agad nanaman kumulo ang dugo ko. Hindi ko alam pero ayokong tinatabihan ako nito,baka masapak ko 'to ng hindi ko nalalaman,delikado masyado.

"Alvin,pwede ba palit muna tayo ng pwesto? Ngayon lang. Please" mahinahon kong sambit.

"Bakit? Ayaw mo ba katabi 'yang bago nating classmate? Maganda naman siya ah"

Napabuntong nalang ako ng hininga.

"Maganda siya diba? Sige ikaw nalang tumabi sa kaniya,kaya palit na tayo. Dali na" pilit na pag ngiti kong sambit.

"Sige na nga" sambit ni Alvin.

Papayag din pala ang dami pang arte.

Aktong tatayo na sana ako ngunit biglang may humawak sa balikat ko para pigilan ang pag tayo ko.

"Lucs" malambing nitong sambit pero kinikilabutan ako.

Agad ko namang inalis ang pagkakahawak niya sa balikat ko at sinabing "bitawan mo ko" nang hindi man lang lumilinga sa kaniya.

Tinanggal ko na ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko at lumipat sa pwesto ni Alvin.

Mediyo nakahinga nakahinga na ako ng maluwag pero naiinis parin dahil sa iisang classroom lang kami nag ka-klase.

Para mawala ang inis ay nagpaka busy nalang ako sa pakikinig sa prof namin habang nagtuturo.

After naming mag klase ay breaktime na muna. Agad naman akong lumabas after kong maligpit 'yung gamit ko.

Balak kong dumiretso kay Daniella at hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang sa iisang lugar lang kami gumagalaw ni Rhiana kaya parang gusto kong hanapin si Daniella.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon